Chapter 20

8.6K 117 15
                                    

**

Chapter 20

"Ito nga."

"Ito sabi." Ang kulit ng lalaking ito! Kanina pa kami nagtatalo.

"Sabing ito eh."

"Ito nga. Kulit ng lahi mo ah." Urrrggh! Masusuntok ko na ito.

"Mas makulit yung iyo. Ito."

"Bwisit. Ito nga kasi."

"Ayoko niyan. Ito." at dinudul niya sa mukha ko yung hawak niya. Bwisit na 'to.

Ano pinagtatalunan namin? Pinagtatalunan lang naman namin kung anong kulay ang ilalagay sa decoration para sa christmas tree. Wala, ngayon lang namin naisipang mag-ayos. Uso din dito sa bahay kahit papano ang pag-aayos di lang halata. December 24 na pero ngayon lang natipuhan. Bakit ba eh parang bangkay yung bahay wala man lang green o red miski yellow na kulay puro kasi white at glass windows ang nakikita ko.

Inilagay niya yung green na star sa tuktok ng christmas tree.

Green? Star? Bobo ba siya? Kelan pa naging green ang star. Naturingang matalino, tanga naman sa combination. Walang kart-art sa katawan.

"Tsk!" I said pero pabulong lang. Lumapit ako sa christmas tree at tatanggalin sana yung star na nakalagay.

Potek! Bakit ba ang liit ko? No Arika. Malaki lang talaga ang christmas tree dito.

Kumuha ako ng upuan at hinagis yung green na star at pinalit yung dilaw.

"Bwisit ka tigilan mo nga yan!" sigaw ko sa kanya. Paano ba naman eh inaalog yung upuan. Ang isip bata niya talaga!

"Pag ako na laglag mata mo lang ang walang latay sakin." pananakot ko.

"Weh. Balikat ko nga di mo abot, mata ko pa kaya." Pinagsisipa ko siya at na-out of balance ako dahilan kung bakit nalaglag ako. Ang taas pa naman ng upuan na pinatungan ko.

Awww. Sakto sa pwet. Shedda!

"Hoy saan ka pupunta?" sigaw ko. Tatakasan pa ata ako. Dahan-dahan akong tumayo at saka siya nagsalita. Sakit. Talaga ng pwet ko. Feeling ko nabali. Sana naman walang pasang mangyari.

"Sa lugar na wala ka." sabi niya. Aba't talaga ang kapal ng mukha.

"Ang baho ng mukha mo!" nanggagalaiti kong sigaw.

"Kwento mo." sabi niya at umakyat na.

Hinimas-himas ko pa din ang pwet ko.

"Ang sakit."

Natapos ako sa christmas tree at naghugas ng kamay. Kumanta pa ako ng happy birthday para talagang malinis. Nagpahinga ako sandal, umupo ako sa sofa. Wala kaming kasama ngayon dahil pasko. Christmas break. Pinabalik ko sa mga lungga yung maid. Si Manang naman ay no choice na magstay dito dahil siya lang ang inaasahan naming. Nagrequest ako kay Daddy ng plane ticket to US pero hindi ako napagbigyan dahil busy siya at hindi maaasikaso.

Kinahapunan ay bumisita sila Louise. Dito daw nila gustong magpasko.

"Dali na kasi bes." Pagpupumilit niya.

"Ayoko."

"Dali na honey bunch." Gatong naman ni Jairus.

"Sabing ayoko."

"Please." Sabi nilang pareho at sabay na nagpout.

"NO!"

"Please. Pretty please!" With there adorable eyes.

"Ayoko pa din."

"Arika, dali na oy!"

"Sabing ayoko bat ang kulit niyo?"

Playful HeartsWhere stories live. Discover now