Chapter 40

3.8K 64 1
                                    

**

Chapter 40 

Parang kailan lang ay sinorpresa niya ako at ngayon ay  ilang buwan na ang lumipas buhat nang maging kami ng taong kinaiinisan ko at the same time ay naging gusto ko. May mga bagay talaga sigurong hindi aayon sa gusto mo dahil kahit anong try kong maging maayos ay gumugulo talaga at hindi maiiwasan ang bangayan sa pagitan naming dalawa. Siguro nga kapag nagsama ang isang Ako at isang Kaien ay hindi na mawawala ang pagiging aso't pusa namin.

"Krung, natapos mo na homework ko?" Tanong niya habang nakahiga sa sofa.  

Finals na at magiging fourth year college na kami. Akalain mo iyon? Sobrang bilis ng panahon, para bang kagragraduate ko lang noong high school noon at ngayon ilang taon na lang ay pagtratrabaho na naman ang susunod.

Bored ko lang siyang tingnan at sinagot. "Hindi pa, bakit kasi sakin ka nagpapagawa, mas matalino ka naman sa akin?"

"Hm, wala lang. Tinatamad ako eh..." Sabi niya at umunat. "saka isa pa, mabait ka naman... pweh!"

"Compliment ba iyan o sarcasm?"

"Sa tingin mo uso compliment?" Napabuntong hininga na lang ako.

"Whatever." Saka ko nagfocus ng tuluyan sa ginagawa ko.

 "Nga pala, pinabenta ko na condo mo." Literal na nabitawan ko ang ballpen ko at mapatitig sa ginagawa ko.

Tiningnan ko siya ng matulin. "HOW DARE YOU TO DO THAT." Sigaw ko sa inis. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na. "That's mine. I want that condo."

"Guess what, nabenta ko na." Nakakainis ang lalaking 'to. Paano ko ba 'to nagustuhan kung puro pang-iinis lang ang ginagawa niya sa akin.

"Nakakainis ka!" Saka ko siya binato ng unan na malapit study table sa kwarto ko.

"Hahahahaha! Joke lang!"

Tinayo ko siya at pinaghamhampas. "Bwisit ka talaga. Lahat na lang pinang-aasar mo sa akin."

"Masarap kang asarin eh. Pikon na uto-uto pa."

"Ah ganun?" sinmaan ko siya ng tingin. "Clown ang tingin mo sa akin?"

"Pwede, pwede!"

"Bwisit ka!" Inirapan ko na lang siya.

Impaktong to. Hindi ko alam kung boyfriend ko talaga 'to oh natripan lang eh. Pero...

Hay! Sana laging ganito. Sana hindi dumating yung puntong iiwan ko siya. Gusto ko siyang makasama pa. Gusto ko siyang marinig pang inaasar ako. Madami pa akong gustong maranasan kasama siya. Madami pa...

Pero paano kung dumating na talaga yung araw na tuluyan ko na siyang iwan? Natatakot ako. Ako ang magiging dahilan ng kalungkutan niya at ako din ang magpapawi ng mga ngiti niya. Pwede pa naman sigurong maghanap siya ng iba at kalimutan ako sa oras na dumating ang araw na iyon? Pwede naman siguro... Yung taong kayang samahan siya hanggang sa pagtanda. Yung taong hindi siya sasaktan. Yung taong handang damayan siya hanggang dulo at hindi siya iiwan.

"Natahimik ka?" Nabalik ako sa katotohanan ng marinig ko ang boses niya.

"Ah, wala naman. May naisip lang kasi ako." Palusot ko.

"Huwag mo akong masyadong isipin, magkasama lang tayo."

"Napakahangin mo talaga. Hmmp!" Natapos ko ang ginagawa ko at itinabi sa gilid ng mesa. This is it pansit! "May tanong ako. Paano kunwari dumating yung time na iiwan ka ng taong mahal mo, anong gagawin mo?" Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

Tiningnan niya ako ng mabuti, "Wala na akong magagawa dun. Move on. Hanap ng kapalit. Mahal uli. Ganun naman lagi ang proseso." Tama, siguro magandang ideya ideya. Napangiti ako sa sagot niya somehow may part din sa akin na nasasaktan. Sa prosesa nga naman ng pagmamahal ay masasaktan ka, kapag masaktan ka at iniwan ay may taong dadating at magbubukas uli ang puso mo.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon