Chapter 44

3.1K 56 2
                                    

**

Chapter 44

Nakakainis talaga ang lalaking iyon, mas pinili pa ang mukhang isdang hapon kesa sa girlfriend nya! Aba, ni hindi man lang ako tinext o tinawagan pagkatapos ng mga nangyari. Nakakagigil talaga. Alam kong may mali ako pero may mali din sya! Urgh. Ang sarap nyang suntukin ng paulit-ulit.

"So ano ng gagawin mo?"

"Ewan ko, hindi ko naman kayang igive up ang isang iyon at isa pa..." bakit nga ba? "Tsaka alam mong mahal ko si Kaien."

"Ewan ko sa inyong dalawa, ang gulo ng lovestory niyo. One moment ayos kayo then in just one blink of an eye may eeksena at mag-aaway o tumpuhan. Mukha kayong tanga na naghahabulan." She's right. Ewan ko kung bakit naging ganito. Ready na ba kasi talaga ako? Matured na ba ako? Naguguluhan ako pero mahal ko siya. Mahal nya ba talaga ako? Ang dali sa kanyang saktan ako! Nakakainis.

"Alam mo Arika, if you love him, don't chase him anymore lalo na kung ayaw magpahabol."

"Kung makaadvice kala mo may lovelife."

"Ganun talaga, ateng! Kung magkakalovelife man ako ayaw ko ng gaya sayong OA sa drama. I hate dramas you know."

"Kaya pala panay ang nood ng anime na puro drama?!" Sabi ko. Kung makasabing I hate drama pero yung drama niya dati sobrang OA. Naku! Baliw talaga ang isang 'to.

"Iba naman kasi yun." Giit niya.

"Iba, ibaihin mo mukha mo. Kahit anong dipensa mo, ganun pa din iyon!" Inis na sabi ko.

"Fine, chill ka lang. Galit na galit?"

"I'm not. Nag-eexplain lang ako." Dispensa ko.

"Whatever, miss. Maiba ako. Inaatake ka pa ba ng sakit mo?"

"Hindi na naman, hindi ko naman siguro ikamamatay yun kahit atakihin ako uli." Paliwanag ko.

"Anong hindi ka dyan. Nako wish ko lang talaga, bakit kasi may ganyang history sa pamilya mo eh! Scarryyy much!"

"OA lang? OA forever?"  Kahit kailangan ang babaeng ito, dinaig pa ako sa pagkaOA. Hay nako! Magkaibigan talaga kami. "I will not die, asa pa. Arika mamamatay sa sakit? Asa talaga!"

"Yabang mo ateng. Bumalik na nga tayo sa topic natin. Paano na ang ArIen, kung madaming paepal?"

"Aba malay ko! Wala namang pakialam yung isa. Nakakainis talaga!" Kung hindi ko lang talaga siya mahal nako. Iiwan ko siya ng tuluyan.

"Ang selosa mo din naman kasi. May nakita lang umalis na. Hindi mo man lang pinaexplain ang boyfriend mo." Lintanya niya.

"Explain?! Eh nilait lait na ako ng hipong isda at pinaalis pa ako. Bwisit naman. Una yung Leigh na mukhang itlog tapos yung hapong mukhang prinitong  isda. Sino pa bang susunod ng mapaghandaan ko naman!" Dere-deretso kong sabi! Nakakagigil talaga.

"Easy, woman. Para lang tanga." Grr. Paano ko nga ba maging bestfriend ito?!

Inirapan ko lang siya. Nakakainis, palibhasa walang problema sa buhay kaya ganyan.

"Wag mo ako, irapan may problema ako pero ayoko dagdag sayo."

"Really uso pala sa iyo yun." Sarkastik kong sabi. "Nakakainis. I want a happy ending but fate didn't want to."

"Nauso kelan lang, ayoko lang dumagdag sayo." Malungkot ngunit nakangiti niyang sabi. "Pahappy happy ending ka pang nalalaman samantalang galit na galit ka sa fairytale."

Ano bang problema nya? "Then tell me! Rant ako ng rant dito eh, may problema ka pala."

"I'm engaged." Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now