Chapter 21

8.1K 139 12
                                    

**

Chapter 21

Anong ginagawa ng babaeng yan dito?! Bakit pa mukha siyang lintang dikit ng dikit.

"Hi, little sis." aniya.

"Why are you here?!" taas kilay kung sabi.

"Masama na bang dalawin ang boyfriend KO?" Aba't makapal talaga siya. Inemphasize pa niya yung 'ko' as if interested ako. Dapat talaga hiwalayan na 'to ng bakulaw eh. Halata namang hindi niya mahal. Tsk.

"Nung umulan siguro ng kakapalan ng mukha eh, nasalo mo lahat?" pantapat ko sa sinabi niya.

"Inggit ka?" Sabi niya. Yabang mo. Sarap mong tirisin at sana din liparin ka na ng hangin. Never kang matatanggap ng sistema ko!

"Makapal ka talaga ano? Sarap lihain ng mukha mo ng numipis kahit papaano."

"Baka ikaw. Ako kasi mahal, ikaw? Sapilitan." Asa ka. Halata namang di ka mahal ng taong yun.

"Oh talaga? Mahal pero nagmamakaawa ka sa boyfriend MO? Kawawa ka naman my dear half-sister." Inemphasize ko talaga yung 'MO'. Konting pigil pa baka di ko na siya matantya at masapak ko na ng tuluyan. Mabait ako, sa mabait pero mas bitch ako sa bitch.

"Whatever." tapos inirapan niya ako. Dukutin ko mata mo dyan. "Babyyyy." sabi nya sabay yapos sa kakababang Bakulaw. Messy hair. Bagong gising? Gwapo, huh.

"Why are you here?" malamig na tanong niya.

"Binibisita ka, Christmas kaya. Let's celebrate?" pagyaya nito.

"I can't. Aalis kami ni Arika." Huh? Saan kami pupunta?

"Hoy anong sina--"

"Tumawag si Mommy. Pupunta tayong bahay." E-eh? Saan daw? Bahay uli nila?

"Magbrebreak din kayo." Bulong ko.

"Break na din pala tayo." sabi niya sa girlfriend niya 'kuno'. Ang sarap tawanan. Di maipinta itsura niya. E-EEHHHH?! Tama ba narinig ko?

"Huh? Anong sinasabi mo dyan? You're joking right?" Medyo balisa at hindi makapaniwala niyang sabi. Her one year boyfriend is breaking-up with her. How sad, this might be the saddest yet the happiest scene I've ever see. Gusto kong tumawa ng malakas but I can't.

"Makakaalis ka na." Pangtataboy niya. Ang weird niya din ngayon, ano kayang nakain nito? Pandesal.

Nakita kung tutulo na ang luha ni Leigh pero pinipigilan niya lang. Napasmirk na lang ako. Ako ata kontrabida sa kwento ng dalawang 'to.

"Ano bang problema Kai?" tanong niya. Ang drama niya, anong problema? Obvious naman na hindi ka gusto niyang boyfriend mo. Desperada ka lang talaga to the nth level.

"Wala naman. Ge. Alis ka na." pangtataboy niya uli.

"Dahil ba sa kanya?" turo niya sa akin? Nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanila. Oh ano ginawa ko? "Dahil engaged ka na kayo iiwan mo na ako? Ano 'to? Mahal mo naman ako di ba?"

"Maiwan ko na kayo ha? Di ko kaya kadramahan ng kwento niyo." Aalis na sana ako ng higitin ni bakulaw yung braso ko. "Wag kang aalis." bulong nito sa akin. "No, she's not the reason. I just don't love you."

"Anong you don't love me?! One year na tayo tapos yan ang sasabihin mo?! Umayos ka nga!" sigaw nito.

"Nagsawa na ako. Ge, makakaalis ka na."

So ano pala ako dito? Taga-subaybay ng drama nila? Inalis ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "Ano niyo ako dito? Taga-subaybay ng kadramahan niyong dalawa? Pwede ba. Wag niyo ako idamay sa buhay pag-ibig niyo. Nakakairita sa totoo lang." Litanya ko at hindi ko na sila hinintay na magsalita pa. Binalingan ko ng tingin si Leigh, "At ikaw naman, wag ka masyadong desperado kita mong ayaw na sayo nagpupumilit ka nga. Mahiya ka naman para sa sarili mo." Napaawang ang bibig ni Kaien sa mga sinabi ko. Dumeretso na ako kwarto ko ng nakita ko namang nagsink-in na sa mga utak nila ang sinabi ko. Bahala kayo sa buhay niyo dyan.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon