Chapter 18

8.3K 112 13
                                    

✓ I hope it's not magulo na :D

**

Chapter 18

"Arika" sabi ni Mom sa akin. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan.

"So she heard it." sabi niya. "Hi, my dearest sister." dugtong pa niya.

Halos malaglag ang panga ko sa pagkakasabi niya nun. For all this time, kaya pala naabutan ko sila once na nagtatalo ni Daddy. Ito pala ang sikreto nila na ayaw nilang ipaalam sa akin. Kaibigan ko pa! Kaya pala, napangiti na lang ako ng mapakla. Si Mommy pala, si mommy pala ang nagkaroon ng anak sa labas. Hindi matanggap ng pagkatao ko na may kapatid ako at ang taong nananakit pa sa akin. Hindi matanggap ng sistema ko na nagawa sa akin ito ni Mommy.

"Anong kalokohan 'to?" halos mapatayo na si Tita sa sinabi ni Leigh. "I want Arika for my son at anong sinasabi mo? You and Kai?" naguguluhang tanong ni Tita.

"Yes. It's been a year since naging kami."

"Pero engaged na sila!" Reklamo ni Tita.

"I know tita, I know but Kai didn't love her..."

"Same with you." Balewalang ssabi din ni Kaien.

"Anong sasabihin ng iba?" tanong ni Mom kaya Bakulaw. "At ikaw babae ka! I never treated you as my own, don't call me like that. Isa kang malaking pagkakamali!" may awtoridad na sabi ni Mommy habang tinuturo-turo ito.

"Really, mom? Pagkakamali ba ang lagi akong dinadalaw ng palihim at binibigay ang luho ko? Kaya pala umalis ka at pumunta kayong Amerika para takasan ako. Ang galing naman." Sarkatikong sabi niya.

"Hi, Leigh." Nakangiti kong bati sa kanila. Pinunasan ko ang mga natirang luha sa mukha ko. Hindi ako papayag na makuha mo si Mommy, ako lang ang anak niya. "Oooopss. Should I start calling you Ate?"

"Ari--" Hindi ko siya hinayaang magsalita.

"Bakit ka nga pala tumira sa pamamahay ko?" taas noo kong sabi sa kanya. "Because you pleased Kaien to make you stay here, right?" mataray kong paalala sa kanya.

"Ang kapal ng m--" akmang sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko naman agad.

"Don't you dare touch me, again." Matapang kong sagot at sinampal siya.

Halos malaglag ang panga ng mga magulang namin. Malakas ang pagkakasampal ko sa kanya dahilan kung bakit napaupo siya sa sahig. Napahawak siya sa pisnging nasampal ko. Dinaluhan agad siya ni Bakulaw. Hala sige! Samahan mo 'yang girlfriend mo. Naiirita ako sa inyo.

"Bab--"

"Don't call me baby when I'm not." sabi ko. 'Wag mo akong matawag-tawag na baby kung gayong may nauna ka naman pa lang anak. Pinaniwala mo akong ako lang ng prinsesa mo kung gayung may iba palang nauna sa akin. Nasasaktan ako Mom. Bakit ganito!

"Arika." Hahawakan sana ako ni tita pero tumakbo na ako palabas ng bahay. I don't want to go home. I want somewhere else. 'Yung malayo sa realidad na may kapatid ako.

Napadpad ako sa medyo malayo sa bahay, isang playgroud. Napaupo ako sa may damuhan at doon ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

"Ito, oh. Ganun ka pa rin pala talaga." Iniangat ko ang ulo ko. Isang Jairus Samuel Garcia ang tumambad sa akin. Mabilis kung inagaw ang panyo at pabulong na nagpasalamat.

"Alam mo na din pa lang kapatid mo si Leigh?" sabi pa niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita.

"Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko noon nung niloko kita. Akala ko kasi mas mahal ko si Leigh. Ayan tuloy nasira ang friendship natin... pati na relationship natin." Buti alam mo. 'Di ka kasi makuntento sa isa. You are a casanova in your own little ways, Jairus.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now