“Uhh, sige na. Matulog ka na,” sabi ko.

“Yeah. Kaw din. Night!”

“Night! Ibababa ko na ha!”

“Ok.”

“Ok.” Pero parang ayaw ko pa din ibaba ang tawag. Hindi ko rin narinig na namatay ang linya.

“Andiyan ka pa?”

“Yeah… akala ko ba ibababa mo na?”

“Oo nga. Heto na nga.”

Ngunit hindi ko pa rin ini-end ang call. At para akong timang na nakangiti.

“Chan-Chan?” sabi niya.

“Oo na po. Ibababa na po. Good night!”

Narinig ko siyang tumawa ng mahinhin. “Good night!”

“Night!”

“Chan-Chan naman eh! Aabutin tayo ng umaga dito!” tumatawa na siya sa kabilang linya.

Napatawa na rin ako. “Oo na nga po! Bye.” At inend call ko na kahit ayaw ko pa. kasi kung hindi ko gagawin eh aabutin talaga kami ng umaga.

Matapos ang tawag na yun, dumalang na ang communication namin ni Krystal. Masyado na kasi talaga akong nagiging busy sa pagiging Vice President. Kung minsan naman, pag tumatawag ako, hindi niya sinasagot. Siguro madami talaga silang ginagawa sa school nila.

Yung dating date namin na every week, nagiging every other week, every other two weeks, once a month… mahirap talaga dahil magkaiba kami ng school na dalawa. Liban pa doon, may kani-kaniya kaming responsibilities.

Tapos balita ko marami daw ang pumoporma sa kaniya sa school nila. Maging sa karatig school nila, may nanliligaw din daw. Hindi ko naman matanong kay Krystal dahil… wala naman akong magagawa kung hindi lang ako ang magkagusto kay Krystal. Maganda siya, masipag at mabait. Hindi ko din naman siya pwedeng pigilan sa pag-entertain ng mga manliligaw kasi baka isipin niya na possessive ako. At isa pa, hindi pa naman kami. Nanliligaw pa rin ako. Pero sa tingin ko hindi naman siguro mag-eentertain si Krystal ng gma manliligaw. As I remember, may pagka man-hater si Krystal dahil sa tatay niya. Destiny lang talaga kaming dalawa kaya ako nakapanligaw sa kaniya. Kita mo nga o! isang taong panliligaw hindi pa rin sinasagot. Para lang maiparamdam ko kay Krystal na seryoso ako sa kaniya, sipag, tiyaga at pasensya lang talaga ang kelangan.

Isa sa dahilan kung bakit nabawasan ang communication namin ay noong napili si kuya Mason na maging representative ng school namin para sa Inter-high school Math Quiz bee. Nagkaroon kasi siya ng one month training kaya naman kailangan niyang ipagpaliban ang mga gawain niya sa council. At dahil sapagkat beacause ako ang VP, ako ang sumalo ng lahat ng yun. Ok lang naman sakin dahil one month lang naman at ginusto ko din naman yun. Yun nga lang, nasasacricfice ang lovelife ko.

Yaman din lamang at napunta sa Quiz bee ang usapan, may naisip na kalokohan sina Charlie at Louie. Nagsimula yun sa panunukso nila sa aking dalawa. Dahil nga lumalabo na yung communication namin ni Krystal at isang taon na akong nanliligaw pero exclusively dating pa rin kami. Yun. Siyempre ayoko namang ako lang ang kawawa kaya tinukso ko din sa kanila. Hanggang sa kay Charlie nabaling ang panunukso ni Louie. Ipinagpipilitan ni Louie na Crush pa rin ni Charlie si kuya Nile. Pero tingin ko hindi naman. Si Louie, hindi matukso. Dahil imbis na tuksuhin namin siya kay kuya Aidan – yung gurang niyang crush, eh kinikilig pa siya. Hmpf! Hindi naman sila bagay na dalawa.

Dahil ayaw magpatalo ng dalawa, ayun! Nagpustahan sila na pag nanalo ang representative ng Math Quiz Bee ng Uste, harap-harapang aaminin ni Charlie kay kuya Nile na may crush pa rin siya sa huli. Hindi pa napipili ang magiging representative ng mga panahong ito. Nagsikap ako at nagbakasakaling ako ang kunin para maipanalo ko ang quiz bee. Pero it turns out, si kuya Mason nga ang nakuha.

Since si kuya Mason ang representative, edi ayun. Panalo. Hahaha. Ang galing talaga ni kuya Mason! Pero nagulat ako sa consequence ni Louie.

A Man's LifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt