Napahinto naman ito sa pagkain at pabaling baling ang tingin saming dalawa ni Kim. "Ha? Ah eh. Kumakain naman ako kahit ano, pareho lang naman ang lasa."

Nag butt in naman bigla si Kim. "Pero kasi dear db nasasarapan ka nung pinagluto kita ng scrambled egg with milk and butter?"

Parang gusto kong mabilaukan sa narinig ko. Anong dear?! Ang OA ha, may ganun pang nalalaman. So I cleared my throat at sinagot siya. "Eh di ipag luto mo ng makapagtuloy na kaming kumain ni Winona dito." Ang daming arte, nakikikain ka na nga lang! Mahinang sabi ko sa sarili.

"Never mind, pagluluto kita next time dear. Yung tayong dalawa lang." Sabi ni Kim. Tumawa lang ako ng slight sa narinig ko. If I know lasang bugok naman yan.

Humarap ako kay Winona na ngayo'y nakatunganga lang saming dalawa. "Lab? Don't you think it's a bad manner to suggest sa host kung ano lulutuin well in fact nakisali lang naman siyang kumain?"

"Excuse me, pinapaalala ko lang." Sabat ni Kim.

"I don't think it's proper to look for something that's not in the table. Marunong ka naman sanang makuntento." Sabi ko na nakaharap na sa kanya.

Humarap na din siya sakin at binaba ang kutsarang hawak niya. "Oh? Look who's talking about contentment." At marahan siyang tawa.

Sasagot pa sana ako pero tinaas na ni Winona ang kamay niya at nagsalita. "Tumigil na nga kayo! Nawalan nako ng gana dahil sa walang ka kwenta kwentang itlog na yan!" Huminga muna siya ng malalim at nagpatuloy magsalita. "Kung hindi kayo kakain ng tahimik, umalis nalang kayo."

Hindi nako umimik pa dahil mas kilala ko kung paano magalit si Winona. Buti nalang tumahimik nadin yung isa. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si Winona maghugas ng plato tapos si Kim naman naglinis ng lamesa.

"Matutulog ako. Umuwi na muna kayo. Salamat." Sabi ni Winona.

"Samahan na kita dito lab while I wait for the twins." Suhestyon ko at lumapit sa kanya.

"Ay, tambay na muna ako dito dear. I still have time pa eh." Si Kim.

Nagdabog tuloy si Winona at pumagitna saming dalawa ni Kim. "Pwede ba?! Umalis na kayo, gusto kong magpahinga ng mag isa. Please na to!"

Nagkatinginan lang kami ni Kim kaya hinawakan ko ang kabilang braso ni Winona. "Hindi lab, samahan nalang kita sa taas lab."

Hindi naman nagpatalo ang isa at hinawakan ang isa pang braso ni Winona. "Dear wag, dito nalang tayo sa sala." At nakatingin padin sakin ng matalas.

Ng buntong hininga ako at tinaasan ko siya ng kilay. Ngayon mas dumikit pa ako kay Winona. "Lab, gusto mo.."

Hindi na siguro nakayanan ni Winona ang tension kaya bigla niyang hinablot ang braso niya at dumistansya saming dalawa. "Tama na!! Magsilayas na kayong dalawa!!" Sabay tulak niya samin hanggang sa tuluyang makalabas na kami ng bahay niya. Pinagsarhan pa kami ng pinto ng ke lakas lakas.

Nakatunganga nalang kaming dalawa ngayon sa labas ng bahay ni Winona. Napakaepal kasi ng isang to eh! Hindi ko na napigilan kaya humarap ulit ako sa kanya. "Panira ka ng umaga alam mo ba yun? Ang ganda ganda ng gising namin kanina sinira mo lang." Tapos nag lakad ako palabas sana ng gate.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt