22 // Believe In Me.

7.4K 112 15
                                    

Y'ALL NEED TO WATCH THE HEART-WARMING VIDEO AT THE SIDE.

Believe In Me.

Nakakadating tayo sa punto na nagsasawa na sa buhay. Yung tipong sobrang galit na natin sa mundo.

Worthless. Useless. Nothing. Empty. Alone. And the worst in the world.

So you'll cut your wrist.

Tandaan mo, hindi canvas ang braso mo para umukit gamit ang blade at saktan ang sarili mo. Paano nalang ang markang maiiwan pagkatapos mong maglaslas? Paano pag nagkaanak ka at makita ng anak mo ang peklat sa braso mo? Ano nalang ang iisipin nya? Na tama ang maglaslas kasi nakita nya sayo?

Stay strong. Huwag kang magpadala sa mga sinasabi nila. Lagi mong iispin na hindi ikaw ang may problema. Sila ang may problema para husgahan ka nila. Wala silang alam. Hindi nila alam ang dahilan kaya huwag kang magpapaapekto.

Kung alam mo ang kwento ng buriko at mag-ama. Yung naglalakad sila sa isang bayan. Sakay ang anak sa buriko samantalang ang ama ay naglalakad. Narinig nila ang mga sinasabi ng mga tao, bakit daw anak ang nakasakay samantalang nahihirapan ang ama sa paglalakad. Ano ginawa ng mag-ama? Ang anak na ang naglakad at ang ama ang nakasakay sa buriko. Habang naglalakad sila, naririnig parin nila ang mga komento ng mga tao, bakit daw ang ama ang nakasakay samantalang nahihirapan ang anak sa paglalakad. Kaya ang ginawa nila, sumakay sila pareho sa buriko. Hindi parin sila tinatantanan ng mga tao sa bayan. Bakit daw nila pinahihirapan ang buriko? Nakasakay pa silang mag-ama? Kaya ang ginawa ng mag-ama, binuhat nila ang buriko.

Sa tingin nyo? Sino ang may problema?

Hindi na matatanggal sa atin ang pagiging judgemental, pero sana mag-isip muna tayo bago magsalita. Walang pinanganak na perpekto. Lahat tayo may flaws.

Maging tapat ka sa sarili mo. Huwag mong intindihin ang mga sasabihin nila sayo. Ano naman kung sinabihan kang 'pangit ka', gaganda ba sila?

Ano ngayon kung sinabihan kang 'tumaba ka?', ang tanong sumexy ba sila?

Gawin mo ang gusto mo. Dahil kahit anong gawin mo, nakasasunod na sayo ang mga taong huhusga sa ginagawa mo kakilala mo man o hindi. Atleast masaya ka sa ginagawa mo.

Huwag kang magagalit sa sarili, maganda ka, tandaan mo. Walang mali sayo. Sila ang may pagkakamali. Always think positive.

Minsan nga, mas mabuti ng gawin ang mahirap at mag take ng risk at least sinubukan kaysa magsisi dahil ni hindi mo sinubukan.

I always think positive no matter what. Like, nung dumating si Justin Bieber sa bansa this december 10th, hindi ko sya nakita at sobra akong nasasaktan kasi nasayang yung pagkakataon at oportunidad. Pero ang tinatak ko sa isip ko, hindi ko man sya nakita sa pagkakataong ito, mayroong right place, right time para sa aming dalawa. Atleast nung december 10th, same time, same country, and we are breathing in the same air. :)

Just stay positive :""">

Sa youtube video, pinakagusto ko yung part kung saan may babaeng nakatayo sa harap ng salamin at nakita nya yung repleksyon nya na ang taba taba nya, pero sa totoo lang, buto't balat na sya.

You see how society sucks?

If may problema kayo, talk to someone else. Huwag mong sarilihin. Huwag kang magpapakamagaling na kaya mo pa, tandaan mo, hindi lang ikaw ang may problema sa mundo kaya huwag mong pasanin lahat. Kung maari, matutong humingi ng tulong.

May tao pang magmamahal sayo at isa na ako doon kaya huwag mong sasabihing mag-isa ka nalang at sasapakin kita hahaha.

Better to keep urself up high. Learn to appreciate every single things. Those little things are the special ones. :)

Speak out. Breathe. Live life.

Don't take life so seriously. Just enjoy the flow. Try new things. Have an adventure and feel the freedom.

I just enjoy my life doing something which is worth it.

And always be thankful in everything.

Love God.

yours truly,

Trisha | Fixinhappiness

Teen Tips 2020 (Re-Writing/Updating)Where stories live. Discover now