↠↠ Kdrama is lifeu~

24.2K 322 58
                                    

Isa na ako sa mga taong kinain na ng sistema ng kdrama, (well not totally kdrama- pati narin asian drama, in general, pati narin ng anime/live action). One of the reasons why I love kdrama is that the stories and everything are full-package. Mula sa well-cast characters, plot story, fashion, etc.

Here are some of my ultimate favorite kdramas as of February 2017- from my fave childhood kdramas until what's going on today, I don't actually have a list kaya kung ano lang ang sinasabi ng puso ko (taray!) ang mapapabilang sa chapter na ito. Not in particular order.

HEALER

Utang na loob! Sobra akong kinain ng sistema ng palabas na ito bes! Hanggang ngayon, nagpa-fangirl padin ako at kinikilig. Everytime na nalulungkot ako, pinanunuod ko lang ang mga fan videos ng Healer sa youtube. Sobrang nahirapan din akong mag-move-on sa palabas na ito. Yung tipong after kong mapanuod ang Healer, ilang araw ko ding dinamdam ang ganda ng palabas na ito, hindi ko magawang manuod ng kahit ano! Sobrang refreshing ng plot story. Sobrang gwapo pa ni Ji Chang Wook oppa jusme! The feels bes!

COMEBACK AHJUSSI

One of the underrated kdramas. Akala ko nung una, it was just a light story. Nabigyan lang ng second chance ang dalawang bida pero habang pinapanuod mo sya, connected silang lahat sa isa't isa. Ang galing ni Oh Yeon Seo dito pati narin ni queen Lee Min Jung. Actually pinanuod ko sya dahil kay Lee Min Jung at Rain, pero talagang na-fall inlove ako kay Oh Yeon Seo syempre pati sa story. Tatawa ka tapos bigla kang iiyak. Full of too much emotions and feelings. Para kang baliw sa paningin ng makakakita sayo kasi umiiyak ka tapos tatawa. Godbless this kdrama.

WEIGHTLIFTING FAIRY KIM BOK JOO

One of the realest shows I've watched. Sobrang ganda ng message ng palabas na ito. Yes, it was a light kdrama pero yung impact saming viewers, iba din bes! Nag-trending pa nga ang 'Do you like Messi?' HAHAHAHAHA. Empowering ang show na ito especially to us, girls. Kim Bok Joo is a feminist which I really admire about this show. Tanggap at minahal ni Joon Hyung si Bok Joo bilang sya. Unlike other shows na nag-eevolve si girl dahil luma-love life, ibahin natin si Kim Bok Joo. Hindi nya kailangan ng evolution para may magmahal sa kanya. Dedicated din at passionate si Kim Bok Joo sa pamilya at sa weightlifting. Daming lessons sa kdrama na ito. Perfect na sya para sakin. Pwedeng mangyari in real life. The cinematography, osts, casts, etc-- *applauses* 3rd time ko na itong pinanunuod, ang hirap mag move on!

JEALOUSY INCARNATE

Ito ang show na ito ang dahilan bakit ako naka-move on sa Healer. Light story din sya. Sobrang nakakatawa lalo na ni Hwa Shin, jusko bes! Halakhak na halakhak ako nung pinanunuod ko ito. Sobra din akong na second lead syndrome! Kung pwedeng akin na lang sya~ 

CHEESE IN THE TRAP

Pinanood ko ang kdrama na to dahil sobra din akong na-second lead syndrome sa Cunning Single Lady, diko naman akalain na sobrang ganda nito. Ganitong genre ang isa sa mga paborito ko. Ang lalim ng mga pinagdadaan ni oppa dito jusko pero lahat ng bagay may dahilan, yung tipong maiintindihan mo ang sitwasyon ng bawat characters. Excited nako sa movie adaptation since syempre nakakalungkot na hindi na si Go Eun si Hong Seol pero looking forward naman ako dahil syempre si Oh Yeon Seo na.

REPLY 1988

I was emotionally unstable while watching this. Sobrang ganda yung sana nabuhay din ako sa panahong iyon. No wonder why this kdrama is one of the best among the rest. Iba ang hatak nya sa viewers. Well played characters at sobra akong napamahal kay Choi Taek oppa! Mamaya tawa ka ng tawa tapos bigla kang iiyak. Nakakadala ng emosyon itong palabas na ito. Yung sobrang mahal nila ang pamilya, barkada, etc. Ang lakas maka-throwback sa childhood.

DESCENDANTS OF THE SUN

Godbless this kdrama! Refreshing ang plot story, sobra akong napamahal sa love story nila Myeong Joo at Dae-Young. Ang ganda ng story, halos pati matatanda dito sa pinas nung pinalabas sa GMA 7, laging pinag-uusapan which was sobrang nakakatuwa dahil kinain sila ng sistema. Dito ako mas napamahal kay Kim Ji Won.

HIGH KICK 3: REVENGE OF THE SHORT LEGGED

This sitcom has hundred plus episodes pero nabitin parin ako. Fetus pa dito si Kim Ji Won at Lee Jong Suk, kyeopta~! Isa ito sa mga nagpasaya sa akin especially after work pag uwi ko, ito ang pinanunuod ko. Tatawa ka ng tatawa. Fave part ko syempre yung moment nila Ji Won at Jong Suk pati narin syempre ang love story nila Ji Seok at Ha Sun. Tapos yung about sa menopause episodes, jusko ang tawa ko bes!

GOBLIN

Everything is flawlessly perfect- cinematography, osts, casts, etc. Jusko si oppa dong wook dito, mahal na mahal na mahal ko siya. Ang feels ko dito, sobra sobra! Yung malalaman mo na puro ad-lib sila, sobrang laughtrip! Every episodes were beautifully executed. Ang daming magagandang scene. Yung bromance pa ni Goblin at Grim~~~~ the feels bes!!! THE FEELS!!!!!

LOVE RAIN

Yung storya nito, jusko the feels! i was attached in this show. Grabe naman kasi. Ginawa nilang makatotohanan ang ending which was more convincing kaysa kung sino ang magpaparaya. Ganda ng storya. Iba din si Yoona~

BIG

Gong Yoo and Lee Min Jung!!!!!!! The feels na naman mga bes!!! Maganda naman ang story eventhough some people were confused about the ending. Pero maganda naman ito. Yung 10:10 moments nila, nakaka inlove. Nakakatawa din ang palabas na ito tapos maiiyak ka din.

MY GIRLFRIEND IS A GUMIHO

Napanuod ko ito tagalog adaptation na. Ang ganda ng story kahit medyo malabo na ang memorya ko sa palabas na ito pero damang dama ko parin ang pagmamahal ko sa kanila.

MASTER'S SUN

Pinanuod ko din to tagalog adaptation, pinagpupuyatan ko pa ito gabi gabi. Ang galing ng mga characters, nakakadala ng emosyon. Ang cute din dito ni Sunny.

FULL HOUSE

All time favorite! Medyo malabo nadin ang memorya ko tungkol sa story nito pero the feels padin sila Rain.


Always,
Patricia ☕🍂

Teen Tips 2020 (Re-Writing/Updating)Where stories live. Discover now