Napatingin ako kay Japan na nakatingin sa relo nya. Ngayon dalawa na kaming nakakaalam na may tatlong oras na lang kami bago matapos ang oras sa pag-akyat sa pinakatuktok. Bigla akong may naisip kaya nilapitan ko sya.

"Japan." napatingin sya sakin at kumunot ang noo. Ang sungit talaga nito. "Paunahan tayo makaakyat sa tuktok. Kapag nanalo ako, makikipagdate ka sakin kapag nanalo ka makikipagdate ako sayo." ang galing ko talaga.

"Deal with yourself." sabi nya at iniwanan nya ako. Hindi ba talaga tumatalab ang pacute ko sa kanya?

Sinundan ko sya paakyat.

"Scared?" ngising sabi ko. Tinignan nya lang ako ng masama pero napa-smirk din.

"You can't beat me. Kapag ako ang nanalo, tigil tigilan mo na ako sa pang-aakit mo. Nakakasura lang." ouch! sapul na sapul! grabe 'to ah.

"Ah talaga lang ah? Deal. Hindi ako magpapatalo hangga't hindi ka nagiging akin." ngising sabi ko. 

Pumwesto na kaming dalawa. Magkapantay kami habang yung iba ay nauuna na maglakad.

"One...two..." tumingin ako sa kanya at napatingin sya sakin. I winked to her and "Three. Go!" halos sabay lang kaming dalawa sa pag-akyat. Dalawang steps na ginawa ko para maunahan sya at ganon din sya.

Nung nalagpasan namin ang mga kasamahan namin, alam kong nagtataka sila kung bakit kami nagmamadaling umakyat sa itaas pero bahala sila dyan, ayokong magpatalo kay Japan 'no baka kapag natalo ako ay hindi ko na magawang akitin sya at pagkakataon ko na 'yon kapag nanalo ako. 

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming umaakyat ni Japan nung makaramdam ako ng pagod kaya tumigil na muna ako saglit pero sya ay patuloy pa rin sa pag-akyat. Huminga ako ng malalim bago sundan agad sya. Hindi ako pwedeng matalo!

Hinabol ko sya kahit na medyo pagod ako pero hindi ko sya maabutan. Takte hindi ba sya napapagod? Mukhang matatalo ako rito. Hays hanggang dito ba naman matatalo ako? Pero hindi, hindi ako magpapatalo sa kanya.

Mas binilisan ko ang pag-akyat ko. Napansin ko na bumabagal ang pagtakbo nya kaya pagkakataon ko na 'to na maabutan sya at unahan sya. Pero naabutan ko nga sya ay pagod na pagod naman ako. Putek! mahina pala stamina ko sana pala hindi ko na sya hinamon pa. Wala na, hindi ko na sya maakit dahil ayun ang deal nya.

Pagod na pagod ako sa hagdanan. Tinignan ko si Japan na umiinom tapos nakatingin pa sakin. Napaiwas ako ng tingin. Naramdaman kong umupo rin sya sa tabi ko pero may space pa rin.

"I told you, you can't beat me." tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa mga kasamahan namin na nagmamadali rin umakyat. Siguro alam nilang kaonti na lang ang oras kaya nagmamadali na sila.

"Matatalo rin kita." nginitian ko sya at tumingin sa mga kasamahan namin. "Sa ibang paraan."

Tawang tawa ako ngayon sa mga kasamahan namin. Hindi sila nakaabot ng alas cuatro kaya ang resulta ay wala silang dinner lahat kahit yung mga seniors. Kami lang kasing apat ni Ate Anya, Ate Kill at Japan ang nakarating sa pinakatuktok. Kumakain na kaming apat habang yung mga kasamahan namin ay nasa gilid na pinapanood kami. Ang dami pa namang pagkain na nakahain tapos panay pa ang lunok nilang lahat.

"Ayan, picture pa ah?" asar ni Ate Anya. Natawa ako nung sumimangot silang lahat. Ayan ang napapala nila, dami kasing kwento at pictures. Ayan walang pagkain.

"Gutom na ako". rinig kong sabi nila Louise. Bigla naman akong naawa. Hindi sila kumain ng tanghalian at umakyat pa ng mataas na hagdan tapos hindi sila makakain ng dinner.

"Tapos na ako kumain. Mauuna na ako matulog ah?" sabi ko sa kanila. Busog na rin naman ako kaya bahala na sila dyan.

"I'm done too. Goodnight." napatingin ako kay Japan. Inirapan nya lang ako at naunang lumakad. Ngumiti ako at hinabol sya. Narinig ko pa sila Ate Anya na nagsalita.

"Shit, biglang akong tinawag ng kalikasan. Wait." sabi ni Ate Anya. Mas nauna pa sya samin ni Japan na makaalis.

"Wala na akong gana." sabi ni Ate Kill. Nilingon ko sya kung saan sya pupunta. Lumabas sya.

Mukhang iisa lang ang nasa isip naming apat ah?

"Waah!! Thank you guys!" sigaw nilang lahat. Natawa ako nung marinig ko na nagsitakbuhan sila. Mga gutom talaga.

"Japan, may date tayo bukas 'di ba?" pacute kong sabi kay Japan. Tinignan nya ako tapos inirapan. Hindi ko naman maiwasan mapangiti.

Well, ako lang naman ang nanalo saming dalawa sa paunahan makaakyat sa tuktok. Wala eh, effective pala yung mga pang-aakit ko sa kanya kaya ayun nauna ako. Mas lalo tuloy akong ginanahan akitin sya dahil alam kong naeepektuhan ko sya. Sabi ko naman, matatalo ko sya sa ibang paraan.


Nakasimangot ako habang hinihintay si Japan na matapos mag-ayos. Nakakaasar dahil ang bagal nyang kumilos, dalawang oras na akong naghihintay sa kanya tapos kasama pa si Torey at Jayden sa date namin o matatawag pa bang date 'to dahil may mga asungot na kasama?

Akala ko masosolo ko na si Japan pero hindi rin pala nakakainis.

Pinagmasdan ko si Japan habang nananalamin sa malaking salamin sa gilid. Napakasimple lang nya pero ang lakas ng dating. White tshirt, black pants with black leather boots. Oh 'di ba simple lang pero pormang porma. Sya na malakas ang dating.

Inaayos nya ngayon ang buhok nya na ilang beses nyang ginugulo tapos aayusin ulit. May saltik din 'to eh o talagang tinatagalan nya?

Bumaba ang tingin ko sa leeg nya. Wow ang puti at mukhang ang soft pa.

Tumayo ako at nilapitan sya. Pumunta ako sa likod nya at hinawakan ko ng bewang nya. Natigilan sya at bago pa sya makaharap sakin. Niyakap ko sya. Isunubsob ko ang mukha ko sa leeg nya.

Wow! Ang bango nya infairness. Ang sarap amuy-amuyin. Sana hindi ko maubos yung amoy kakasinghot ko pero wala naman syang palag kaya okay lang.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at bigla ko na lang sya hinalikan sa leeg. Natigilan nga sya sa ginawa ko at ramdam ko ang paglalim ng paghinga nya.

Napa-smirk ako. Hinalikan ko ulit sya pataas sa jawline nya. Napahawak sya sa braso ko at kitang-kitang namumula ang mukha nya sa salamin.

"Stop..." nanghihina nyang sabi. Napangisi ako.

Hinila ko sya at tinulak sa kama. Mabilis na pumatong ako sa kanya dahil baka makawala pa sya.

"What are you doing?" masungit nyang sabi.

"I know you will like it." hinalikan ko sya sa mga labi nya na ikinagulat nya.

Itutulak nya sana ako kaso hinawakan ko ang mga kamay nya at iniligay sa ulunan nya. Pumapalag pa din sya pero hindi ako tumigil.

Iniligay ko sa pagitan ng dalawang hita nya ang tuhod ko. Napaungol sya sa hindi ko inaasahan pagkakataon. Pero magandang pagkakataon din 'yon para maipasok ko ang dila ko sa bibig nya. Napaungol na naman sya dahil doon. Hindi ko maiwasan mapangisi.

"Japan! Zoe! Ano na?!" putek!

Ang ganda ng timing nila!




---------------------------------------

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now