Tumayo nalang ako sa gilid ng bandang naka set up, hawak hawak ang cake. May kinuha kaming banda na paborito ni Winona dati pa. Eto sana yung surprise ko sa kanya.

Ng maglakad na si Winona papalapit sakin ay nagsimula na ang paborito niyang banda magpatugtog at kumanta. Nakikita kong halos maluha luha na siya sa saya. Yung abot tenga ang ngiti at mga mata na nagsasabing sobrang saya niya. May masakit man sa dibdib ko ay pilit ko nalang wag indahin at ngumiti para sa kanya, after all, birthday niya to. And after all, the purpose of this surprise is to make her happy.

"Happy birthday, Winona." Bati ko ng magkaharap na kami. Ngumiti ako at inilapit ang cake para makapag wish at blow siya.

Pumikit muna siya habang may kumakanta sa background. Halos mawala yung sakit na nararamdaman ko ng masinagan ko ang maamo niyang mukha. Haaay Winona. Nung dumilat na siyay hinipan na niya ang kandila. Napatakip tuloy siya sa bibig sa sobrang tuwa, no doubt, nagustuhan niya. Nawawala na naman kasi mga mata niya sa sobrang ngiti.

 Nawawala na naman kasi mga mata niya sa sobrang ngiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Giselle. Inimbitahan mo talaga sila para sa birthday ko?!" Sigaw niya sa sobrang tuwa. "Waaa! Grabe di ako makapaniwala!" Napatalon pa siya at yumakap sakin ng mahigpit.

Kahit naman papano gumaan ang loob ko, isang success nga pala ang surprise ko. Lumapit pa ako ng konti sa kanya at hinapit siya sa bewang.

"May dugtong pa to. Wait for it." Bulong ko.

Ilang sandali pay nag start ng mag fireworks. Agad namang tumingala sa taas si Winona para tingnan ito. In that very moment, napagmasdan ko siya. I looked at her eyes and I see a genuine happiness, nothing compares seeing someone happy because of you. Ang ganda talaga niya.

Bumaba ang pagkatitig ko sa lips niya, 'don ay agad naman akong napaisip sa nakita ko kanina. Kaya bumitiw na muna ako sa pagkakahawak para dumistansya.

Pero humarap naman siya sakin. "Thank you Giselle ha, hindi mo alam kung gaano moko pinasaya." At niyakap ako ulit. Sana nga lang Winona sakin ka lang sasaya. Akin ka nalang ulit?

Ng matapos ang sopresang ginawa namin ni Gab ay umupo lang ako na pinagmasdan ang taong walang hiya na humalik kay Winona. Napainom tuloy ako ng wala sa oras dahil kumukuha ako ng lakas ng loob para lapitan ito.

Ng makatyempo ay sinundan ko ito sa loob dahil naglakad ito papunta ulit dun. Nadatnan ko siyang abala sa pagkukuha ng mga drinks. Wala nakong sinayang na oras at nilapitan ito.

"Hi." Ngiting bati nito. Napansin niyang papalapit ako.

Tumango lang ako. "Ngayon lang kita nakita, friend kaba ni Winona?" Tagpong kilay na tanong ko.

"Ex-girlfriend." Wow at i-emphasize pa talaga yun. "And I think you're Giselle, ex niya din?"

Hindi ko na sinagot ang tanong niya, ayoko ng magpatumpik tumpik pa. "Nililigawan mo ba siya?" Lumapit ako at humarap sa kanya. Nakayuko padin siya at busy sa pagkukuha ng inumin.

"Yep." Walang gana niyang sagot. Uminit tuloy ang ulo ko.

Tumawa ako ng marahan. "Ugali ba yun ng manliligaw na basta basta lang siyang halikan?"

Huminto siya sa ginagawa niya at humarap sakin. "So nakita mo yun? Ugali mo din ba manilip?"

I hissed immediately. "Klaro naman siguro na nagkakamabutihan na ulit kami ni Winona. Ayoko sana maging kumplikado pa. Or someone making it complicated."

"I don't think it's your decision to make. And besides, pumayag siya na ligawan ko siya ulit." Sagot nito.

Napakunot noo ako sa narinig ko. Ano daw? Pumayag si Winona na ligawan siya ng taong to? Wala naman ganun na kwento sakin si Winona pero kasi hindi pa din kami nakapagusap tungkol saming dalawa. "Sana hindi mo hinalikan yung tao." Kalmang pagkasabi ko.

She tilted her head to study my expression. "Sorry but I think it was with permission."

Napapikit nalang ako saglit sa narinig ko. "Don't do that again!" Maypagka pilosopo din to eh. Mukhang mabait pero hindi naman!

Mas lumapit siya sakin at sinabi ito. "Wait lang, who are you again to tell me that?"

Agad ko siyang tinulak at kukwelyuhan sana pero biglang umeksena si Hailey at pinaghiwalay kami.

"Hep hep hep! What are you guys doing? Tungkol to kay Winona noh?"

"Wag kang makialam!" Sigaw ko.

"Magingat ka sa pananalita mo ha. Kung magsasapakan lang din naman kayo, wag dito dahil birthday ng pinagaawayan niyo! Marunong sana kayong lumugar."

Nakatingin lang kami pareho kay Hailey. "Hindi kami nag aaway." Sabat ng isang taong.

Lumapit naman ulit ako sa kanya. "Nananamantala ka eh!" Taas ko ng boses.

"Ang init ng ulo mo Giselle! Kung gusto niyo, boxing kayo bukas. One on one. Hindi naman masaya magsasagutan lang kayo eh, and besides, jan ka naman magaling Giselle diba? Ang makipagsapakan. Remember what happened years ago at the bar? Anyway! Never mind baka mahiya kapa sa kinahantungan mo dun." Bulalas ni Hailey.

"Not interested." Sagot ng isa.

Bigla naman tuloy akong nagkainterest sa sagot niya. Porma niya lalaki, pananalita niya lalaki, halos lalaking lalaki tapos not interested? Ngumiti akong humarap ulit sa kanya. "Ha? Sumusuko na agad? You're making it easy for me. C'mon, sayang naman porma mong lalaki kung hindi mo gagamitin." Kahit papano alam ko naman ang pagboboxing.

Nagtaas siya ng kamay at sumagot, "Fine. Time and place."

Pumalakpak lang si Hailey na tila na eexcite pa. Tumingin lang samin pareho.

"Wow! I never knew this could be interesting. Sige! 5pm, ALA gym. Don't be late. Bye guys!"

Tsaka umalis na siya. Sumunod na din yung isa at naiwan akong nagiisip.

Wala naman atang kakwenta kwenta tong pinasukan ko. But I may or may not lose Winona in this battle.

There's only one way to find out..

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now