Prelude

4.2K 122 36
                                    

Prelude: The End of a Story. The Beginning of Many.

---

"Friend! Kanina ka pa nakatulala diyan!"

Napalingon naman ako sa nagsalita. Ngumiti naman ako sa kanya. "Hello eonni." Masayang bati ko sa kanya.

"Mukhang masaya ka yata?" Tanong naman niya sa akin.

"Nakita kasi kita." Biro ko naman. Ngumiti lang siya. "Bakit parang madalas ka yatang wala?" Balik kong tanong.

"Sinusundan ko kasi yung gwapo na lalaki." Natawa naman ako sa sinabi niyang dahilan. "Hmmm, bakit ba eonni ang tawag mo sa akin eh mukhang masingtanda lang tayo?"

Nagkibit balikat naman ako. "Ewan ko. Trip ko na tawagin kang eonni."

"Wala ka ba talagang naalala?" Tanong naman niya. Ang galing ding mag change topic ni eonni. Agad-agad?

"Wala." Sagot ko naman. Sabunutan ko man yung ulo ko ay wala talaga akong maalala.

"Ilang taon ka na bang deads?" Kung buhay siguro ako ay maooffend ako sa tanong niya. Pero pareho lang naman kami. So quits lang kami.

"Sa pagkakaalam ko mga dalawang taon na akong nagpapagala-gala. Di ko sure." I said.

"Gusto mo na bang tumawid?" Tanong ni eonni. Tumango naman ako sa kanya. Marunong akong tumawid sa kalsada. Tumawid sa kabilang buhay yung hindi ko parin nakekeri.

"Nakakapagod din naman kasi. Hindi ko naman alam kung paano ako makakatawid."

Napaisip din naman siya sa sinabi ko. Nakilala ko si eonni nang mabangga ko siya dito. Akalain mo yun, same pala kami ng sitwasyon! Tambayan pala niya yung coffee shop na ito dahil nandito madalas yumg sinusundan niya.

"Baka naman kailangan mong makagraduate? Kasi nakauniform ka pa." She pointed out. Tiningnan ko naman yung suot kong uniform. Inayos ko pa nga yung nameplate ko.

"Magtatapos ako ng highschool?" Tanong ko naman. Umiling naman siya. "Magtatapos ako ng College?"

"Tama? Kasi tapos na ang panahon na highschool ka na. Tsaka wala namang mawawala kung susubukan mo." Paliwanag niya sa akin.

"Saan ba magandang mag College?" Tanong ko naman. Hinatak naman niya ako palabas ng coffee shop. Hindi naman kailangan na buksan yung pinto dahil tumatagos naman kami dito.

---

Nandito kami ngayon sa computer shop. Nakikigamit ng computer since nag CR ata yung nakaupo dito. Si eonni yung nagsearch ng mga school na pwede kong pasukan.

"Ito kaya?" Turo niya sa screen. "Ang sabi dito ay prestigious at pontifical yung school na ito. Mostly, ang mga students ay nagmula sa iba't ibang bansa."

Mukhang di ko keri ah. "Mukhang mahirap?"

Napailing nalang si eonni. "Final na. Dito ka mag-aaral. Huwag kang mag-alala dahil libre lang naman ang tuition mo hihi."

Sabagay, agree naman ako sa kanya. Kailangan kong pagbutihan yung pag-aaral ko para makatawid na ako.

After naming magsearch ay nagpaalam na siya na magstalk na siya. Naiwan naman akong palakad-lakad. Mag-uumpisa na pala yung klase bukas since iba ang School Calendar nila.

---

Kinaumagahan ay nagising ako kaagad. Well, napapagod din naman kami kahot ganito na ako.  Nagugutom din kami. Hindi naman kami pwedeng manguha ng pagkain ng mga tao. Yung pang memorial rites lang ang nakakain ko.

Unless ay bibigyan ka ng tao. Eh asa naman ako, wala ngang nakakakita sa akin. Kung nakikita man ay hindi naman ako papansinin. Naiintindihan ko naman sila.  Ang hirap kayang gawan kami ng favor. Baka akalain pa na baliw na sila.

We were Liars || ExoShidaeWhere stories live. Discover now