The Angry soul

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ipinapatawag nyo daw po ako, Miss?"

Tumango ako at pinaupo ito. Pinagmamasdan ko ito habang nagpapaliwanag kung bakit palaging bagsak ang nakukuhang marka. Sa unang tingin ay mukhang ordinaryong bata lamang ito. Maganda ang mata nito na animo'y nangungusap. Habang pinagmamasdan ko ito ay napupuna kong may kakaiba sa kanya. Hindi ito tumitingin sa aking mata. Nakayuko lamang ito at hindi mapakali habang nginangatngat ang kuko sa kanang kamay. Nagkukuyakoy ang payat na mga binti nito. Hindi ko alam kung hindi siya komportable na ipinatawag ko siya ngayon ngunit alam kong balisa ito.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita nito ay kinuha ko ang isang kamay niya at pinisil. "Rhea, wag kang matatakot sa akin ha. Concerned lang ako kung bakit hindi ka pumapasa. Sa tingin ko matalino ka naman e. Hindi kita papagalitan kaya kung may problema ka, wag na wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Ang ganda mo sana kaya lang ang payat mo, nakakakain ka ba sa oras? Kapag hindi, magsabi ka sa akin tapos sabay tayo maglunch minsan. Kung ok lang sayo, pwede ba yun?" Nginitian ko ito para subukang tangalin ang pagka-ilang nito.

Unti-unti itong tumingin sa akin na para bang naniniyak kung nagsasabi ako ng totoo. Tumango ito na may alanganing ngiti sa mga labi. Bago makalabas ng faculty room ay muli itong humarap sa akin. Parang nagdadalawang isip pa ito kung itutuloy ba ang sasabihin : "Salamat po Miss" at mabilisang na itong lumabas sa pinto.

Naging hudyat iyon ng magandang pagsasamahan naming dalawa bilang mag-aaral at guro. May pagkakataong dadaan ito sa table ko sa faculty room at mag-iiwan ng post it note na nangangamusta at nagsasabing dumaan po ako ngayon pero tiyak na may klase pa po kayo kaya hindi kita naabutan.

Nakakatuwang malaman na hindi na ito naiilang sa akin. Nang minsan akong magpa-quiz ay kapuna-puna ang pagtaas ng marka nito. Minsan nagtetext ito sa akin at nagyayaya na lumabas tuwing weekend. Ngunit dahil marami akong ginagawa tuwing weekends ay hindi ko ito napagbibigyan.

Akala ko maayos na ang lahat hanggang sa dumating ang araw ng periodical exams for highschool level. Galit na pumasok sa faculty room si Mrs. Valdepena mula sa klase nito. May kausap itong kapwa namin guro.

"My God! She thought I wouldn't knew! Imagine, ang laki nung kodigo nasa ilalim ng test papers nya. Nakakainsulto yung Rhea na yun! Ibabagsak ko talaga sya for misconduct!"

Ikinagulat ko ang sinabing pangalan nito. Hindi man ako tsismosa ay tinanong ko ang apelyido ng estudyante para makasiguro kung tama ako. It dawned on me na iisang estudyante ang tinutukoy nito.

Nagmamadali akong umakyat sa classroom nito. Alam kong napahiya rin ito sa nangyari. Ang daming tanong sa isip ko ang gusto kong masagot. Bakit niya ginawa ito? Hindi na ba talaga siya magbabago? Ano pa ba ang dapat naming gawing mga teachers para mapabuti ang isang estudyante?

Ngunit ang pinakagusto kong gawin ng mga sandaling iyon ay ang damayan siya. Alam kong yun ang pinaka-kailangan ni Rhea ngayon.

Nadatnan kong tahimik ang mga mag-aaral. Sabay sabay ang mga ito na lumingon sa akin nang tumapat ako sa pintuan ng classroom. Hinanap ng paningin ko ang estudyanteng may pinaka-maamong mata sa kanilang lahat at doon ay nakita ko itong taimtim na nakayuko.

Tinawag ko ito at niyaya papalayo sa mga kaklase nito. Dinala ko ito sa chapel kung saan tahimik at walang tao. Kaming dalawa lang. Payapa at kalmado kaming naupo. Tinanong ko kung ano ang problema. Bakit nya ginawa ang alam naman nyang isang bagay na mali.

Nakita kong tahimik na nagpapahid ng luha ito. Iniabot ko ang panyong nasa bulsa ko ngunit hindi niya ito kinuha.

Mataas ang pride ni Rhea. Marahil ay ayaw niyang kinakaawaan siya. Hinayaan kong umiyak ito ng tahimik. Nang mahimasmasan ay muli ko itong tinanong.

All Girls SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon