"Ladies, san kayo?" Tanong niya.

"Lunch out po Sir." Sagot naman ni Patty.

Nagtaka naman ang mukha ni Sir. "Hindi ba kayo sinabihan? May konting salo salo sa pantry. Tara akyat na tayo." Napatalon naman si Patty sa tuwa dahil  nakalibre kami.

Pagdating sa pantry ay kumakain na pala sila. Kaya kumuha nadin kami. Habang kumakain ay naririnig ko ang paguusap ng ibang kasamahan ko.

"Dumating na daw si Mam Hannah."

"Talaga? Kelan naman siya papasok?"

"Ewan eh, yun lang nabalitaan ko."

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. Nakauwi na pala si Hannah galing states. Hindi ko namalayan nakatunganga na pala ako at siniko ako ni Patty.

"Huy Winona."

"Haa? Ano?" Sagot ko.

"Narinig mo yun?" Nakanguso siya sa direction ng ibang kasamahan namin.

"Ahh yon. Oo." Walang emotion ko na sagot.

"Masaya ka?" Tanong niya tapos may halong panunuksong ngiti. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy kumain.

.....

Hapon at inabutan ako ng malakas na ulan habang naghihintay ng jeep. Two rides kasi ako from office to bahay. Pang huling sakay na sana pero minalas naman, stranded ako sa kawalan. Hawak hawak ang bag at flowers ay nakisilong ako dito sa may karenderia. Pano na to ngayon Winona?

Ilang minutong paghihintay ay malakas pa rin ang ulan. Ang tubig hinay hinay ng pumapasok sa karenderia, bigla tuloy akong nakipatong sa silya. Pwede bang umorder ng jetski sa lazada ngayon? Or magbook ng GrabAJetski? Ay naku po!

Habang nakatitig lang ako sa may paanan ko na konting konti nalang aabutan na ako ng tubig ay nag ring ang phone ko. Kinapa ko ang bag ko at tiningnan kong sino ang tumatawag, pero unknown number naman.

"Hello?"

"Winona? Asan ka ngayon?"

"Sino to?"

"Si Giselle to."

"Ah, nakisilong ako ngayon sa karenderia. Napatawag ka? Tsaka san mo nakuha number ko?"

"Kay Ate. San ka exactly? Sunduin kita. Wait mo lang ako."

Hindi nako nagpatumpik tumpik pa at binigay ko na ang address kung san ako ngayon, natatakot nadin kasi ako. Di pa naman ako marunong lumangoy.

Mga ilang minuto ding paghihintay ay nakita ko si Giselle dumaan sa harap. Naka raincoat, rainboots at may dala siyang payong. "Giselle! Giselle!" Napasigaw ako. Agad naman niya akong nahanap.

"Okay ka lang ba?" Sabi niya. At saglit kaming nagkatitigan. "Nakapark ako dun sa unahan, hindi pa masyadong baha. Lika, buhatin nalang kita."

Parang nagulat naman ako sa gusto niyang gawin kaya napahawak ako sa magkabilang braso niya dahil akmang bubuhatin na niya talaga ako.

"Wait wait wait Giselle!" Nakahawak na siya sa bewang ko dahil nakapatong padin ako ngayon sa silya ng karenderia. Nakatingin lang siya sakin. "Sigurado kaba sa gagawin mo? Ano kasi, nakakahiya eh."

"Ang arte mo dai. Ikaw na nga bubuhatin nagrereklamo kapa? Ano gusto mo mag lakad jan sa baha na wala kang rainboots at posibleng magka leptospirosis ka?!"

Kumiwalas ako sa pagkahawak sa braso niya at napasabunot ako sa buhok ko. "Argh! Sige na nga!"

"Oh hawakan mo tong payong, bubuhatin na kita." Sinuot ko muna ang bag ko sa kaliwang braso habang hinahawakan ang flowers. Kinarga agad ako ni Giselle at nakawrap naman ang kanang braso ko sa batok niya at hawak ang payong sa magkabilang kamay. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, dagdag pa talaga ang flowers na dala ko.

Habang naglalakad si Giselle sa baha karga ako, ay di ko talaga maiwasang mahirapan sa pagkahawak ng payong. Ilang sandali ay nadulas ang pagkahawak ko nito at sa pagkabigla ay nabitawan ko ang bulaklak.

"Uy! Yung flowers ko!" Sigaw ni Giselle. Agad naman siyang bahagyang napaupo at sasaluin niya sana ang flowers ngunit na out of balance kaming dalawa dahilan para bumagsak kami sa tubig. Hindi pa naman summer pero maaga na kaming nag swimming. Bwisit!

"Giselle!!!" Napasigaw na tuloy ako dahil basang basa na ako ngayon. Yung bag, yung flowers, lahat! Agad namang tumayo si Giselle at hinila ako.

"Sorry sorry. Kasi yung flowers ko para sayo nahulog."

"Leche ka! Inuna mo pa talaga yung flowers!" Sigaw ko ulit. Naramdaman kong pinagtatawanan na kami ng mga tao na sumisilong sa gilid.

"Pasensya, lika buhatin kita ulit. Malapit na tayo." Suhestyon pa niya.

"Wag na! Kita mong basang basa na ako, anong silbi na niyan? Tabi nga jan." Nauna na akong maglakad sa kanya sa sobrang inis. Tumakbo naman siya para sabayan ako dala dala ang basang flowers.

"Sorry talaga lab. Sayang kasi yung flowers eh, paborito mo pa naman yung stargazer."

Inirapan ko lang talaga siya. Halos bigwasan ko na siya sa inis. Sino ba namang matinong tao ang uunahin isave ang bulaklak sa gitna ng baha?

.....

Pagkarating ng bahay ay agad akong lumabas ng pinto ng kotse niya. Nagmadali naman siyang lumabas at tumakbo papunta sakin. Walang imik talaga ako sa kanya sa byahe.

"Lab sorry na talaga ow."

Huminto ako sa tapat ng gate at humarap sa kanya. "Nakakainis ka! Alam mo bang pinagtitinginan tayo kanina dun, pinagtawanan pa tayo. Baka nga may nag video pa at iupload sa facebook ang katangahan mo, magviral pa tayo. Hindi mo ba.."

"Tsup!"

Sa gitna ng dada ko ay pinutol ito ni Giselle ng isang mabilis na halik sa labi ko. Lasang baha! Joke.

"Okay na ako sa kiss. Alis na ako." Sabay ngiti niya ng nakakaloko. Habang iniwan niya akong tulala, narinig ko naman siyang kumakanta pa papunta sa kotse niya.

🎤 "I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away." 🎤

Nahimasmasan naman ako. Kundi naman siguro kay Giselle baka palangoy langoy na ako dun.

😍

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon