"Tagal natin di nagkita ah." Sabi ko.

Bigla naman siyang natauhan, at last!

"Ahh ano kasi. Na flat yung gulong ng sasakyan ko." Turo niya sa labas at hinihimas ang batok niya.

"Yun ba? San ka ba na flatan ng gulong?" Tanong ko ulit.

"Diyan lang din. Ano nga eh, timing na dito pa talaga sa tapat ng bahay niyo." Saka siya tumawa ng pilit. Nakakainis, ang ganda ganda niya pa rin, parang walang pinagbago at parang walang anak sa hitsura niya ngayon. Oo alam ko may anak na siya, at alam ko din byuda na siya ngayon. Pano ba naman kasi naging malapit ko na na magkaibigan ang barkada niya.

"Okay wait lang ha. Tatawagan ko lang si Winston para matulungan ka." Agad kong tinawagan si Winston. Pinapasok ko muna siya ng bahay para maghintay.

"Ang laki ng pinagbago ng bahay niyo lab." Napalingon ako sa kanya. "I mean Winona." Napansin ko naman na parang nagsasalita siya sa sarili niya pagkatapos tawagin akong lab.

"Pinaayos ko kasi to gamit ang naipon ko. Upo ka muna at magmeryenda." Abot ko sa kanya ng pagkain.

"Salamat, kumusta ka na nga pala? Tagal din talaga natin di nagkita. I'm sure may asawa't anak kana?" Para tuloy gusto kong matawa sa sinabi niya. Sasagot na sana ako pero biglang dumating si Winston.

Halos isang oras din nila inayos ang sasakyan. Ng matapos ay nagpasalamat si Giselle. Nakatayo naman kami ngayon sa labas.

"Ate diba luluwas ka na ng Manila? Ba't di ka nalang sumabay kay Ate Giselle." Suhestyon ni Winston na para bang gusto ko siyang batukan. Nababaliw ba siya?

Agad naman napalingon si Giselle sakin. "Luluwas ka pala ng Manila? Hatid na kita! Pauwi na din ako."

"Wag na, magbubus nalang ako."

"Si Ate pakipot talaga." Narinig kong mahinang bulong ni Winston.

"Sige na Winona, hayaan mo nalang ako ihatid kita, pasasalamat nadin sa tulong na ginawa niyo."

Sasagot na sana ako ng lumabas na si Aries dala ang gamit ko, "Ate pasok ko na ba to sa kotse ni Ate Giselle?" Halos mapahilamos na ako sa mukha sa sobrang hiya. Kahit kelan nangunguna talaga tong dalawang to. Si Giselle naman binuksan agad ang kotse at tinulungan si Aries ipasok ang gamit ko. Ano pa nga ba magagawa ko?

"Pasok kana Winona." Sabi ni Giselle at nagpaalam na sa mga kapatid ko. Sumakay nalang din ako ng kotse niya na mabigat ang pakiramdam. Ang layo pa kaya ng Manila tapos si Giselle pa makakasama ko, pwede bang himatayin nalang ako ngayon at gisingin nalang pag nakarating na? Winona wag na wag ka talagang umakto na affected ka, diba ilang years na ang nakaraan? Move on na te.

Sa biyahe ay nagsimula ng maging komportable si Giselle at isa isa ng nagtanong.

"Same pa din ba yung tinitirhan mo dun sa Manila?" Tanong niya.

"Hindi na, lumipat na ako sa isang maliit lang na apartment na nakapagluluto ako." Nagpapakabusy nalang ako sa phone. Nahalata naman niya kaya nag focus nalang siya mag drive. Pumikit ako at matutulog sana, pero di talaga ako makatulog, bwisit, nagdasal nalang ako na sana makarating na kami.

Ilang minuto ay dininig naman ni Lord ang hiling ko at nakatulog ako. Ilang oras ay nagising ako sa sobrang sakit ng balikat ko, nag inat ako at lumingon sa kanya. Kahit maganda pa din siya pero halata talaga sa mukha niya ang pagkalungkot. Kaya di ko maiwasang magtanong.

"Kumusta ka na Giselle?" Lumingon siya saglit at ngumiti.

"Okay lang. Byuda na ako, not sure if nabalitaan mo. But may anak na ako, twins. Luke ang pangalan ng baby boy ko at Leia naman ang baby girl. Mahilig kasi kami sa Star Wars kaya dun namin pinangalanan." Nakikinig lang ako habang nag kukwento siya about sa mga anak niya na para bang ngayon ko lang nalaman. Paminsan minsan nagkikita pa din naman kami ni Ate Steph at mga barkada niyang si Megan at Dionne.

Nakarating na kami sa apartment at naubos lang ang oras sa pagkwento about kay Giselle. Buti nalang, dahil hindi pa ako handa mag kwento sa mga nangyari sakin in the past.

"Salamat Giselle ha. Magingat ka." Sabi ko at bababa na sana ng kotse.

"Thank you din Winona. Sana magkita pa tayo ulit?" Sabi niya. Tumango lang ako. Pagkabukas ko ng apartment ay kinuha ko yung phone ko dahil may tumatawag.

"Hello?"

"Winona! Punta ka bukas ha. Tandaan mo hindi ka pumunta sa birthday ko last year kaya dapat this time andun ka."

Si Gabrielle nga pala. Kahit kelan hindi nagsasawang kulitin ako. Eto talaga yung mga set of friends na hindi ko matanggihan kasi ang bait bait nila sakin.

"Oo na. Advance happy birthday Gab! Tanda mo na." Sabay tawa ko.

KINABUKASAN ay nagayos na ako para umattend ng party.

"Winona halika na! Wala naman si Giselle eh, the coast is clear." Si Denise. Di talaga makapaghintay at tinawagan pa ako. Dati kasi ayoko talaga umattend ng mga party nila, hindi sa ayaw ko pero nagiiwas lang ako na baka andun din si Giselle. Pero mostly andun siya kaya lang umuuwi ng maaga kaya ako late na dumadating dun. Ewan ko ba kung bakit ginagawa ko padin to hanggang ngayon.

Pagkadating ko sa venue ay agad akong sinalubong ni Denise.

"Finally! May problema tayo. Ang birthday celebrant lasing na lasing na. Alam mo kung bakit?" Kwento ni Denise. Parang alam ko na ang rason, matagal na kasing nagkalabuan si Abigail at Gab.

"Si Abi na naman ba?" Sagot ko. Kaya pinuntahan namin si Gab at ayun tawa lang ng tawa at halatang lasing na. Nag start na din kasi yung ibang bisita magsipaguwian.

Kumain na muna ako habang busy si Denise at Jane pagbabantay sa lasing na si Gab.

"Gurl, pupunta daw dito si Giselle." Halos malunok ko yung kinakain ko sa sinabi ni Jane.

Ilang sandaling paguusap ay dumating na yung pinaka hihintay ko, este yung hinihintay ni Gab. Lasing na kasi talaga eh.

Napansin sa gilid ng mga mata ko na naglalakad na siya papunta sa direksyon ko. Medyo kinakabahan ako dahil di ko alam pano mag react na andito pati mga barkada niya. Nagulat naman siya nung makita niya ako pero naglakad lang siya papunta kay Gab para kausapin ito.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now