C40: Eliminate the wolves.

Magsimula sa umpisa
                                    

Bukas ang pinto kaya hindi na ko nahirapan na makapasok. Madilim sa loob. Nagkaron lang ng ilaw sa paningin ko nang may mga nagbukas ng phone nila na mga estudyante na nasa likuran ko na pala. At sa pag-ilaw nila sa loob ay kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

 

A-Ano tong nasa harapan ko?

 

"Si Sandria yan ah?!" sigaw ng isa.

 

Nanginginig akong lumapit sa katawan ni Sandria na nakahandusay sa lapag. May malaking bilog sa tiyan niya na nakita ko lamang noong may nag-ilaw ng flashlight, yung guard ng school. Nanlalambot ang mga tuhod ko na naging dahilan ng pagluhod ko sa tabi niya.

 

T-Teka ... ano tong nangyayari? Bakit ... siya?

 

"S-Sandria..." napalingon ako kay Luna. Nakatayo siya sa likuran ko at nakatingin sa bangkay ni Sandria.

 

"Isang orasan?" sabi niya nang lumapit pa siya at hawakan ang nasa tiyan ni Sandria. Walang anu-ano'y tinanggal ni Luna ang butones ng blouse ni Sandria na naging dahilan ng pag-atras ko.

 

"Tama, isang orasan nga," wika pa niya.

 

Nagsilapitan ang buong klase. Wala na rin akong nagawa kung hindi tinignan at tama nga—isang orasan. Halata sa tiyan ni Sandria na tinahi ito ng kung ano. Malinis ang katawan ni Sandria, walang senyales ng dugo. Isa lang ang kilala ko na mahilig sa ganyan—ay hindi, dalawa pala sila. Ang paglilinis niya ng mga itim na pusa sa tuwing pumapatay siya nito—si Miaka at ang isa naman ay ang paglilinis niya ng mga katawan ng mga pinatay niya noon—si...

 

"Bumalik na kayo sa klase nyo. Kami na ang bahala rito," wika ni Sir Buendia habang papalapit sa amin at pilit na pinaalis ang lahat. "Mas lalong gugulo kung pag-uusapan na naman ito ng lahat. Psh! Sino ba kasi ang may gawa nito?!" sigaw pa niya.

 

"Nagtanong ka pa. Tsss," malakas na bulong ni Luna habang deretsong nakatingin kay sir Buendia. Lumakad paabante si Luna na papalapit kay sir Buendia. Nang nakatabi siya rito ay namataan kong bumukas ang bibig ni Luna na para bang may binulong ngunit wala akong narinig, masyadong mahina. Ang tangi ko lang naisip ay baka nakakatakot ito dahil sa reaksyon ni Sir Buendia na panlalaki ng mga mata.

 

"S-Sige na mga bata, umalis na kayo!" sigaw pa ni Sir Buendia.

 

Pagkarating namin sa classroom ay nanatiling tahimik ang lahat bukod kay Austin na patuloy sa pagdaldal sa harapan. Napatingin din ako sa gawi nila Clyde, Abigail at Sapphire, tahimik sila ngunit halata pa rin ang gulat sa mga mukha nila.

 

Kahit ako, nagulat. Biglaan. Hindi ko akalain na papatayin nila agad si Sandria. Dahil alam ko na ang pagkakasunod-sunod ng pagpatay. Alam ko na kung sino ang isusunod at kung bakit yung mga nauna ang pinatay.

 

Alam na alam ko.


Bumalik ang diwa ko sa nangyayari ngayon nang may naglakad mula sa kaliwang parte ng stage papunta sa gitna. Natahimik ang lahat.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon