"May matino bang mag-classmate na gumagala sa mall na kayong dalawa lang?" tumaas pa ang kilay ni mama. Huhuhu.

"F-f-friends lang p-po kami n-nun ma. Promise!" sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko bilang panunumpa.

"Girlkada?"

"P-parang ganun na nga,"

"Yun naman pala eh. Bakit di mo naman sinabi agad? Pinag-alala mo naman ako dun! Next time kasi, i-explain mo ng mabuti para malinaw. Undersand?" malumanay na sabi niya.

Eh kung huwag ka kaya muna ma mag-padalos dalos at mag-isip ng jung anu-ano. Over react ka naman ma eh! Gusto ko sanang sabihin kay mama yun pero ang anhing nasabi ko lang ay, "Opo."

HAAYY! Kala ko end of the world na. Si mama kasi ang OA. Dapat talaga bawasan na nun ang panunood ng Koreanobela eh! Kainis.

Pero sabi ko nga, all is well. Akala ko talaga mabubuko na ako. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw kong mabuko.

Kinagabihan, matutulog na sana ako. Biglang nag-ring ang phone ko. Excited ako kasi diba? Baka tinatawagan ako ni Krystal? Kasi mas mahimbing ang tulog niya kung maririnig muna niya ang boses ko bago siya matulog diba? Hihihi.

Nang makita ko kung sino ang tumatawag, si papa. YAHEY! Makakahingi ako ng pasalubong!

"PAPA! Kamusta po? Namimiss na po kita. Papadalhan niyo po ba ako ng package?" excited kong tanong.

"Ako ba talaga namiss mo anak? O yung mga pasalubong?" sabi ni papa pero tumatawa pa rin siya.

"Siyempre po pa kayo! Kasi po binibigyan niyo po ako ng mga pasalubong. Hahaha! Joke lang po pa!" biro ko.

"AHAHA. Anak nga ng nanay mo. Teka anak, may nabalitaan ako," biglang naging seryoso ang tono ng boses niya kaya kinabahan ako.

"A-ano po y-yun pa?" nauutal kong sabi.

"Totoo bang nakipag-date ka kanina?"

Huhuhu. Anong gagawin ko?

"O-opo. Pero pa kasi…"

"I'M PROUD OF YOU ANAK! So totoo nga ang binalita ng mama mo. Nililigawan mo na pala yung classmate mo!" tuwang-tuwang sabi ni papa.

"H-hindi ko po classmate yun!"

"O? Eh bakit sabi ng mama mo classmate mo daw yung kanina eh," sabi niya.

"Ah! Iba po yun."

"Ibig sabihin dalawa nililigawan mo? Anlupet talaga ng anak ko. Kinabahan ako dati sayo anak! Akala ko magiging binabae ka na pero pinatunayan mong lalaki ka talaga. Pero anak, payo lang pumili ka ng isa. Masamang pinagsasabay mo ang dalawa," sabi ni papa.

"Papa, isa lang po ang nililigawan ko. Friends lang po kami nung classmate ko," paliwanag ko.

"Ganoon ba? Sige anak. Sabihin mo lang sakin kung kelangan mo ng budget para sa date niyo ha! Nag-kiss na kayo?"

"Papa naman!"

"Sige sige. Ok lang kahit hindi mo sabihin. Sige anak. Matulog ka na. Good night!"

"Good night pa! Love you pa!"

"Love you din anak!"

Tinawagan ko si Krysal pagkatapos kong kausapin si papa para mag-good night. Hihi.

Masaya naman ako nang nalaman ko na tanggap ng pamilya ko na nililigawan ko na si Krystal. Though isang linggong umiyak si mama dahil iiwan ko na daw sila dahil may nililigawan na ako. Hay. Sangkaterbang paliwanagan kaya ang inabot ko para maituwid lang ang isip ni mama. Kelangan na talaang matigil ang kahibangan ni mama sa kakapanuod ng Koreanobela.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now