"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"

Mulai dari awal
                                    

Tumango si Mr. Yutuke at binaba niya ang kanyang buhat-buhat na apong si Ayesha. Tapos nagsalita ulit siya nang maalala niya ang kanyang apo na lalake.

"Si Kurt Sha.."

"Si Kurt Sha? kanina lang siya umalis ng bahay para pumasok na sa school." agad na sabi ni Mrs. Kumiko

"Oo. Nakasalubong ko siya kanina sa daan habang patungo kami dito. Nakita ko na tumatakbo siya. Pero sa palagay ko hindi niya napansin na ako ang nasa loob ng kotse."

"Ehehe ganun ba?" nerbyos na sabi ni Mrs. Kumiko

Lumapit naman si Ayesha sa mama niya at hinawakan niya ang kamay nito bago siya magsalita.

"Mama, tara na po papasok pa ako sa school."

"Sige anak, aalis na tayo. Magpaalam kana kay lolo Yukihiro mo."

"Sige po, mama."

Tumingin si Ayesha sa lolo Yukihiro niya at agad siyang kumaway bilang paalam niya.

"Bye po, lolo."

Natawa naman si Mr. Yutuke, "Hahaha.. Ganun ba? Sige, apo. Basta mag-iingat ka palagi." lumapit siya sa kanyang apo, niluhod niya ang isang tuhod at hinalikan niya ito sa noo

Nagsalita si Mrs. Kumiko.

"Pa, aalis na muna kami saglit ah? Para maihatid ko na si Ayesha sa school nila. Hindi na kita masasamahan pumasok sa loob ng bahay."

"Sige lang, Kumiko." sabay tayo siya

Hinawakan ni Mrs. Kumiko ang isang kamay ng anak niya.

Lalabas na sana ang mag-ina sa gate ngunit nahinto sila nang humabol na magtanong si Mr. Yutuke sa manugang niya.

"Sandali lang, Kumiko. May kotse naman kayo, wala ka bang balak gamitin o magpahatid sa asawa mo? Nasaan na ba si Ruijin? Nasa trabaho na ba niya?"

Umiling si Mrs. Kumiko bago sumagot.

"Hindi na kailangan, papa. Sasakay nalang kami sa bus. Saka nasa loob si Ruijin, bale day off niya sa trabaho ngayon."

Habang nag-uusap silang dalawa ay bigla silang napalingon sa pinto nang lumabas si Mr. Ruijin para makita nito kung sino ang taong dumating.

Nagulat si Mr. Ruijin nang makita niya ang papa niya at agad niya itong nilapitan.

"Oh, ikaw pala, papa."

Nagsalita si Mrs. Kumiko sa asawa niya at napatingin ito sa kanya.

"Hon, aalis na kami ni Ayesha. Mali-late na sa school ang anak mo. Kaya ikaw na muna ang bahala kay papa."

"Sige, hon. Ingat kayo sa daan."

Binuksan ni Mr. Ruijin ang gate para sa mag-ina niya at lumabas na ang mga 'to. Pagkatapos, binuksan niya ang buong gate para maipasok ng driver ang kotse ng papa niya sa loob ng garahe. Saka na niya kinausap ang papa niya para yayain ng pumasok sa loob ng bahay.

Nang papasok na sana sila sa loob ng bahay ay nahinto si Mr. Yutuke at napalingon sa direksyon ng gate nang marinig niya ang boses ng kanyang apo. Nakita niya na kumakaway ito sa kanya habang nagpapaalam.

"Loloooo~! Aalis na po kami ni mama. Uuwi din kami mamaya. Ba-bye po! Ba-byeeee~!

"Ba-bye, apo."

Hinawakan ni Mrs. Kumiko sa kamay ang anak niya at nagsalita siya.

"Tara na, Ayesha."

Masayang tumango naman ito sa kanya.

Tulad Mong Isang PrinsesaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang