"Mahal?"

Huminga siya ng malalim. Tapos humihikbi pa rin. "Ano ba 'yon?"

Ipinatingin ko siya sakin. Pulang-pula na ang mata niya tapos nagte-tremble pa yung lips niya. Nagpakawala ako ng hangin. Parang gusto ko ring umiyak kahit di ko pa alam ang rason niya.
Niyakap ko siya. "Ssshhh. Whatever it is, andito lang ako... pero sana sabihin mo sakin Mahal..." So I would be aware of what you are going through. Kung may pinagdadaanan ka, dapat kasama ako. Dapat kasali ako.

"Kasi..." Humihikbi-hikbi pa rin siya. "Ano 'yon?"

"Natatakot ako..." Ibinaon niya ang ulo niya sa dibdib ko. Hinahaplos ko lang naman ang buhok niya. "Kasi? Sa alin?"

Tinignan niya ko ulit. She bit her lower lip. Kita kong naiiyak na naman siya. All I can do is kiss her. Hinalikan ko siya sa noo.

Huminga siya ng malalim at binuga rin 'to. Pumikit siya sandali bago tinignan ako ulit.

"Feeling ko kasi.... feeling...K-ko kasi.."

"Ano?"

"Feeling k-ko buntis ako, Love."

And then she closed her eyes.
Napahinto ako. Pero...pero nanaig sakin ang tuwa. Kahit na may naramdaman akong takot at kaba—alam kong mas malaking parte yung tuwa.

"T-talaga?"

"Natatakot ako kay Daddy..."

Yun. Yun ang dahilan kung bakit may takot. Paano kung... Paano kung ilayo siya sakin? Okay lang ang ilang suntok at bugbog wag lang siyang ilayo sakin.

"Hindi ka pa ba...Mine-mens?"

Datirati tinatanong ko siya nito to know kung regular ba ang menstruation niya and for the reason kung magsusungit na naman ba siya. Pero ngayon tinatanong ko siya kasi baka buntis siya.

"Hindi pa... L-love kasi—"

Niyakap ko siya agad. "Ssshh... kumalma ka. Okay?" Hinarap ko siya ulit sakin. "Whatever happens, andito lang ako? Okay ba?" Sinasabi ko 'yon habang tinitignan siya sa mata. At mas pinaparamdam ko pa sakanya. Para tumatak sakanyang andito lang ako.

Tumango-tango siya habang umiiyak.

"Labas muna ako. Bibili akong tester ba 'yon? Or? Yung sa pregnancy test?" Hindi ko kasi alam 'yon. Mas lalo siyang naiyak.

"Love, kalma. Tapos...pag balik ko itest natin. Okay?"

"Lalabas ka?"

"Oo..."

"Baka makilala ka nila. Baka maissue ka pa." Kahit ganito na ang sitwasyon inaalala niya pa 'ko. "Kahit naman maissue ako kung buntis ka man, di ko naman itatago eh."

"Kahit na...gusto ko dito ka lang..."

Naiiyak na rin ako habang tinitignan ko lang siya. Takot na takot kasi siya. Hindi ko naman siya masisi roon. Pero kagaya nga ng sabi ko, kahit ano mang mangyari, di ko siya iiwan. Hinalikan ko siya sa gilid ng ulo niya. "Si Cindy nalang. I'll meet her sa labas ng subdivision niyo. Baka kasi magtaka sila Tita bat napunta 'yon dito."

Tumango siya and then she agreed with me.

Nakayakap lang siya sakin habang ang isa kong braso nakapalibot sakanya habang ang isang kamay, tinetext ang kapatid ko.

To: Cindy

Cindy. Favor. Pwede bili kang pang pregnancy test?

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon