25: Railey Medrana's Way

Start from the beginning
                                    

Napansin kong habang papalapit na ako sa pintuan ng bahay nila, isang bading ang sumusunod sa akin. Nang tinignan ko siya, bigla na lang siyang nawala. Ganito na ba talaga ka-random ang mga tao ngayon?

Hindi ko na tinext si Rebecca. Instead, dumiretso na ako sa tapat ng pintuan nila upang kumatok. I waited na may magbubukas ng pinto para sa akin. Kaya lang, I never saw anyone opening the door for me. Napansin ko na lang na malakas ang tawanan nila habang naririnig ko rin ang ingay ng mga kubyertos sa kusina. Kumakain sila. Nagtatawanan rin. Samantalang ako dito sa labas, naghihintay pa rin.

 

Nilakasan ko na lang ang katok  ko. Tinawag ko rin ang pangalan ni Rebecca. Sinadya ko pang lakasan para alam kong ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang mapansin niya ako.

Jael’s POV

 

Dahil Biyernes naman ngayon, I usually hang out with my high school friends. But this time was different. Roxanne and Rebecca invited me to have my dinner at Rebecca’s residence. Hindi naman ako tumanggi. Wala namang pasok bukas at pwede rin naman akong gabihin pag-uwi ng bahay.

“Hahahaha! Eh sino sa inyo na-experience na mabato ng kamatis dahil lang sa pinagselosan siya ng mga fans ng ex niya? Hahahahaha!” –Roxanne.

“Nakakatawa nga Roxanne no? Alam mo nang binato ako ng kamatis no’n, hindi mo pa ako tinulungan? Ang galing mo talaga!” –Rebecca

“Hey girls. Nasa tapat tayo ng pagkain, ‘wag naman masyadong maingay.” I said.

“Sir, hanggang dito ba naman, magpapaka-KJ ka?” –Rebecca

“Hindi naman KJ ang tawag d’on, Bec kundi Manners,” at napansin kong natawa na naman si Roxanne sa tabi.

Habang nagkakainan kami, isang malakas na katok ang narinig namin. Noong una, mahina pa kaya akala naming sa kabilang bahay yung katok na ‘yon. Kaya lang, nang naglaon, lumakas at naging sunud-sunod na ang mga katok na iyon. TUmayo si Rebecca. Iritable siyang pumunta sa may pinto upang buksan ito.

Maya-maya, napansin kong kasama na niya si Railey nang bumalik siya sa mesa. May dala-dala si Sir Railey na isang  bouquet of flowers. Red roses to be exact. May chocolates rin siyang dala. Bukod pa sa isang teddy bear na kulay violet. Looking at Rebecca, I didn’t see any sign of happiness. What I observed is yung pagkairitable niya. Nakasimangot siya the whole time. While her mother is busy asking questions to Sir Railey. Mukhang matagal na silang magkakilala ng Mama ni Rebecca. Anyway, it’s not my story.

While eating, nahuhuli ko si Roxanne na panay ang tingin sa akin. As I said, ramdam ko naman ang bawat malalagkit na tingin na tingin sa akin ng mga estudyante. But, I believed Roxanne does not have that kind of look. Her looks are sweet. Kahit maghapon niya pa akong tingnan, ayos lang.

“Hey, Sir Jael. You? Here?” tanong ni Sir Railey sakin.

Tumayo ako upang makipagkamay sa kanya kaya lang, iniwas niya lang ang tingin sa akin. He actually stared at me so badly. Tinging maangas? Oh well. Sanay akong mang-asar. I am willing to play games to anyone, anywhere, anytime. : )

Rebecca’s POV

 

Hindi ko alam ang una kong reaksyon nang buksan ko ang pinto at nang bumungad si Railey sa harapan ko. Syempre, matapang ako. Nagpanggap akong normal lang ang lahat. Ayoko kasing mapansin ni Mama na may problema ako. Hanggang kaya ko pang i-handle, gagawin ko. So, Si Railey lang naman ‘to eh. Anong dapat ipangamba at ikatakot?

Umupo kaming lahat sa mahabang sofa naming sa sala. Hindi pa dun nagtatapos ang lahat. Tumabi si Sir Jael sa tabi ko. Kinindatan niya ako nang parang nang-aasar. Pero dahil sa actions niya, napansin kong gusto niyang asarin si Sir Rye. Kanina ko pa rin napapansing iniinis niya rin ito. Hay. Ang mga lalaki talaga, kahit kailang, kumakain ng yabang.

Umupo sa kanan ko si Sir Jael, habang nasa kaliwa ko naman si Sir Rye. Ako na ang napapaligiran ng gwapo. Inabot ni Rye ang bulaklak sa akin. Nilapag ko  naman agad ‘yon sa table sa harapan namin. Sunod niyang binigay ang teddy bear at ang chocolates, pero tinawag ko si mama para ilagay na lang muna sa kwarto ko ‘yon. In short, iniiwasan ko nang tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. Sabi ko na, magmomove on na ako. Ayokong madaan sa ganitong drama sa buhay. I am Rebecca. Nobody’s gonna hurt me again.

 

“Rebecca, can I ask you a question?” tanong ni Rye nang makabalik na si Mama. Kasama na rin naming siya ngayon sa sala. She’s smiling at me. Hindi niya pa kasi alam kung anong klaseng torture na sa utak ko ang nabigay ni Railey.

“Go. Ask anything you want,” I coldly answered. Wala kong ganang patulan lahat ng trip niya ngayon. Gusto ko lang umalis siya sa buhay ko. There’s no turning back. Desidido na ako.

“Would you mind if I ask you on a date tomorrow?” napansin kong napangiti si Mama. Halos tingnan niya na ako ng makislap para lang um-oo ako sa tanong ni Sir Rye. Ayoko.

“Bukas. I believe my practice ang choir eh. ‘Di ba po Sir Jael?” Please lang. Sakyan niyo muna ako sa gagawin kong excuse sa ngayon. Gusto ko nang magbagong buhay.

“P-Practice?” siniko ko siya para sumagot siya ng maayos. Napansin ko namang nagets niya rin ang gusto kong sabihin. “Ay, Yup! We have a practice tomorrow. Malapit na kasi ang Christmas Program. We need to practice more.” Buti na lang sinakyan ako ni Sir Jael. “But, half day lang naman ‘yon. At 1:00pm, tapos na.” Binabawi ko na ang sinabi kong sinakyan ako ni Sir Jael. Argh.

Tinapakan ko ang sapatos niya. Napa-aray naman siya ng hindi masyadong halata.

“Hapon, Bec? Pwede kitang sunduin?” he asked. Before I forget, he is wearing his red longsleeves. Naka-tuck in ito. Pansin ko rin ang leather na belt niya. Kung hindi lang manloloko ang lalaking to, malamang minahal ko to ng wagas pa eh.

“Hapon? Pwede naman. Depende. I am not sure,” I answered. Sinusubukan kong hindi mapansing naamoy ko pa rin ang pabango niya. Lahat ng tingin niya sa akin, effective pa rin para kiligin ako. I swear, isang malaking challenge ang lumayo kay Sir Rye. Pero, kakayanin.

“Hihintayin na lang kita, after practice.” He smiled. As if walang confusing sa sinabi ko. “Don’t worry. I’ll be on time. I’ll be on your side. Kahit pansin ko namang nilalayuan mo ko, gagawin ko pa rin lahat.” He smiled. He fcking smiled.

Para akong natutunaw na ice cream. Ang lakas lang talaga ng appeal niya na tipong naloko na ako, pero heto pa rin ako, at affected sa bawat salitang sasabihin niya sa akin. Idagdag pa ang karisma sa tabi ni Sir Jael. Oh no. Did I just say, Sir Jael?

Napatingin ako kay Roxanne. Pilit ang ngiti niya. Hayaan mo na. Ieexplain ko na lang sa kanya ang lahat.

“Sir Railey Medrana. If you want to go out with me, hintayin mo ako sa labas ng school. Sa harapan mismo ng gate. Dun ako pupunta para hanapin ka,” sabi ko sa kanya. Kahit I really do not have any intentions of meeting him tomorrow.

Bahala na.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now