kami.

" tara hanap tayo ng pwede mo paglabasan nyan, baka magkalat ka pa dito sa sasakyan mo, kaya

mo pa ba " sabi ko kahit nangingiti ako hindi ko pwede tawanan sya ngayon dahil kahit papano

nahihirapan pa din sya

Naghanap na kami ng pwede sya makapag cr at hotel nakita namin na pwede pag parausan ni

Sam, nagcheck in na kami at diretso agad si Sam sa banyo. Humiga lang ako sa kama habang

inaantay ko si Sam. Kala ko talaga kung ano na masakit kay Sam.

Maya maya lumabas na si Sam at yung itsura nya exhausted na exhausted. Lumapit ako agad sa

kanya pinunasan ko yung mukha nya kawawa naman tong baby ko. 

" kamusta? Masakit pa ba tyan mo? Ok ka na ba? " pag alala kong tanong, pano ba naman yung

mukha nya parang walang buhay

" ok na ako, buti nalang hindi ako nagkalat " sabi ni Sam

" kiss kita para magaling ka na " sabi ko habang pinupunasan ko yung mukha nya ng twalya

" ah sige sabi nila diba kung saan masakit dun ikikiss" sabi ni Sam na nakakaloko yung ngiti

Bigla naman ako may naisip!

" yuck! Kadiri mo Sam! " sabi ko sabay bato ko sa kanya ng twalya sa mukha

" bakit? yung tyan ko yung masakit eh " sabi ni Sam at ngumingiti

Alam ko yung mga ganyang ngiti ni Sam alam ko hindi yun yung ibig nyang sabihin, kainis na to

nagtatae na lakas pa mangasar.

" osige kiss mo nalang ako dito" sabi ni Sam at ngumuso na sya.

Kniss ko naman sya nung ngumuso na sya, baka kung saan pa magpakiss eh

" better? " tanong ko

" isa pa " sabi nya at ngumuso ulit sya

Pinagbigyan ko nalang sya dahil baka mangasar ulit.

" isa pa " sabi nya ulit

" tama na, sumosobra ka na " sabi ko at hinatak ko na sya sa kama

" humiga ka muna dito at magpahinga, hahanap ako sa baba ng bilihan ng gamot para hindi kana mag lbm. " pinahiga ko na sya at kinumutan

" dito ka nalang sa tabi ko " sabi ni Sam

" bibili lang ako ng gamot, para gumaling ka na " sabi ko

" magaling na ako kniss mo na ako eh" sabi nya

" baby naman eh, sandali lang ako bibili lang ako gamot, sige ka baka mangyari nanaman yung kanina. " sabi ko

" bilisan mo ah, wag ka mag entertain ng ibang tao " sabi nya. Parang baliw to si Sam

" ewan ko sayo, sige na aalis na ako. " sabi ko at tumayo na ako. Pero hinatak nya yung kamay ko

" wheres my kiss? " sabi nya at ngumuso ulit sya

Lumapit naman ako sa kanya at hindi ko pinansin yung nguso nya kniss ko sya sa noo.

" magpahinga ka na dyan, wag makulit ok " sabi ko at kinurot ko yung ilong nya

Napangiti nalang ako nung nagtalukbong nalang sya ng kumot, parang bata talaga to

Bumaba na ako at naghanap ng bilihan ng gamot, habang lumilingon lingon ako may naaninag

ako na parang si daddy na may kasama na sumakay ng taxi. Hindi ko sure kung si daddy yun dahil

pumasok na sila sa taxi at kung si daddy yun bakit naka taxi sya at anong ginagawa nya dito. Hindi

si daddy yun baka kahawig lang nya.

Sa paglalakad ko may nakita akong pharmacy at may malapit din na fast food kaya bumili na din

ako ng pagkain namin ni Sam. Bukas nalang kami pupunta ni Sam sa puntod ni mommy para ok

na si Sam talaga.

Pagbalik ko ng hotel, tulog si Sam kaya nanood nalang ako sa sala ng tv.

Nagising ako ng nakaunan yung ulo ko sa lap ni Sam. Nakatulog pala ako habang nanonood kanina.

" bakit ka andito, ok na ba pakiramdam mo? " tanong ko kay Sam.

Tumayo na din ako sa pagkakahiga ko at humarap ako kay Sam

" sabi ko naman sayo ok na ako, kniss na ako ng baby ko eh " sabi nya sabay hatak sakin

napayakap nalang ako sa kanya

" are you sure? Yung gamot andun pala sa table " sabi ko at kukunin ko sana

Pero hinigpitan nya lang yung yakap nya sakin

" ininom ko na, kanina pa kaya dito ka nalang sa tabi ko yakapin mo nalang ako " sabi ni Sam

Yumakap nalang ulit ako sa kanya, tutal yun naman gusto nya. Ilang minuto din kami magkayakap 

ang habang nanonood ng tv.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

:)

My Closet Queen (girlxgirl story)Место, где живут истории. Откройте их для себя