"MAGULONG MUNDO"

20.5K 70 26
                                    

Magulong mundo aking kinabibilangan.......... Facebook dito! Twitter doon! Mura dito! Mura doon! Ay teka meron pa pala? Inom dito! Hithit doon! Pak ganern ang buhay sa bisyo at makasalanang gawain. Wala nang nakakaalala sa iyong kabayanihang ginawa,  kabayanihang higit pa sa ginawa ni Jose Rizal,o Andres Bonifacio man


Naranasan mo lahat ng aming nararanasan, inako ang pasaning dapat kami ang pumasan, minahal mo kami higit pa sa iyong buhay, gumawa ng milagro upang patunayang ang himala ay hindi kathang isip lamang


Dalawang libong taon na ang nakakaraan ngunit ang istorya mo'y tumatak sa mundong kinabibilangan, Hanggang ngayo'y pinapatunayan iyong kapangyarihan at kadakilaan Ika'y nagiisa, walang katulad noon,ngayon at magpakailanman


Noon akoy naghahanap.... Hindi alam ang patutunguhan, basta alam ko lamang ay may kulang, at kailangan ko iyong mapunan kaya't ginawa ko ang lahat! lahat ng gawain sa mundo na nagpapasaya sa katawang ito, nagsasabing okay lang yan! Masaya eh! Nagpatong patong aking problema kasabay ng paglawak ng aking pagkakasala


Pamilya ko'y sira! Kaya't akoy hahanap ng nobyo upang mapunan ang pagmamahal na aking hanap hanap, kailangan akoy maganda, hindi ako kakain! Dapat akoy may kurba  at dapat tanggap ako ng lahat! Araw araw ibat ibang maskara aking suot, pilit na binabago aking sarili upang maging kabilang sa kanila


Ngunit nang makilala ka? nabuo ang puso kong sira, akoy minahal mo at niregaluhan ng higit pa sa bulaklak, binigay mo'y iyong buhay dugo ay dumanak.... Nalaman kong ako pala'y ginawa mo sa iyong imahe, kaya't ako'y maganda at hindi na kailangang magbago pa...... Hindi mo ako iniwan o pinabayaan man pagmamahal mo'y umaapaw at walang katapusan, kaaway ay wala nang kapangyarihan pagkat matagal na siyang nagapi dahil sa iyo kami'y tagumpay na at hindi na mangangamba  pa. Ikaw ang unat huli, tagapagligtas naming lahat....

Magulo ang mundong aking kinabibilangan ngunit nang makilala ka nabago ang lahat

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now