epilouge

808 32 26
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

shanta's pov

Nagpapahangin ako sa garden ng aming bahay ng may yumakap sa'kin mula sa likod. Napahawak ako sa braso nyang nakapulupot sa'kin at napangiti. Mabangong amoy nya palang kilala ko na kung sino. Kilala nga din ng puso ko dahil bigla itong pumitik.

"Can we stay like this forever?"

Muli akong napangiti at tiningala sya. "Mangangalay naman tayo nyan."

"Haha! Silly. What I mean is... yong ganito tayong dalawa. Masaya at mahal ang isa't-isa. You and me together always. Walang makapaghihiwalay. You are mine and I am all yours."

Lumapad ang aking ngiti. Di ko mapigilang di kiligin sa mga sinabi nya. Gosh! How can he be so sweet?

Marahan akong tumango.

"Uhm! I have something for you." aniya saka umupo sa tabi ko.

"Ano yon?"

"Close your eyes." mapakunot-noo ako. Bakit kailangan pang pumikit?

Pero dahil mabait akong bata ay sinunod ko nalang sya. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata. Naramdaman ko ang pag-alis nfa sa tabi ko. Ano yon? Pinapikit ako tapos aalis sya. Aba!

Pero naramdaman kong may lumapat sa leeg ko. May inilagay sya. I guess it's a necklace.

"Open your eyes now, babe." dahan-dahan ko namang minulata ang mata ko at kinapa ang nasa aking leeg at tama nga ako. It's a silver necklace na ang pendant ay clover leaf na may maliliit na white diamonds."

Napaawang ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. Ang ganda. Ini-imagine ko lang dati na magkakaroon ako ng ganitong necklace. Kahit na hindi mamahalin. Basta four leaf clover ang pendant. Gustong-gusto ko kasi ang clover leaf. Gusto ko ngang makakita ng four leaf clover pero saan naman ako maghahanap non. Naniniwala kasi ako sa sinasabing swerte ang makakakita non.

Pero, kita mo nga naman. Di ko hinanap ngayon ay suot-suot ko. Hindi lang nga yong totoong dahon.

"You like it?"

"Para sa'kin to?"

"Yes."

"Parang ang mahal nito ah. Di ko yata ito matatanggap." ani ko.

"Pag di mo tinanggap yan, magtatampo ako. Pinaghirapan kong hanapin yan para sayo tapos di mo tatanggapin."

Nakonsensya naman agad ako. Hinila ko sya at pinaupo sa tabi ko.

"Hindi naman sa ganon. Kasi--- Uhm! salamat. Sobrang salamat. Salamat, Thunder." umisod ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"Anything for you, babe."

"Pero parang ang mahal naman nito, Thunder." ani ko ng kumalas ako ng yakap sa kanya. Hinawakan ko ang pendant at pinakatitigan ito. Ang ganda talaga. Di ko inakalang magkakaroon ako ng ganito.

"Kahit pa na ubusin ko ang pera ko. Basta mapasaya kita, ayos lang."

Agad akong napanguso.

"Para naman akong materialistic sa lagay na yan. Kahit naman wala ito at walang mga mamahaling bagay na ibibigay mo, masaya na ako. Ikaw at ang pagmamahal mo ay sapat na para maging masaya ako."

Sumilay ang gwapong ngiti sa labi nya. Sya naman ang yumakap sa'kin.

"I am so happy. Hearing you say those words brings so much happiness in me. Thank you for coming into my life babe. For being a part of me. You make me the luckiest guy on earth. I love you. And I want to love you for the rest of my life. Only you."

"I love you, too. And I want also to love you for the rest of my life. Ikaw lang Thunder."

"Ang cheesy naman. Pa-pizza na yan."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. It's Light. Bakit sya nandito? Bakit sila nandito?

"Jusme! may free romance movie pala dito, di ako nainform." ani Celoah'ng todo ngiti. Pati si Camille na nakakapit sa braso nya.

"Mamaya nyo na ituloy yang cheeziness nyo. May dala kaming foods. Kumain muna tayo. Hindi nakakabusog ang kakornihan." ani Nica tapos umirap pa. Para namang may senesenyas sina Night, Cloud at Cero na nasa likuran nila.

Napatakip ako ng mukha. Nakahiya. Nadinig nila. Gosh!

"Mga ulol kayo. Para kayong kabute na biglang sumusulpot."

"Kanina pa kaya kami dito." nakangising ani Light.

"Tsk! Sige na, mauna na kayo don." gusto kong matawa sa iritadong tono ni Thunder.

"Aysus! Kunyari. Iiskor ka lang eh." sabat ni Night.

"Gago! Doon na nga kayo."

"Sunod kayo agad Shan." hayag ni Nica. Pinatulungan nilang itulak ang mga lalaki paalis.

"You hungry?" tanong ni Thunder sa'kin ng makaalis na sila.

"Medyo."

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinalikan sa labi. Saglit lang naman dahil inilayo din nya ang mukha nya sa'kin.

"Tara. Papakainin na kita. Ako kasi, busog na. Nakakabusog ang kiss mo."

"Loko ka. Tara na nga. Dami mong alam." sabi ko sabay tayo. Tumayo na din sya't mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Parang ayaw na nya itong bitawan.

"Haha! Sayo lang naman." aniya't kumindat pa.

Jusme! yong puso ko, magka-cartwheel na sa ribcage nya. Gosh!

I never thought na darating kami sa ganitong punto ng buhay namin. From 'frienemies' na enemies lang naman talaga dahil di naman namin itinuring na kaibigan ang isa't isa noon. Hindi ko inakala na mamahalin nya ako. Ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Falling inlove and being love by my 'frenemy' was the best thing that ever happen to me.

Wala na akong mahihiling pa. Para sa'kun ay buong-buo na ang buhay ko. Isang Thunder Kim ang bumuo.

--💕end💕--

160916

frienemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon