noventa y seis

664 28 29
                                    

thunder's pov

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang tunog ng phone. Pipikit-pikit pa ang aking matang inabot ko iyon at sinagot.

[H-hello! Thunder.] pagtapat na pagtapat ko sa teynga ko karalgal na boses ni Nica ang narinig ko. Umiiyak ba sya? Tuluyang nagising ang aking diwa dahil bigla akong kinabahan.

"Nica, bakit?"

[T-thunder, s-si S-shanta... di---".]

Di ko na natapos ang sasabihin nya dahil dali-dali ng akong bumangon at umalis sa higaan ko.

God! please... no.

Dali-dali akong nagbihis at deretsong lumabas ng bahay namin. Sumakay ako ng kotse at pinabuksan sa guardya ang gate. Halos paliparin ko na ang kotse ko makarating lang sa hospital. Doble-doble na 'yong kabang nararamdaman ko.

Dyos ko, wag nyo po syang kukunin sa'kin. Parang-awa nyo na.

Pagkapark ko ng kotse ay dali-dali akong lumabas at tinakbo ko ang pagpasok sa loob ng hospital hanggang sa floor kung nasaan ang kwarto ni Shanta. Para na akong mababaliw sa kaba. Di ko kakayaning mawala sya.

Pagdating at pagbukas ko ng private room ay napirmi ako sa may pinto. Tahimik silang lahat habang nakapalibot sa higaan nya. Ang naririnig ko lang ay ang boses ng mama nyang umiiyak.

"Tama na po tita, naiiyak na din ako. Huhuhu." mapakunot-noo ng pabaklang nagsalita si Light at nagtawanan sila.

Anong nangyayari?

"Buang ka talaga, Light."

Yong kaba ko ay agad napalitan ng pagkalito. Pagkatapos ay tuwa. Biglang pumitik ng mabilis ang tibok ng puso ko.

It was her. It was her voice.

Mahina man ang pagkakasabi nya non ay kilalang-kilala ko ang boses nya. Damn! Gising na sya.

"May tao yata."

Agad napalingon silang lahat sa'kin. Pawang nakangiti.

"Ehem! nandito na sya." makahulugang ani Cero.

Parang nagslowmotion na nahawi silang lahat. Di ako makagalaw sa aking kinatatayaun ng makita ko syang nakaupo at nakasandal sa higaan nya. Parang huminto ang mundo ng isang tipid na ngiti ang ibinigay nya sa'kin.

God! How I miss her smile.

Natauhan ako ng mapansing nangunot ang noo nya. Dinalawang hakbang ko lang ang pagitan namin at agad syang niyakap ng maghipit.

"You're awake. Thank god, you're awake." parang gusto kong maiyak sa saya. Gising na sya't nayayakap ko na. "I miss you so much, babe. God knows how much I miss you."

"Ahh--"

"Dude, kagigising nga lang, sinasakal mo naman." natauhan ako sa pahayag ni Night kaya agad kong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.

"I'm sorry. I'm sorry babe. I'm sorry."

"Hmm! Lalabas muna kami anak, para nakapg-usap kayo." sabi ng mam nya. Npalingon ako sa kanya. Nakatingin sya sa'kin at nakangiti.

"Kids, labas muna tayo." magiliw na sabi ni tita sa mga kaibigan namin.

"Tita, hindi na kami kids. Nakakagawa na nga ako ng baby eh." ani Light kaya nakatanggap sya ng batok mula kay Nica. Pinagtawanan naman sya nila. "Dude tandaan mo, kagigising nya pa lang wa mong mamanyakin agad. Ouch!" si Camille naman ang bumatok sa kanya.

"Gago." maikling tugon ko. Hinila sya ni Night at nauna silang lumabas. Sumunod na rin yong iba. Naiwan kaming dalawa.

Binalik ko ang tingin sa kanya at pinakatitigan sya. God! I fuvcking miss her so much.

"Ba't ganyan ka makatingin?" napangiti ako. Ramdam ko ang pagkailang nya. Mas lalo akong napangiti ng mapansin ang bahagyang pagpula ng pisngi nya. Damn! I badly want to kiss her right now.

"I miss you so much."

"Hindi ka galit sa'kin?"

Napakunot-noo ako. At naalalang di pala kami okay bago sya madisgrasya.

"No, hindi naman ako nagalit sayo. Nasaktan lang ako pero ayos na'ko. At alam ko na ang lahat. Wala kang kasalanan kaya wala akong dapat ikagalit. At kahit na meron pa, di pa rin ako magagalit sayo dahil mas matindi ang pagmamahal ko sayo para makaramdaman ako ng galit. Mahal na mahal kita Shanta. Kahit na ano pang mangyari, mahal na mahal pa rin kita."

"I'm sorry." nataranta ako ng bigla syng umiyak. Hinawakan ko ang mukha nya ay pinaid ang kanyang luha.

"Why are saying sorry? Wala ka namang kasalanan. Don't Shan, nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak."

"Nagsosorry ako kasi nasaktan kita, hindi ko naman gusto 'yon eh, pero kailangan kong gawin."

"Shhh! It's ok. Wala yong naramdaman ko sa dinanas mo. Sa mga ginawa sayo ni Liezel."

"Alam mo--"

"I told you alam ko na ang lahat. At nagbabayad na sya ngayon sa kasalanan nya."

"What do you mean?" halata ang pagkalito a mukha nya.

"Sya ang sumagasa sa'yo. Hindi disgrasya ang nangyari dahil sinadya."

"What?"

"Let's not talk about it for now. Kakagising mo lang at baka makasama pa sayo."

Marahan syang tumango.

"Now let's talk about us."

Yumuko sya kaya inangat kong muli ang mukha nya.

"Mahal mo ba ako?"

Tumango sya ng marahan. "Mahal kita. Totoong mahal kita. Naduwag lang ako. Pero mahal talaga---"

Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita.

I kissed her without her permission. Yon lang naman ang gusto kong malaman eh. Ang totoong mahal nya 'ko. At ngayon, mas sisiguraduhin kong wala na syang kawala sa'kin. Kahit na ano pang mangyari.

frienemiesKde žijí příběhy. Začni objevovat