setienta y cuatro

516 33 5
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

shanta's pov

Grabe sya. Addict ng lalaking yon. Addict sa kiss. Parang kissing monster lang pero hindi naman talaga sya monster. Tapos sumigaw pa sya. Aish! Natukso tuloy ako ng mga kaklase ko pati ni Nica.

Habang hinihintay ang prof namin ay narinig kong may tumutunog na cellphone at pamilyar sa'kin ang ringtone. Parang kay-

Hala! Nasa akin ang phone ni Thunder. Pinahawak nya kasi sa'kin kanina at nailagay ko sa loob ng bag ko.

Kinuha ko iyon at tiningnan at nakitang mommy nya ang tumatawag.

Nako. Paano na 'to?

"Bakit di mo sagutin?" ani Nica'ng nasa katabi ko lang nakaupo.

"Ayaw ko. Di ako kilala ng mama nya."

"What? Di ka pa nya naipapakilala sa family nya?"

Umiling ako. Talagang di ko pa na nameet ang mga magulang nya. At tsaka di ko naman din naisip yon. Ngayon lang. Isa pa bago pa lang kami.

"Bakit?" usisa pa ni Nica. Nagkibit-balikat lang ako.

"Uhm! classmates. Wala daw prof natin." masiglang anunsyo ng isang kaklase ko na kapapasok lang. Agad naghiyawan ang mga kaklase namin at nagkanya-kanyang labas ng classroom.

"Shan, tara." aya ni Nica. Tumango ako.

Buti nalang wala ang aming professor. Maibibigay ko na kay Thunder ang phone nya. Baka kasi may tumawag uli sa kanya o tumawag uli ang mommy nya.

"Nica, samahan mo muna ko kay Thunder. Ibibigay ko lang 'tong phone nya."

"O sige. Pagkatapos punta tayong canteen ah. Di kasi ko nakapagbreakfast eh." aniya.

Pumunta kami sa engineering building kung saan naroon si Thunder. Alam ko kung saang room ang klase nya ngayon kaya di ko na sya kailangan hanapin. Deretso na naming pinuntahan iyon ni Nica. Ang di ko maintindihan ay kung bakit parang kinakabahan ako. Binalewala ko nalang iyon.

Nang nakarating kami sa mismong room nila ay magtatanong pa sana ako kung nasaan sya pero naagaw na ang atensyon ko sa eksenang aking nasaksihan.  Parang gusto kung umatras at tumakbo palayo sa nakita ko.

Si Thunder.

Kahit na natatakpan sya ng babaeng nakakandong sa kanya ay alam kung sya iyon.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nasaksihan ko. Hindi lang basta nakakandong ang babae sa kanya. Kahalikan nya pa ito. At ang babaeng yon ay ang kapatid ko.

Agad nag-unahang pumatak ang mga luha sa mata ko.

Nagulat nalang ako ng nasa loob na si Nica ng room nila. Mabilis nyang hinila ang buhok ni Shiela at pinaharap sa kanya saka ito malakas na sinampal.

Nakita ko ang pagkagulat ni Thunder at mas lalo pa syang nagulat ng mapatingin sya sa gawi ko.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang pahikbi. At bago pa sya makatayo sa kinauupuan nya ay tumakbo na ako palayo.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Bakit nagawa nya sa'kin to? Kelan pa? Bago pa nga lang kami ay niloko na nya ako.

Bakit ganon? Anong kasalanan ko?

frienemiesWhere stories live. Discover now