noventa y uno

562 32 20
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

thunder's pov

"Hello! Nica. Napatawag ka?" saglit kong binaling ang tingin kay Cero na kausap si Nica sa phone nya saka ko ibinalik ang tingin sa aking basong may lamang alak.

"Dude, gusto ka nyang kausapin."

"Tsk! sabihin mo busy." walang ganang ani ko saka ko tinungga ng laman ng baso ko.

"Nica, sabi nya... busy daw sya." binigyan ko sya ng matalim na tingin. Gago.

"Teka ba't ka umiiyak? What?" napalingon ako agad kay Cero. Nagtaka ako ng makita ang gulat sa itsura nya. "Pupunta kami. Bye."

"Dude, nadisgrasya si Shanta. Nasa ospital at kritikal daw ang kondisyon."

Natuod ako sa kinauupuan ko. Para akong binagsakan ng mabigat na bagay sa kanyang sinabi.

Paanong---

Hindi-hindi pwede.

Dali-dali akong tumayo at lumabas sa VIP room ng bar na kinaroonan namin. Rinig ko ang pagtawag nina Cero sa'kin pero di ko na iyon pinansin. Kailangan makarating na agad ako ng ospital.

Parang biglang naglaho ang kalasingan ko. Halo-halo ang aking nararamdaman. Pero mas nangingibabaw ang takot. Takot na baka tuluyan syang mawala sa'kin.

Hindi pwede. Hindi ko kaya.

Handa akong kalimutan ang ginawa nya at mag-umpisa kami ng bago. Handa akong maghintay na mahalin nya ng totoo. Kasi kahit anong gawin kong magalit sa kanya, hindi ko kaya. Di ko magagawang magalit sa babaeng mahal ko.

God please, don't take her away from me.

frienemiesWhere stories live. Discover now