noventa

545 25 6
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

3rd person's pov

Napapiksi si Shanta ng marinig ang pagtunog ng phone nya. Nasa park sya at nagpapahangin. Nagbabakasakaling mabawasan ang mabigat na dinala.

Kinuha nga ang cellphone mula sa bulsa ng suot nyang jacket. Kahit na hindi pa sya handang makipag-usap kahit na kanino at sinagot nya ito ng makita si Nica ang tumatawag. Ilang beses na itong pumunta sa bahay nila at tinawagan sya para kausapin.

Itinapat nya ang cellphone sa tenga ay pinakinggan ito. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at naglakad paalis sa park.

[Nasaan ka ngayon, Shanta. Jusko! Sobra na akong nag-aalala sayo. Ayaw mong sagutin ang tawag ko. Di mo ko hinaharap pag pumupunta ako sa inyo. Ano ba Shanta, di ako mapalagay sa nangyayari sayo.]

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Wag kang mag-alala Nics, okay na ako." mahinang wika nya.

[Nasaan ka ba? Nandito ako sa bahay nyo. Hinahanap ka na din ng mama mo.]

"Pauwi na'ko---"

Nasa gilid na sya ng daan ng makita ang isang kotse wala sa direksyon ang takbo. Biglang bumangon ang kaba sa kanyang dibdib. Natuod sya sa kanyang kinatatayuan. Ramdam na din nya ang panginginig ng kanyang katawan.

[Shanta, nandyan ka pa ba. Hello, Shan.]

Lalong dumoble ang kaba nya ng malapit na malapit na ang kotse sa kanya.

"Pakisabi sa kanya, mahal na mahal ko sya Nica."

[Hello! hello... Shanta. Sha---]

---

frienemiesOn viuen les histories. Descobreix ara