noventa y cuatro

578 27 8
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

thunder's pov

"Damn that freak. I could kill her right now." naikuyom ko ang aking kamao sa nalaman ko. Agad bumangon ang galit sa'kin ng malaman ko kung bakit ako hiniwalayan ni Shanta. Dahil pala sa baliw na Liezel na 'yon.

Nabasa ko na ang lahat ng mga chat nya kay Shan. Pati ang mga banta nya. Buti't nakuha ni Nica ang cellphone ni Shan at buti di ito nasira.

Kung di ako makakapagpigil ngayon ay magsisi talaga sya't gugustuhin nyang di na mabuhay pa.

"Thunder, kumalma ka. Ngayong alam mo na, sana magkaayos na kayo paggising nya. And about Liezel, I can handle her, don't worry. Hindi din naman gugustuhin ni Shanta pag sinaktan natin sya. Kailangan nya lang magising sa kabaliwan nya at turuan sya ng leksyon."

Tss! Hindi lang bastang leksyon ang dapat gawin sa kanya. Hindi lang pala ako ang ginugulo nya, pati pala ang babaeng mahal ko. Pagsisihan nya talaga itong ginawa nya. Sisiguraduhin ko yon.

Nagkatinginan kami ni Nica ng makarinig kami ng parang ingay sa labas ng private room. Halos sabay kaming napatayo para tingnan kung ano.

Ang naabutan namin ay ang mama ni Shan na galit na galit ay pinagsasampal ang babae. I found it was Liezel. Anong ginagawa ng pesteng babaeng yan dito? Pinipigilan si tita nina Light at Cero habang ang isang lalaking na nasa late 40's yata ang pilit tinatakpan si Liezel kay tita.

Kung di lang talaga sya babae ay ako ng nanakit sa kanya ngayon sa ginawa nya sa'min ni Shanta.

"Kriminal ka. Ikaw  sumagasa sa anak ko, walanghiya ka."

Sobrang ikinagulat ko ang binitiwang salita ni Tita. Ibig sabihin, si Liezel din ang may kagagawan ng nangyari kay Shan?

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito. Para ano, para patayin mo pa ang anak ko dahil hindi ka la nakontento. Kriminal ka." nanggagalaiting ani tita. Bigla syang nakawala sa pagkakahawak nina Light kaya nahablot nya ang buhok ni Liezel. Kulang pa yan para sa ginawa nya.

"Tama na." awat ng may edad na lalaki. Hindi nagpaawat si tita kaya tumaas ng yong boses ng lalaki. "Tama na sabi. Tama na."

"Huh! Wag mong sasabihin sa'kin yan. Kulang na kulang pa yan para sa ginawa nya sa anak ko. Sa ginawa nya sa anak mo." hindi maikakaila ang galit sa boses ni tita kahit na umiiyak sya.

Bigla namang nagsink in sa'kin ang sinabi nya. Sya ang papa ni Shan? Pero bakit parang kumakampi ito kay Liezel.

"Tandaan mong kriminal ka. Hindi kita titigilan hangga't di ka nakakapagbayad sa ginawa mo kay Shanta. At ikaw Xenon, hindi kita kailangan dito. Hindi ko kailangan ang taong kumukonsiti sa anak mong kriminal. Sisiguruhin kong mabubulok sya sa bilangguhan. Magsilayas kayo. Umalis kayo dito at wag na wag kayong babalik. Umalis kayo. Alis."

Nangakayukong umalis ang lalaki at si Liezel. Kinakalma naman si Tita ni Cero at Light.

"Alam kong naguguluhan ka. Magkapatid si Liezel at Shan sa ama. Mahabang kwento pero mamaya ko na sasabihin sayo." ani Nica saka sya lumapit sa mama ni Shan.

"Tita, huminahon na po kayo. Pumasok nalang tayo sa kwarto ni Shan." pang-aalo ni Nica sa kanya.

Magkapatid sila? Pero bakit nagawa ni Liezel ang saktan si Shanta? Anong klaseng kapatid sya?

frienemiesWhere stories live. Discover now