cincuenta y ocho

674 39 48
                                    

shanta's pov

"Babe!"

Napahinto ako sa paglalakad ng makitang papalapit si Thunder sa'kin. Napatingin ako sa paligid. May ilang nakatingin sa kanya at ilan ay sa'kin. Sino ba namang hindi mapapatingin eh ang lakas ng pagkakasabi nya nong babe.

Nang tuluyan syang makalapit ay inakbayan nya 'ko.

"Hoy! tanggalin mo nga yang kamay mo ." ani ko at pilit inaalis ang braso nyang nakaakbay sa'kin.

"Ayoko nga. I want to be so close to you. Namiss kaya kita nga sobra." agad nangunot ang noo ko.

"Baliw. Nagkita tayo ng lunchbreak. Ninakawan mo pa nga ako ng---." hindi ko itinuloy ang sasabihin ko at nag-iwas ng tingin.

"Nang ano?" may himig panunuksong sabi nya. Psh! Kunyari pang di nya alam.

"Wala." napanguso ako. Kainis naman 'tong lalaking to. Parang wala lang sa kanya yong ginawa nya kanina.

"Ano nga yong ninakaw ko?" nakangising aniya. Nang-iinis talaga ang pandak na 'to.

"Wala nga kasi.Tsk!" tatanggalin ko sana ang braso nyang nakaakbay sa'kin pero mas inilapit pa nya ako sa kanya. Jusme! Kaurat naman tong lalaking to. Lagi nalang pinapatibok ng mabilis ang puso ko sa mga pinaggagawa at mga sinasabi nya. Di ko inaakala na ang kabangayan ko lagi ay grabe makapaghakot ng langgam sa kasweetan at kakornihan.

"K! ibabalik ko nalang sayo kung ano man yong ninakaw ko." pilyong turan nya. Namilog naman ang mata ko mabilis pa sa kidlat ng lumayo sa kanya.

"At anong ibabalik mo?" jusko! naman tong lalaking to. Pwede bang ibalik yong ninakaw myang kiss?

"Yong ninakaw ko nga." humakbang sya palapit sa'kin. Umatras naman ako.

"Wag na oy."

"Ibabalik ko. Baka magalit ka pa sa'kin pag di ko ibinalik sayo." napanukso nyang sabi.

Putcha naman. Puso kumalma ka nga muna ng makapag-isip ako ng maayos kung paano ako makakaligtas sa kalokohan ng pandak sa harap ko.

"Wag na nga kasi."

"Gusto ko ngang ibalik sayo." humakbang pa sya papalapit. Di na ako makapag-isip ng maayos sa kabang nararamdaman ko. Ang di ko alam ay kung paano nya akong na-corner. Nakatukod yong dalawa nyang kamay sa makabilang gilid ng ulo ko.

Napalunok ako ng makita kong saan nakatingin ang mga mata nya. Di pwede. Nanliligaw pa nga lang sya, halik na sya ng halik. Ano yon advance?

"T-thunder, lumayo ka nga." napahawak ako sa matigas nyang dibdib para sana itulak sya pero maling ginawa ko iyon. Parang dumaloy ang lahat ng kuryente galing sa kanya papunta sa'kin. Ramdam ko din sa isang palad ko ang mabilis na tibok ng puso nya gaya ng sa akin.

"Ramdam mo ba?" paos na sabi nya at hinawakan ng isang kamay nya yong kamay kung nakalapat sa dibdib nya.

"H-huh?"

"Yong mabilis na tibok ng puso ko." aniya na matamang nakatingin sa'kin.

"Uhm--ah!"

"Dahil sayo." dugtong nya. "Ikaw lang ang nakakapagpabilis ng tibok nito."

"Thunder." mahinang usal ko sa pangalan nya. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi nya. Ang alam ko lang ay ganon din ang ginagawa nya sa'kin.

"I love you, Shan. Gusto kong paulit-ulit na sabihin at iparamdam yon sayo. Mahal na mahal kita. Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hindi kita mamadaliin. Gusto kong mahal mo na din ako pag sinagot mo ako. Handa akong maghintay kahit na gaano pa iyon katagal. Basta ba hayaan mo lang ako na mahalin ka at iparamdam yon sayo hanggang sa dumating ang araw na parehas na tayo ng nararamdam. Sana lang dumating ang araw na yon."

Di ko maalis-alis ang tingin sa kanya. Nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko sa kanyang mga sinabi. Ang sarap sa pakiramdam. Para tuloy ako ngayong nakalutang sa ulap. Hindi ko inakala na may magmamahal sa'kin ng ganito. Na mamahalin nya din ako.

Ano pa bang hahanapin at hihintayin ko? Bakit ko pa patatagalin kong simula pa lang ay parehas naman kami ng nararamdaman.

"Mahal din kita, Thunder. Mahal na mahal."

frienemiesWhere stories live. Discover now