treinta y cuatro

862 51 23
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

shanta's pov

Matapos kung kumain ng agahan ay gumayak na ako para pumasok na. Nagpaalam ako sa mama ko. Si Papa ko kasi ay nasa trabho na nya. Nagku-commute lang ako pag di ako nakakasabay kay papa. Minsan kasi ay maaga ang pasok ko. Minsan naman ay late na. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya namin para magsariling sasakyan ako. Sakto lang.

Saktong paglabas at pagsara ko ng gate ay may humintong kotse sa harap ko. At kilala ko kung sino ang may-ari nito. Walang iba kundi si pandak. Ba't nagawi sya dito? Malayo kasi dito yong tinitirhan nila. Siguro baka pinuntahan nya si Cero. Malapit lang kasi ang bahay nina Cero dito sa'min. Magka-village kasi kami nila ni Celoah, Nica at Camille.

Dahan-dahang bumaba yong tinted na windshield ng kotse nya. Mataman lang akong nagmamasid. Halos mapanganga ako ng makita sya.

Jusme! Ba't ang gwapo nya yata ngayon? At ang cool nya pang tingnan habang may suot na sunglasses.

Naipilig ko naman ang aking ulo. Ano ba tong iniisip ko? Para tuloy akong nagpapantasya sa kanya.

"Morning! Papasok ka na?" tanong nya sa'kin. Tango ang itinugon ko. Ba't parang nawala yata bigla ang dila ko?

"Sabay ka na sa'kin." namilog ang mata ko sa sinabi nya. Seryoso. Isasabay nya ako?

"Ah! hindi na. Salamat na lang." pagtanggi ko. May hiya naman ako noh. At isa pa, ni minsan ay di pa ako nakasakay sa kotse nya. Pakiramdam ko ay magiging awkward kami sa isa't-isa pag sumakay ako sa kotse nya.

"Sige na. Iisa lang naman ang destinasyon natin." giit nya. Umiling ako ng marahan.

"Hindi na nga. Magku-commute na lang ako." sabi ko sa kanya na ikinasalubong ng mga kilay nya.

"I insist. Ba't ka pa magku-commute kung pwede ka namang sumabay sa'kin. Sige na. Pag tumanggi ka. Magtatampo ako sayo." hanudaw. Sya magtatampo sa'kin? Seryoso? Hindi ko maimagine yon. Paano ba magtampo ang isang Thunder Kim na walang ibang ginawa kundi ang makipag-asaran sa'kin?

"What? Sasakay ka o bubuhatin pa kita?" muling namilog ang mata ko sa sinabi nya. Gagawin nya talaga yon? Ayoko ngang mabuhat nya.

"Oo na." ani ko. Inirapan ko sya bago ako umikot papunta sa shotgun seat. Pinipilit na pala ngayon ang sumabay sa kanya.

Pero nakapagtataka. Nakakapanibago sya. Iba sya ngayon sa Thunder na kilala ko. Sa Thunder na kinaiisan ko. Sa Thunder na nakasanayan ko.

Nagtaka ako ng ilang saglit na akong nakasakay ay di nya pa rin nya pinaandar ang kotse. Binaling ko ang tingin sa kanya. Bumangon ang kakaibang kaba sa dibdib ko ng humilig sya palapit sa'kin.

Jusme! Anong gagawin nya?

"T-teka. A-anong ginagawa mo?" nauutal kong turan. Halos di na ako huminga ng malapit na malapit na sya sa'kin.

"Ikakabit ko lang yong seatbelt mo." agad naman akong nakahinga ng maluwag. Matapos nyang ikabit yong seatbelt ay umayos na sya ng upo at inistart na ang sasakyan.

Akala ko... Akala ko... Aish! Di kasi nakakabuti ang nag-a-assume. Pasimple kong tinampal ang noo ko. Ano ba tong isip ko? Napaka-weirdo mag-isip.

Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Awkward. Wala din namin kasi akong alam na pag-uusapan namin.

"Okay ka lang." napalingon ako sa kanya. Tipid akong ngumiti at tumango.

"Ang tahimik mo kasi." aniya.

"Wala lang kasi akong sasabihin. Tsaka, masyado pang maaga para dumaldal." tugon ko. Tumango-tango naman sya. Mapakunot-noo ako ng makitang ngumiti sya habang ang tingin ay deretso sa daan. Isang kakaibang ngiti.

"Hmm! By the way... you look so beautiful today." my jaw literally drop with what he said. Jeez! did I heard it right? Sinabi nyang maganda ako. For the second time. Baka nagkamali lang ako ng pandinig. Lagi nya kasi akong sinasabihang pangit.

Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. At mas lalo pa itong bumilis na parang gusto ng kumawala sa ribcage nito sa sunod na sinabi nya.

"You're beautiful everyday."

frienemiesWhere stories live. Discover now