cuarenta y uno

756 42 11
                                    

***

warning: typos and grammar errors ahead.

***

shanta's pov

"Shan? Are you okay? Mukha kang walang tulog." napanguso ako sa tanong ni Nica. Wala talaga akong maayos na tulog. At kasalanan yon ng pandak na Thunder na 'yon. Ayaw umalis sa isip ko ng sinabi nya. Ang yong huli nyang chat. Yon ang mas lalong di nagpatulog sa'kin.

Babe?

Why did he call me that? Letse naman kasi. Bakit may ganon pa syang nalalaman? Anong ibig sabihin non? At tinakot pa 'ko. Ano bang gagawin nya sa'kin pag nagkita kami? Di ko tuloy maiwasang makaramdam ng konting kaba.

"Ayan, lagi ka pang tulala. Salita ako ng salita, di ka naman nakikinig. Ano bang nangyayari sayo. At tsaka, bakit ba nandito tayo sa library? Kailan ka pa nagka-interes sa mga libro?" lumingon-lingon ako sa paligid baka may makarinig sa mga sinabi nya. Medyo malakas pa naman ang boses nya. Buti nalang walang gaanong tao dahil lunchbreak na. Maliban sa isang lalaking kung makabasa ay subsob sang mukha sa libro. Mukha namang di nya narinig ang sinabi ni Nica at mukhang wala din naman syang pakialam.

"Shh! Quiet, Nics. Nasa library tayo di ba, kaya we should be quiet." saway ko sa kanya.

Nandito lang naman kami ngayon sa library dahil sa nagtatago ako na hindi naman dapat. Para akong sira. Kinakabahan nga kasi ako sa maaring gawin ni Thunder. Kelan pa ako nagpasindak sa pandak na 'yon.

"Ano ba kasing nangyayari sayo? At tsaka, di pa ba tayo kakain? Gutom na ako." reklamo nya sabay himas sa tyan nya.

"Eh, sige... mauna ka na lang maglunch. Busog pa naman kasi ako. Mamaya pa ako kakain. Malaki pa naman ang vacant time natin. Tatapusin ko muna tong binabasa ko." ani ko na agad nyang ikinasimangot.

"Wala akong akong kasama." oo nga pala. Di sya kumakain ng walang kasama.

"Uhm! Sina Celoah at Camille. Sure ako, nasa cafeteria na yong dalawang yon. Text mo na lang." ani ko at nagkunwaring nagbabasa. Hindi naman talaga kasi ako magbabasa. Ayaw ko lang magpakita sa Thunder na yon. At itong library ang alam kong pinaka-safe na pagtataguan ko.

"Sure ka? Eh paano ka mamaya?" alalang tanong nya kaya nginitian ko sya at tinanguan.

"I'll be fine, Nics. Kaya go ka na, baka magwala na yang bulate mo sya tyan." nakangising sabi ko. Agad naman akong sinimangutan.

"Sige, kung kakain ka na... sunod ka ha. Wag ka magpalipas ng gutom." aniya at tumayo na. I signaled her na umalis na. Nagba-bye pa sya bago ako tuluyang iniwan.

Nagpakawala agad ako ng malalim na hininga. Ilang oras pa akong mananatili dito bago ang subject ko sa hapon. Magpapakabored ako dito sa library ng ilang oras. Aish!

Nabaling ang tingin ko sa table kung saan may isang lalaki kanina. Wala na sya. Pero nandoon pa ang gamit nya. Iginala ko ang paningin ko. Baka naghanap lang yon ng libro. Para kasing may kakaiba sa lalaking 'yon. Di ko lang gaanong pinagtuunan ng pansin kanina.

"Looking for me?"

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat ng biglang may magsalita sa may likod ko at malapit pa sa may teynga ko. Buti nalang napigilan ko ang sarili kong mapatili.

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat. Pero ang mas lalong napatalon nito ay ang pamilyar na boses at ang pamilyar na mabangong amoy ng lalaking magsalita.

Jusko! Akala ko, pinakasafe ko na mapagtataguan itong library. Ba't nandito sya?

Dahan-dahan ko syang hinarap at nanlaki ang mata ko ng makumpirmang sya nga ang nandito ngayon. Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko. Pwede bang maglaho nalang ako dito ngaon mismo.

"Nice try of hiding from me. But I told you, I'm gonna find you and so I did." a lopsided smirk was plastered on his face. Jeez! Why is he so freaking cool doing that?

"Now  let's talk about your punishment... babe."

My eyes grew more even bigger. Shit! I'm doomed.

frienemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon