Chapter 20 - Ang Lalaking Nakabarong

Start from the beginning
                                    

"Sige na nga, lapit kayo." Nang lumapit na ang magbabarkada ay bumulong si Pepe, "sabi kasi ni Sister Estela may demonyo daw na kinulong duon sa hardin na yun."

"Buti na lang umakyat na si Rhea," bulong ni Mary Ann, "Manginginig nanaman sa takot yun"

"Pero sa lahat naman halos ng retreat may mga kwentong ganyan eh" bulong ni Lucio.

"Oo nga!" Sagot ni Michael.

"May point ka, Lucio. Popular talaga ang mga ganitong kwento sa mga retreat." sagot ni john, "pero sobrang interesting sakin yung nakabarong na nakita ni kay Pepe. Tapos nalaman natin na maaring nagsisinungaling si Sister. Ikaw ba Pepe? Ano sa tingin mo? Totoo kaya ung storya ng demonyo?

Tinignan ni Pepe ang mga mata ng mga kaharap niya, "Alam nyo pagdating pa lang natin dito ay hindi na maganda ang naramdaman ko tapos meron pang kung ano-anong mga kwento. Ako lang kasi ang nakakita so baka sa akin ang problema."

"It's not you. It's me," singit ni Mario sabay turo at kindat kay Pepe.

"Kaya ito ang suggestion ko," bulong ulit ni Pepe, "Magfocus tayo dun sa lalaking nakabarong dahil kung totoong multo yun.., eh malaki ang chance na totoo din ung ibang nilalang dito. Diba?"

"Good Idea!" sabi ni John, "I'll take it from here!"

"Nice! Take it away John!" sabi ni Mario.

"Hay, baliw talaga itong dalawang ito," sabi ni Lucio.

"Oo nga! Baliw yang dalawang yan. Sabi ni Michael.

"Ikaw ang mas baliw!" sagot ni Lucio.

Pagkatapos kumaen ng magkakaibigan ay pumunta na sila sa hagdan sa main entrance. Dito ay isang madre ang naghihintay sa mga estudyante para iabot ang room assignments nila.

Dalawang hilera ng kwarto ang nakadrawing sa papel at ang bawat hilera ay nahahati sa apat na kwarto. Sa gitna ng hilera ay nakasulat ang "hallway 2nd floor". May bilang din ang mga kwarto: #1 ang pinaka babang kwarto sa kaliwa at paikot papunta sa kanan ang #2 hanggang #8. Sa bawat parisukat naman ay nakasulat ang pangalan ng matutulog sa kwarto na iyon. Sa pinakababa ng papel ay may isang rectangle na may label na "Libing Room" ang nakadrawing.

"Hala! Katapusan na natin ito!" sabi ni Mario, "May Libing Room!"

Nagtawanan ang lahat ng makita ang nakasulat sa papel pero tumawa lang si Pepe matapos malaman kung saang kwarto naka-assign si Pia.

"Sister, may typo-error po ata," sabi ni Mario.

"Talaga? Ay oo nga! Living Room yan!" sabi ng madre na natawa din.

"Okay! Thank you po," sabi ni Mario.

"Pero ba't ganun? Sinadya ito no? Magkakahiwalay tayo ng kwarto." puna Lucio.

"That's expected," sabi ni John, "Anyway, let's focus on our mission and its right here," bulong ni John habang tinuturo ang dulo ng hallway sa 2nd floor kadikit ng room #4 at #5. Tumingin siya kay Pepe at tinapat ang isang kamay na naka-okay sign.

Tumango si Pepe at bumulong, "Yes, sa taas yan ng chapel at naconfirm ko na visually kanina. Diyan nga yung bintana kung saan sumilip ang nakabarong.

"Wait, can we call this room "Libing Room" just for fun?" sabi ni John.

"Pwede!" bulong ni Lucio. Sabay-sabay umakyat ang magbabarkada at sabay sabay din silang natulala pag akyat nila sa 2nd floor.

"Oh no," sabi ni Mario.

Dumiresto sila sa hallway. Hindi nila pinansin ang Living Room at ang mga kwarto nila. Paglapit nila ay nakumpirma ang kinatatakutan nilang lahat. Isang malaking portrait ang nakadisplay sa buong pader ng "Libing Room".

"Dito yun, dapat may pinto dito." Isip ni Pepe. Tinignan niya ang mukha ng mga kasama. Tahimik ang mga ito at walang masabi.

"Baka naman may secret door?" sabi ni Mario.

"Malamang meron nga," sabi ni John, "ibig sabihin may tinatago sila."

"Tama ka John, kanina ko pa naiisip yan." sabi ni Michael.

"Ahh! Baka naman may boylet lang si Sister?" sabi ni Mary Ann.

Nanlaki ang mata ni Lucio at Mario at tumango ang dalawa ng mabilis. Si Pepe naman at John ay napatango din sa isa't sa. Habang tahimik at walang masabi ang magbabarkada ay bumukas ang pinto ng Room #8 at lumabas ang isang madre na may dalang mga bedsheets.

"Students, yan si Don Mercado," sabi ng madre.

"Ah Okay po," sagot ni John, "ah Sister, may kwarto po sa likod nito?"

Nagulat ang madre sa tanong at napaisip, "hhhmmm, meron daw. Pero sampung taon na ako dito eh hindi ko pa nakikitang nabuksan yan eh. Bakit?"

"Ah napansin ko lang po kasi dahil sa bintana sa labas. Eh gusto ko po sanang malibot itong buong bahay. Ang ganda kasi!"

"Hindi ko alam eh, pero baka si Sister Estela may alam." sabi ng madre.

"Okay po! Thank you!" sabi ni John.

"Okay, Your welcome! Mag-linis na kayo mga bata. Sleeping time na later." Sabi ng madre habang paalis.

"Naiihi ako," sabi ni John.

"Ako din," sagot ni Pepe.

"Tara CR tayo lahat!" sabi naman ni Mario.

Pumasok ang magbabarkada sa CR maliban kay Mary Ann na naiwan sa Living Room. Tahimik ang lahat pagpasok at kumuha ng kanya-kanyang cubicle.

"So paano na?" Tanong ni Mario.

"Eh di wala na," sabi ni Lucio, "Posible nga na baka may slave sila dito at lahat sila ay nakikinabang kaya tinatago nila. Haha!"

"Grabe naman kayo! Mga madre yan!" sabi ni Michael.

"So mas paniniwalaan mo na may multo dito kaysa yung may tinatago silang lalaki?" tanong ni Mario.

"Mas posible naman talaga yung sinabi ni Mary Ann at sinabi ko naman sa inyo na baka nga hindi multo yung nakita ko diba?"sabi ni Pepe habang umiihi, "mas okay na siguro ito, yung wala silang alam," isip niya.

"Hay, nakakawalang gana," sabi ni John. Plano ko sanang gumising ng hating gabi at katokin kayo."

"Paano ka naman magigising? Or hindi ka matutulog? Wala tayong alarm clock." sagot ni Lucio.

Inilabas ni John mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang isang maliit na digital watch at napatango na lang ang mga kasama niya.

Lumabas na ang mga lalaki ng CR at dumiretso sa hallway at habang naglalakad ay biglang namatay ang ilaw. Ilang estudyante ang napasigaw subalit isang boses ang nangibabaw sa lahat, "Kay Rhea un ah!" sabi ni Pepe.

"Oo nga!" sabi ni Michael.

"May naglalakad na nakabarong!" sigaw ni Rhea habang umiiyak.

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now