Grabe naman ang amang 'yon? Hindi man lang ba nag-alala na baka may gawin kaming masama s'Wa anak niya? Sabagay katiwa-tiwala naman ang mukha ko, hindi katulad ng lalaking ito. Lence daw? Pfftt—ang baduy ng pangalan., smug na saad ni Reymond sa sarili.

Mabuti na lang at nagmadali ako, kung hindi baka naiwan na ang Jennica ko sa Reymond na 'to., smug ring pahayag ni Lence sa sarili.

Hindi na sila nag-imikan at pareho rin nilang tinitingnan ang dalaga. Napansin nilang basa ang pisngi nito dahil sa luha and the result is... pareho at sabay rin nilang pinunasan ang pisngi ng dalaga.

"Epal," naiiritang saad ni Reymond.

"Ka," ganti naman ni Lence.

"Sino ka ba talaga?"

"Lence Velmonte. Kababata ni Jennica sa loob ng 9 na taon. At ikaw, sino ka naman?"

"Reymond Dela Fuerte. Kaklase ni Jennica for 2 hours."

Muntik nang malaglag ang panga ni Lence sa sinabi ng maangas na si Reymond, "'Yon naman pala, e. Kung maka-asta ka parang ang tagal niyo ng magkakilala. Tss. Tabi nga kasi! 'Wag haharang-harang!"

"E, ano ngayon kung mas matagal kayong magkakilala? Gusto ko siya kaya concern ako sa kanya."

Natigilan si Lence. "G-gusto mo siya?"

Napakunot-noo naman si Reymond sa tanong ni Lence, "Bingi ka ba? O sadyang bingi ka lang talaga?"

"Nang-aasar ka ba?"

"Bakit? Naasar ka na?" naka-smirk na saad ni Reymond.

"Tsk. Sagutin mo na lang kasi, gusto mo ba talaga siya?"

"Oo nga. Bingi nito." nakapoker-face na saad ni Reymond. Ano bang problema ng maangas na 'to? Malamang magugustuhan ko si Jennica dahil kambal siya ng babaeng mahal ko. That's quiet logical.

Kainis! May karibal na ako., nakaface-palm na saad naman ni Lence. Hindi kasi siya sanay na may ibang lalaki ang Jennica niya bukod sa kanya at sa daddy nito. Sa STOHS kasi noong bago pa lumipat ang dalaga ay bantay-sarado niya ito. Lahat nang nagpapakita ng motibo rito ay inuunahan na niya bago pa man makaporma.

Sa STOHS kasi ay siya ang biggest bully, wala ni sino man ang gustong bumangga sa kanya kundi malalagot talaga. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, hindi niya balwarte ang Woodsen kaya hindi niya alam kung mapo-protektahan pa niya si Jennica mula sa mga magtatangkang manligaw dito. Lalong-lalo na sa lalaking kaharap niya. Porke't nakasuot lang ng pangmayamang uniporme ng Woodsen akala mo kung sino na. Upakan ko ito, e., napabuntong-hininga nalang siya at sinabing, "Gusto mo lang siya, pero ako m-mahal ko siya."

Napangiti na lang si Reymond sa narinig, iniisip niya na maswerte ang dalaga kay Lence. Bilang lalaki kasi ay ramdam niya ang sinseridad nito. But I have a mission. Sorry, dude. Isasantabi ko muna 'yang love story niyo. Kailangan ko pa kasing iligtas ang babaeng ito., tiningnan niya sa mata si Lence at saka nagsalita, "Then may the best guy win." Sabay abot niya sa kanyang kanang kamay.

Nagulat ang binatang si Lence sa tinuran ng kausap. Tiningnan niya lang ang kamay nito pero hindi rin nagtagal ay tinanggap niya ito at sumagot, "Yes. May the best guy win."

Maya-maya ay dumating na nga ang nanay ni Lence na si manang Beth. Halatang nag-aalala sa sinapit ng kanyang alagang si Jennica. "Hesusmaryosep! Naunsa man intawn ning si Mam Jen. Ginoo tawn tabang!"

Wala mang gaanong naiintindihan si Reymond pero hindi niya mapigilang ngumiti. Naaalala niya kasi ang kanyang bisayang yaya noong bata pa siya na si ate Ana sa katauhan ni manang Beth. 

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now