chapter 19

4 0 0
                                    

Zhake pov

Pagkasabi ko nun para akong matatawa pero napakaseryoso ng muka nya.

"Ah oo nga naman,bakit mo naman sasabihin sa akin iyon?"

Sabay talikod at umalis na,ayoko lang naman kasing isipn nila na sasama ako sa kanya eh.

Nagtatawanan pa sila tom,nagpaalam ako sa kanila na mag-ccr lang ako,pero ang totoo sinundan ko sya.

Pauwi na yata sya,malapit lang pala ang bahay nya sa school dahil nilalakad lang eh.

Maliit lang ang bahay nila pero cute naman,tapos may lake sa gilid at madaming halaman na magaganda,may chapel pa sa di kalayuan.

Kaya naman pala ganyan sya,relihiyosa pala.

Lumapit ako sa bahay at saka kumatok sa pinto.

Agad din namang bumukas at muka nya agad ang nabungaran ko,hindi ko pa nabubuka ang bibig ko ay bigla nalang niyang isinara ang pinto ng pabalibag.

Aba't ang babaeng ito!

Kumatok ulit ako,hindi ko tinigilan.

"Hoy!buksan mo pinto sorry na!hindi ko sadya yung kanina."

Bumukas muli ang pinto, pero iba na ang nagbukas,papa nya ata ito.

"Ayaw kang makita ng anak ko kaya makakaalis ka na."

"P-pero po baka pwede nyo po syang palabasin,kakausapin ko lang sya." Hell! Magpapraktice kaya kami.

"Ayaw nga nya sa--"

"Pa sige na po okay na,kakausapin ko na sya."

Napatingin sa akin ang papa nya."sigurado ka anak?"

Hindi ba ako mukang katiwa-tiwala? Arrgh! Ano ba tong drama na to? Kala mo naman para kaming magkasintahan na nagkaroon ng LQ at ayaw ipakiusap ng ama! Arrgg! No way!

Sinara na nya ang pinto at lumakad papunta sa tabi ng lake, "Ano ba,magpapraktice ba tayo?"

"Hindi ba't sabi mo na wala kang sinabing magpapraktice tayo,bakit nandito ka?at saka paano mong nalaman ang bahay ko?"

Haisst ang daming tanong ng babaeng to.

"Okay sorry na ha,niloko lang kita kanina nagwalk out ka naman,bilisan mo na nga ang dami mo pang tanong."

Umupo sya sa damuhan.

"Mahal mo ba ko? Sabihin mo sa akin minahal mo ba ako?"

Ha?! Wtf! ANONG SINASABI NYA?!!

"A-anong sinasabi mo dyan?"

"Why are you stammering?at saka alam ko hindi yan ang line na sasabihin mo ha?"

Ha?!ibig sabi--hin?

"Diba ang sabi mo magstart na tayo?"

Bigla akong napaupo,"huh!! Akala ko nainlove ka na sa akin,kinilabutan tuloy ako! Hahaha!!"

Tinignan nya ako ng masama.

"Gaano ba kakapal yang muka mo?"

Tsss babaeng to,ayoko nalang patulan dahil nandito kami sa kanila,kung wala lang baka kung ano na ginawa ko dito.

Sinimulan na namin ang pag-arte,medyo sanay na nga rin yata ako,naiisip ko lang na magiging artista ako at aarte sa harap ng camera kinikilabutan ako,artistahin lang ako pero hindi mangyayari yun.

Kaya last ko na ito!

Merong ibang scene na hindi na namin ginawa,yung mga importante lang.at ang alam ko kakanta sya sa dulo pero hindi na nya ginawa at baka antukin lang din ako.

Nang natapos na kami,napansin kong tumahimik sya,sabagay tahimik naman talaga sya,pero may iba sa kanya.

Humiga sya sa damuhan at tumingin sa bituin,ginaya ko ang pwesto nya,wala lang trip ko lang.

Tumingin ako sa kanya "Ano tinitingnan mo sa taas?"

"Hindi mo ba nakikita,ang daming bituin diba? Ang sabi ni papa gagaan ang pakiramdam mo kapag tumingin ka sa kanila,"

Ginaya ko ang sinabi nya,tinignan ko ang mga bituin napangiti ako.

Bakit ko ba kinakausap ngayin ang babae na ito?diba ang pagkakaalam ko inis na inis ako dito?.

Ang ganda nga ng langit ngayon,punong-puno ng bituin,tama nga nakakagaan ng feeling,at parang medyo nakakalessen ng mga problema,kailan ba ako huling tumingin sa langit?parang nakalimutan ko nang tumingin dito simula noon.

Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa di kalayuan sa akin at nagulat ako sa nakita ko..

To Be With YouWhere stories live. Discover now