chapter 4

4 2 0
                                    

Maaga din kaming dinismissed sa aming klase

"Jaivee gusto mo kanin muna tayo sa labas?wag kang mag-alala treat kita."

"Naku,nakakahiya naman gail" nag-aalinlangan kong sagot sa kanya.

"Ano ka ba,masaya lang ako na nagkaroon ako ng tunay na kaibigan,yung hindi plastic.yung hindi puro pagpapaganda lang ang alam.alam mo kasi,dati meron akong mga kaibigan,pero hindi ko sila natagalan dahil puro sila kayabangan at kaartehan sa katawan,kaya kahit alam kong mahirap,kumalas ako sa kanila,alam mo ba,simula noon lagi na rin nila akong pinagtitripan,see?hindi sila tunay na kaibigan,hindi sila naging totoo sa akin,at saka puro sila mayayaman,gusto kong magkaroon ng isang kaibigan na hindi dahil sa pareho kami ng estado sa buhay."

Napangiti ako sa kanya,pinagmasdan ko ang maganda nyang muka at nakikita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad sa sinasabi nya.

"Alam mo gail,napakaswerte ko sayo,kasi ikaw lang ang naglakas loob na makipag-kaibigan sa akin,at hindi mo pinapansin ang sasabihin ng iba,salamat."

Tumawa siya ng malakas

"Alam mo,tama na,nagkakadramahan na tayo.tara na nga at nagugutom na ko."

Hinila na nya ako,at sa paligid nga ay hindi maiwasan sa mga mata ng iba na nakatingin sa amin ang pagiging malapit sa akin ni gail,nagtataka siguro sila kung bakit nakikipag-kaibigan sa akin si gail. Nakakatawa nga eh,hawak-hawak pa nya ang kamay ko.,isa pa may pagkamadal-dal talaga si gail.nagsama ang isang madaldal at tahimik.

"Gusto mo gail,punta ka sa amin ngayon?ipapakilala kita sa papa ko,malapit lang naman dito eh."

"Talaga?! O sige,dun ko nalang papapuntahin ang driver ko,exited na akong makilala ang papa mo at makapunta sa bahay nyo,may pupuntahan na ako kapag nalulungkot ako.hehe"

To Be With YouWhere stories live. Discover now