chapter 2

10 2 0
                                    

Bago pa ako makarating sa harap ng gate ay may bumubusina na sa akin na mga magagarang kotse..

Meron pang isang babae na inilabas ang ulo sa bintana ng kanyang sasakyan at sinigawan ako.

"Are you stupid?! Pwede bang tumabi ka sa kalasada? Nerd!"

Napabuntong hininga nalang ako, dito ba ako papasok? Parang lalo ko lang dinala ang sarili ko sa impyerno.

Pero hindi talaga..nandito na ako at tutuloy talaga ako.

Pagpasok ko ng gate ay parang nalalag ang panga ko dahil sa nakikita ko.

Sa totoo lang ay ngayon pa lang ako nakapasok sa charles university..dahil hindi naman ako dito mismo sa eskwelahan nagenroll.

Masyado akong namamangha ngayon sa nakikita ko,

Isang mahabang kalsada na may mga malalagong dahon ng puno ang nasa gilid nito..at ang dulo nang kalsada ay ang building ng eskwelahan na animo ay mas magara pa sa eskwelahan sa amerika.feeling ko ay napunta ako sa england dahil sa structure ng pagakakagawa ng gusaling ekwelahan.

Hindi ako magtataka kung bakit napakmahal ng tuition,at kung hindi dahil kila uncle ay hindi ako makakapag-aral dito,siguro ako lang ang nag-iisang nag-aaral dito na mahirap.

-----------

Nandito na ako sa loob ng charle's,at hindi ko maipagkakailang lahat ng tao dito ay parang masama ang tingin sà akin.  nagtataka siguro sila kung bakit may nakapasok dito na isang katulad ko na sobrang layo sa mga itsura nila.

May nakikita rin naman akong mga nerd pero mga branded at mamahalin ang mga gamit at suot nila.

Samantalang ako,parang bumangon sa isang libingan at naligaw dito,pero dito kasi sa damit na ito ako kumportable eh.

Nakayuko nalang ako habang naglalakad.

"Yuck! Sino naman yan? At why na naligaw dito yan,parang hindi siya bagay dito."

Alam ko na hindi bulong iyon at kusang ipinarinig sa akin ng isang babae.

Samantalang yung iba ay parang nang'aasar at nanunuya ang mga tingin.

"Yah! Your right.sana bumalik na sya sa bundok na pinanggalingan niya."

Sabi pa ng kasama niyang babae at nagtawanan pa sila.

"Uh! Yaan mo na nga yang nerd na yan, wait! Nandun sila brix at akkkkkk!!! Kasama nila si baby zhake!!wiii tara!!"

Yun nalang ang narinig ko at tuluyan ng nawala sa paningin ko ang dalawang praning na yun.

Hayyy sa pagpasok ko pala dito ay kailangan ko ng magbaon ng maraming pasensya,dahil kung hindi ay baka hindi ako makatagal.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at sa paglalakad ko ay may nadaanan ako na isang grupo ng magbabarkada,apat na lalaki at dalawang babae na nagtatawanan.

Pagtapat ko sa kanila biglang may sumipol at alam kong mga nakatingin sila sa akin.

"Haha! watta dress!!" Sabi ng isang babae at chorus pa silang mga nagtawanan.

To Be With YouWhere stories live. Discover now