chapter 16

2 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa market ay may nakita akong parang kilala ko,sabagay,malapit lang ito sa school kaya hindi malabong mga estudyanteng namumukaan ko ang namimili din dito.

Mas lumapit pa ang taong iyon at nasigurado kong si red nga iyon,medyo malabo narin kasi ang salamin ko kaya mahirap makaaninag na.

"Oh jaivee,ikaw nga! Sabi na nga ba eh,ngayon lang ulit tayo nagkita ah,kamusta ba?"

Medyo hindi na ako na aakward kapag nagkikita kami ni red kaya naman nakakangiti na ako sa kanya.

"Eto,nadedepress ako dahil sa kaibigan mo."

"Sino si terrence? Bakit anong ginawa nya sayo?"

"Hindi si terrence,si zhake.hindi mo ba alam na nasingit yan sa theater club?"

"What?!really?haha! Hindi namin alam yun ah!"

Kinulit nya akong ikwento sa kanya ang nangyari kay zhake.

"Ahh..kaya pala haha lolokohin ko yun kapag nagkita kami,siguradong pagtitripan iyon nila tom!"

"A-ah wag mo sanang sabihin na ako ang nagkwento sayo ha?"

"Oo naman ano ba,alam mo may pagkamadaldal ka rin pala haha"

Napayuko ako,nagiging madaldal na ba  ako?

"Haisst joke lang,nakakatawa ka haha"

Tapos kinurot niya ang pisngi ko!

Niyaya nya akong kumain pero tumanggi ako,gusto ko na kasing umuwi ng maaga para makagawa ako sa bahay.

Pag-uwi ko ng bahay ay nakaramdam ako ng hilo,siguro napagod ako kanina at nag market pa ako.

"Oh anak,bakit nakahawak ka sa ulo mo?may nararamdaman ka ba?"

"Ah pa,nahilo lang ako kasi napagod ako sa practice namin kanina"

"Ganun ba,mabuti pa at magpahinga ka na,ako na rin ang magaayos ng mga pinamili mo."

To Be With YouWhere stories live. Discover now