chapter 13

1 0 0
                                    

Pagkadating namin ni terrence ay sinalubong agad kami ni gail,mga maid lang ang kasama nya,nakahanda na ang lahat sa lamesa.napakatahimik ng bahay nila gail,malaki pero parang walang saya.kahit ang ilang maid ay tahimik lang at napakaseryoso.nasa business trip daw kasi ang parents nya.

Madami kaming nakain,lalo na si terrence,matakaw pala ito,pagkatapos naming kumain ay nag-aya si gail sa may sala ,may nakaready daw doon na inumin,pero dahil sa hindi ako umiinom kahit juice lang daw sa akin.

Sila lang ang umiinom,at dahil nga sa medyo matagal na oras na rin ang inilagi namin kila gail ay napadami na rin ang inom ni gail pero si terrence ay katamtaman lang dahil sa ihahatid pa daw nya ako.

Naging madaldal na nga si gail at kung anu-ano na ang mga sinasabi.

"Alam nyo..wala naman akong hinihiling ngayong bday ko eh..nandyan naman kayo..lahat na sa akin na..a-ang hinihiling ko lang naman.."

Bigla siyang huminto sa pagsasalita,nagulat ako ng biglang tumulo ang luha niya..tingin ko ay nagulat din si terrence dahil naibaba niya ang iinumin niya.

"Ang gusto ko lang naman ,sana batiin nya ako ngayon huk..kahit sa text lang..yun lang sana..huk yun lang ang wish ko,sana."

Hanggang sa nakatulugan na nya ang kakaiyak habang kami ay nakatingin lang sa kanya at hindi nakapagsalita.

Sino kaya ang sinasabi ni gail,kilala kay ni terrence?

"Uhm..terrence kilala mo ba kung sino ang tinutukoy ni gail?"

Umiling siya.?"wala,hindi ko alam kung sino yun,tara hatid na kita gabi na.."

Oo nga pala baka nag-aalala na sa akin si papa.

Inayos muna namin si gail bago kami umalis.

Habang nagdadrive si terrence ay nilingon ko sya

"Terrence,kahit wag mo na ako ihatid sa bahay namin,baka kasi makita ni papa kung ano pa ang isipin nun "

Bigla siyang napangiti"bakit,ano ba ang iisipin ng papa mo?sige sige maglalakad nalang tayo bago makarating sa bahay nyo ha?"
Tumango ako sa kanya.

Pinark niya ang kotse di kalayuan sa bahay,bumaba kami at naglakad,ihahatid lang daw nya ako malapit sa bahay,hinawakan niya ang kamay ko.

"Masarap daw maglakad sa gabi kapag may kaholding hands ka."

Tumawa ako "oo masarap nga pero kapag magnobyo lang kayo"

"Darating din tayo dyan"

Napahinto ako at napatingin sa mata niya.

"A-ah wala,oh nandito na tayo malapit sa bahay nyo,sige goodnight"

Nagulat ako dahil hinalikan nya ako sa noo"bye"

Nakaalis na sya pero parang napako ang paa ko sa lupa,bakit kaya ganun si terrence,dahil siguro nakainom?

Napapailing nalang ako na pumasok sa loob ng bahay.

---------

Nandito kami ni gail sa theater club,ngayon ko lang nakilala ang ibang myembro dito,mababait naman sila pwera lang sa isa na kung makairap sa akin ay parang matatanggalan ng mata,sabi ni gail ay steffi daw ang pangalan nun.

Maganda sya at sexy,pero mukang hindi ko yata gusto ang ugali.

Palagi daw itong nakukuhang bida sa play dahil maamo ang muka,pero kabaliktaran daw talaga ang ugali.

"Ganyan talaga yan,mukang anghel pero impakta yan,saksakan pa ng kalandian,lahat na yata natikman nyan,pero wag ka,napabalitang naging girlfriend ni zhake yan."gail

"H-ha? Sya naging nobya ni zhake?"

"Oo madaming nagsasabi,pero ewan ko kung totoo,ang alam ko kasi sya lang naman ang habol ng habol kay zhake,si zhake pa..hindi naman marunong gumalang sa babae yun,teka speaking of the devil bakit nandito ang lalaking yan?"

Lahat napanganga ng makitang pumapasok siya sa entrance ng pinto,kung pwede lang maghugis heart ang mata ganun na talaga ang mangyayari sa kanila,yung iba parang tutulo ang laway dahil sa mga nakanganga.

To Be With YouWhere stories live. Discover now