chapter 9

3 1 0
                                    


Zhake pov

"Ano,nagawa nyo ba?" Tanong ko kila brix,sinabi ko kasi sa kanila na turuan ng leksyon yung babaeng pakelamera na yun eh.

"Oo haha!kinulong namin sa cr,ewan lang namin kung hanggang anong oras yun dun,it depends if someone knows na may tao sa loob."

Buti nga sa kanya,nerd na nga pakelamera pa!

Hah!

Ano sya,feeling close?

Hindi pa ko tapos sa kanya,dahil may regalo pa akong ibibigay para sa kanya.

Mukang magiging masaya to!

Gusto ko pa syang mapahiya sa maraming tao,para malaman nya talaga kung sino ako!

"Tara labas tayo,gusto kong magpahangin,masaya pa naman ang araw ko ngayon.hayy ang sarap mabuhay!!"

Jaivee pov

Medyo okay na ako dahil pinainom ako ni gail ng tubig.

Sino kaya ang gumawa sa akin ng ganun?may hinala ako pero ayaw ko namang mambintang.

Sana hwag na nilang ulitin iyon,lalo na sa iba.

"Sana kung sino ang gumawa nun sayo,karmahin sana sila!naiinis talaga ako!"

Si gail talaga,kanina pa ganyan simula ng lumabas kami sa cr,parang papatay ng tao.

"Pag malaman ko lang kung sino,makakatikim talaga sila sa akin."

Eto pa isa,ang mga kaibigan ko talaga,magpinsan nga talaga sila.

"Sandali lang,bibili pa ako ng tubig,konti lang kasi ang nainom mo."

"Si pinsan talaga,lakas tama."

Binato siya ni terrence ng maliit na bato.

Ano ba talaga problema ng dalawang ito?

Nang makaalis si terrence ay hinila ako ni gail sa ilalim ng puno at umupo.

"Alam mo akala namin kung ano na ang nangyari sayo,nag-alala talaga ako."

Niyakap nya ako ng mahigpit,masarap sa pakiramdam na may ibang tao ng nag-aalala sayo.at sobrang swerte ko sa kanya.sa kanila ni terrence.

Biglang may pumalakpak na ikinagulat namin ni gail.

Tsss nandito nanaman sila.

"Oww,,ang sweet naman..magbff na pala kayo?" si eunice.

To Be With YouWhere stories live. Discover now