chapter 10

3 1 0
                                    

Nahihiya ako sa nangyari,hindi sana nasaktan si terrence ng dahil sa akin,at hindi sana sila magkaaway ngayon kung hindi dahil sa akin.

"Terrence,sorry..kung hindi dahil sa akin,hindi sana kayo nag-away ni zhake."

bigla akong hinarap ni gail na nakasimangot ang muka.

"Ano ka ba naman,alam mo wala ka namang kasalanan eh,kaya hindi ka dapat humingi ng sorry,alam mo kung sino ang dapat humingi ng sorry sayo?yung hambog at abnoy na zhake na yun dahil sa kahihiyang ginawa nya sayo!"

nagulat ako ng biglang hinawakan ni terrence ang muka ko."hindi naman kami mag-aaway kung hindi nya ginawa iyon sayo eh.tandaan mo,hindi na nya ulit magagawa iyon. "

"Tama na! Tama na! Kinikilig na ako!"

Biglang binatukan ni terrence si gail

"Ginagawa ko lang iyon dahil kaibigan ko si jaivee,kahit naman sayo mangyari yun ganun din ang gagawin ko."

"Hahaha.weh hindi nga?bakit yung ginawa nila sa akin noon? wala ka namang ginawa.tse!"

"Basta,tumahimik ka na nga."

Oo nga naman,kung anu-ano ang naiisip ni gail,ginagawa lang naman ito ni terrence dahil tinuturing nya akong kaibigan,at wala ng ibang kahulugan iyon.

Nang mag'uwian ay nagpaalam agad sa akin si gail.
Si terrence naman hindi ko alam dahil nasa ibang building naman siya.

Nadatnan ko sa bahay sila ancle derik at auntie dooreen.

"Oh!nandito na pala si jaivee eh,anak binisita ka nila auntie mo"

Dali-dali akong lumapit sa kanila,at sinalubong agad ako ng yakap ni auntie dooreen.

"Kamusta ka na iha,ang pag-aaral mo sa charles kamusta na?"

Gustung'gusto nya talaga ako at saka hindi rin sila biniyayaan ng anak kaya naman napakalapit nila sa akin.

"Mabuti naman po,buti at nabisita po kayo.."

"Heto,kasing auntie mo,gusto daw niyang mabisita ang maganda niyang scholar,at saka para mabisita narin namin ang papa mo."

Nagtagal din sila sa amin hanggang gabi,nagluto kami ni auntie dooreen habang sila papa naman ay nasa labas at nagkukuwentuhan,.

Nawaglit sandali sa isipan ko ang nangyari kanina sa school dahil nalilibang ako sa mga kwento sa akin ni auntie dooreen.

Ng mga bandang 10:00 pm ay umuwi na rin sila uncle  at auntie,si papa naman ay natulog na.

Dahil hindi pa ako makatulog ay tumambay muna ako sa tabi ng lake habang nakatingin sa bituin,

Kapag ganitong nag-iisa ako doon ko naaalala ang mga pangit na nangyari sa akin,kagaya kanina.

Hindi ko alam kung anong muka ang ihaharap ko sa school at alam ko na kalat na kalat na yun,

Hindi ko rin alam kung sa paanong paraan ang gagawin ko para maiwasan ko sila zhake...

Makakaya ko pa kayang pumasok sa eskwelahan na yun? Naguguluhan talaga ako.

Naglalakad ako ngayon sa school papasok,naalala ko nanaman ang muntik nyang paggbangga sa akin dito kahapon..tss bakit ko ba naiiisip ang hambog na yun.

Dumrecho muna ako sa locker dahil nandun ang ibang gamit ko.

Pagpunta ko sa locker,nandun si zhake,nagkatinginan kami,well sa akin tingin,sa kanya parang papatay na tingin.

Sa pagkalaki ba naman ng school na ito kailangan magkalapit pa kami ng locker!

Buo na sa isip ko iiwasan ko sya at ang mga barkada nya pero parang lalo pang pinagtatagpo ang landas namin.

Binawi rin nya ang masamang tingin sa akin at padabog na isinara ang locker nya at biglang umalis.

Grabe kapag nakikita ko sya feeling ko nalalapit ako sa kamatayan ko sa sobrang nerbiyos.

Pagpasok ko sa school nakasmile na sa akin si gail.

"Hi,goodmorning gail"

Bigla naman siyang sumimangot ,bakit kaya?

"Goodmorning lang ba ang sasabihin mo? wala ng iba?"

"Ha?ano pa ba,may dapat ba akong sabihin?"

"Waahh! Hindi mo alam?"

Bigla namang pumasok si terrence,at aba,nagpakulay ng buhok na parang brown gold,parang ganun,kaya nagtilian ang mga classmate kong babae dahil lalo syang gumwapo.

"Hehe,OA nila noh?nagpakulay lang naman ako ng buhok."

"Loko,natural lalo ka daw gumwapo.tss..papansin ka,"

"Oh gail nandyan ka pala,happy bday,next time nalang ang gift."

Ha?!! Bday ni gail ngayon?

Kaya ba....

Argh! Ang tanga ko!!

To Be With YouWhere stories live. Discover now