CHAPTER 1

29 3 0
                                    

Kringgggg!!!!!!!!!!!

Bigla akong napatayo ng marinig ko ang alarm clock ko,nakakatulig pero kahit kailan hindi ko gagawing palitan yan.

Araw nga pala ngayonng pasukan,oo papasok ako ngayon bilang isang 2nd year college,inilipat ako ng papa ko sa bagong universidad.noong nakaraang pinapasukan ko isang ordinaryo at maliit na kolehiyo lamang,kumukuha ako ng fine arts,major in drafting,nagtataka siguro kayo kung bakit ako nalipat sa isang unibersidad? Hindi lamang sya bastang universidad,kundi nag-iisang pinakamalaki,pinakakilala at pinakasosyal na atang universidad sa bansa,ito ang charles university.Kaya ako nalipat dito ay dahil may bestfriend ang papa ko na biglang yumaman,at dahil sobrang close nila, kahit ako ay tinuturing na nilang anak,sila si uncle derik at auntie dooreen,kaya bale scholar nila ako sa bagong universidad na papasukan ko,isa nga palang pastor si papa,katabi lang namin ang church na nagsisilbing pangalawang tahanan na rin namin ni papa,dalawa nalang kaming magkasama ni papa sa buhay,dahil noong 12 years old ako,pumanaw si mama sa sakit na leukimia,matagal rin kaming hindi nakamove on ni papa noon,pero sabi nga life must go on,siguro nga medyo nasanay na kami ni papa na wala si mama,pero kahit kailan hindi namin siya kakalimutan.
Si papa bilang isang pastor,marami ang nakakakilala sa kanya,dahil pag may kailangang ikasal,binyagan at namatayan nandun siya,hindi ko alam pero mukang paborito sya ng mga tao,dahil siguro mabait talaga si papa,sa loob ng pitong taon na wala si mama nakayanan naman namin ni papa,although medyo istrikto si papa pagdating sa akin dahil ako lang ang nag-iisang anak nya,19 ako ngayon at sa susunod ay 20 na ako ,kumakanta dn ako sa church namin,wala akong kaibigan dahil siguro iniiwasan nila ako,ang tingin kasi nila sa akin ay isang geek,nerd,at manang manamit,dahil na rin siguro sa kinagisnan kong buhay kasama ang papa kong pastor, minsan,ay hindi pala minsan,kung hindi palagi ay nakakarinig ako ng mga hindi magagandang bagay tungkol sa akin,pero ang ginagawa ko imbis na patulan ay ipinagdadasal ko nalang sila.
Tahimik lang ako,simple at walang pakialam sa itsura ko,sabi nga ng iba,masyado akong old fashion,totoo naman. Wala pa akong naging boyfriend,dahil sa ganito nga ako.walang lalaking nagkakainteres sa akin dahil muka daw akong boring. Normal din naman ako,dahil minsan nangangarap din ako na sana,may isang lalaking mamahalin ako at tatanggapin kung ano man ako.pero pangarap lang naman,dahil pag-aaral ang inuuna ko sa lahat,at isa pa ayaw din ni papa,pero minsan naaawa rin sa akin si papa,dahil hindi ako nakakapamuhay na parang normal na isang teen ager,katulad ng ibang mga kabataan.puro bahay,school at church lang kasi ako,maliban doon wala na akong ibang napupuntahan dahik wala naman akong mga kaibigan.

Nagdasal muna ako at nagpasalamat sa araw na ito na ibinigay nya sa akin,dahil ginigising nya parin ako tuwing umaga,at binigyan ng pagkakataon na makapasok sa isang kilalang university.
Tumuloy na ako sa c.r at naligo,sinuot ang damit na isang taon pa yatang nabili,wala kasing uniform sa papasukan ko ,isang blouse na medyo maluwag pa ata ang manggas at lagpas tuhod na palda ang suot ko,kulay cream ang kulay pero para sa akin napaka kumportable ng suot ko ayokong magsuot na sa paningin ko ay masyadong mahahalay at masyadong fit sa katawan,,sinuklay ko ang lagpas balikat na buhok at hinawi ng konti ang bangs,pagkatapos ay isinuot ang pinakamamahal na salamin dahil may pag kamalabo na rin ang mga mata ko.

Inabutan ko sa kusina si papa at nakaready na ang breakfast,napakaswerte ko talaga dahil sobrang maalaga ang papa ko.

"Good morning po papa,nakaluto na po pala kayo,maaga po yata kayo,may lakad ka po ba?"

Ngumiti sya sa akin

"Good morning din anak,oo at may meeting kami ng mga myembro sa church,halika na at kumain"

Umupo na ako at naglead naman si papa ng prayer..

"O ano anak,kinakabahan ka ba ngayon sa pagpasok mo sa charles?"

Ilang akong ngumiti sa kanya.

"0po papa,dahil ngayon lang ako makakasalamuha ng mga taong alam kong masmataas sa akin."

Pinat nya ang ulo ko,"alam mo jaivee,hwag kang kabahan,basta't lagi mong kasama ang panginoon,hindi ka nya pababayaan."
Napangiti ako sa kanya.

Ako nga pala si jaivee Montanes.tunog panlalaki diba? Sinunod kasi ito sa pangalan ng papa ko na jaicob at ang mama ko naman na veenice,at saka inasume din nila noon na ang magiging anak nila ay lalaki,at nung babae nga ang lumabas itinuloy pa rin nila ang pangalang jaivee.
Gusto ko ang pangalan ko dahil sa unique ito para sa katulad kong babae,atleast konti lang ang kapangalan ko na babae.

About sa tinatanong ni papa kung kinakabahan ako..
Oo sobrang kinakabahan at natatakot ako.dahil siguro alam ko na ang mga ugali ng mga estudyante doon,nung nagenroll kasi ako,nakita ko na ang mga ugali ng karamihan,isa lang ang masasabi ko,mga spoiled brat.

At mapangmataas talaga ang ilan,hindi din ako nakaligtas sa mga mata nila.lagi ko nalang tatandaan ang mga payo sa akin ni papa.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako dahil mamaya pa siya aalis.

"Pa alis na ako,sana nga po ay maging maganda ang unang araw ko,"

Humalik ako sa pisngi niya.

"sige anak mag-iingat ka."

--

Pwede kong lakarin ang eskwelahan dahil sa tingin ko ay mula dito sa amin hanggang doon ay aabutin lamang ng 30 minutes.at isa pa mas masarap maglakad dahil malamig lalo na tuwing umaga.madami pa akong madadaanan na mga puno at mga halaman sa gilid ng daan.dito kasi sa lugar namin,tulong-tulong ang mga tao sa pagpapaganda nitong barangay namin.

Sa kabila ng sarap ng simoy ng hangin na nararamdaman ko ay kinakabahan talaga ako.dahil hindi ko alam kung sino ang magiging kaklase ko,magiging mabait ba sila sa akin?

O katulad din sila na iba na mababa ang turing sa akin.

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad dahil parang gusto kong umurong.

Pero hindi! Hindi dapat akong matakot dahil alam kong kaya ko ito.

Mula dito sa nilalakaran ko ay natatanaw ko na ang charles university,

Lalong lumakas ang kabog ng dib-dib ko.


To Be With YouWhere stories live. Discover now