chapter 7

2 1 0
                                    

Pagdating ko sa locker ay nakita ko si terrence na may kinukuha sa locker nya na mga gamit nya.

Bigla siyang napalingon sa akin,nginitian nya ako at kumaway sa akin,nginitian ko din sya.

Kinuha ko ang libro sa loob ng locker ko at pagkatalikod ko ay nagulat ako dahil biglang nasa likuran ko na si terrence.nagulat pa nga ako.

"O-oh terrence,may kailangan ka?"

"Wala naman,uhm.balita ko nakapasok kayo ni gail sa theater club.congrats pala."

"Salamat.wala na kaming klase eh,pauwi narin ako."

Tumingin siya sa wrist wartch nya.

"Maaga pa naman ah,tara samahan mo muna ako,ipapasyal kita dito sa campus,balita ko transferee ka,tamang-tama wala na akong klase.pwede ba?"

"Talaga?ililibot mo ko?tara hindi ko pa nga nalilibot itong school masyado eh"

Nilibot namin ang campus,namangha talaga ako kasi hindi ko akalain na ganito pala talaga kalaki ang charle's.

Pero naiilang ako sa tingin ng mga tao sa amin,parang pumapangit tuloy ang image ni terrence dahil sa akin.

"Ba't nya kasama yan?sino ba yan,and look what her dress,chimay ba yan ni terrence?" Hindi nakaligtas sa pandinig ko iyon,at alam komg kahit si terrencr ay nadinig ito.halata naman kasing pinaparinig talaga sa akin.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko,ngayon palang kasi na may lalaking humawak sa kamay ko maliban kay papa.

Hinigpitan pa nya lalo ang paghawak sa kamay ko.

"Hwag mo na silang pansinin,isipin mo nalang ikaw lang ang taong nag-eexist maliban sa ibang bagay."

Tumango lang ako sa sinabi nya.

Oo dapat nga ganun ang gawin ko,pero mahirap.tao lang ako at talagang naaapektuhan ako.

Pumunta kami sa likuran ng charles.walang masyadong tao dito pero napakaganda.

Madaming puno at mga halaman,ang ganda ng lugar.

Umupo kami sa ilalim ng puno.

"Palagi ka bang nandito? Ang ganda dito,parang ang sarap tambayan."

"Oo lagi akong nandito,minsan pinipinta ko ang lahat ng nakikita ko dito,isa pa tahimik kasi dito,walang istorbo.nagustuhan mo ba dito?"

To Be With YouWhere stories live. Discover now