Chapter 8

6 1 0
                                    

Habang naglalakad ako ay pangit na eksena naman ang nakita ko.

Si zhake na habang naglalakad ay may nakasalubong syang dalawang babae na may hawak na ice cream,na hindi sinasadyang natapilok ang isang babae at naglanding ang icecream nito sa kanyang sapatos,kung tutuusin kaunti lang naman ang naging mantsa nito sa sapatos nya.

Hingi ng hingi ng sorry ang babae,pero imbis na patawarin ito at kinuha nya ang icecream ng kasama nito at inilagay sa muka ng natalisod na babae.

Sa pagkapahiya ng babae tumakbo ito habang umiiyak na agad namang sinundan ng kasama nya.nabunggo pa nga nila ako eh.

Sobra talaga sya,saang impyerno ba galing ito?

"Bakit mo yun ginawa sa kanya?nagsorry naman sya ah."

Minsan talaga hindi ko mapigilan ang pagiging pakialamera ko,pero hindi ko kasi matiis ang nangyayari eh.isa siyang walang kwentang nilalang.

Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Pakelam mo ba? Lakas ng loob mong kausapin ako ah,lumayas ka nga sa harap ko."

Bigla nya akong tinulak,buti nalang nalang nakapagbalance ako kung hindi ay mapapaupo ako sa semento,tuloy-tuloy lang syang umalis na para bang walang nangyari,

Lalaking yun,ibang-iba sila ng ugali ni terrence,

Ugaling demonyo.nakakasuka.

Inayos ko ang salamin ko dahil medyo tumabingi.

Umuwi na ako sa bahay,ang daming nangyari ngayong araw na ito, una nakapasok kami ni gail sa theater.

Pangalawa nagkasama kami ng matagal ni terrence.

Ayos na sana ang araw ko kung hindi lang umeksena ang walanghiyang lalaking yun.

Bukas kaya?

Sa susunod na araw?

Ano pa bang mangyayari sa akin sa eskwelahan na iyon?

------------

Maaga akong gumising ngayon,ako naman ang magluluto ng almusal sa amin ni papa.

May nakita akong egg at daing at saka ako nagsangag ng kanin.

Maya-maya lang ay lumabas na si papa.

"Good morning pa,"

"Good morning anak,maaga ka yatang nagising?"

Inilagay ko ang sinangag sa plato nya.

"Wala naman po,gusto lang kitang ipagluto kasi madalas ikaw ang nagluluto ng almusal,kaya ngayon ako naman."

"Hmmm.sus ang anak ko naglalambing,kamusta ang pag-aaral?"

Sumubo ako ng kanin,napatingin ako sa kanya,dapat pala ikwento ko kay papa na sumali ako sa theater.

"Sumali nga pala kami ni gail sa theater pa,at napasok kami."

To Be With YouWhere stories live. Discover now