"Yowwwwn! Wala ka pala Shin eh! Hahahaha!" Aba, nagapir pa tong si Jelo at Lanz?
"Pakihinaan mo nga yang boses mo. Nakalunok ka ba ng mic?" - Shin
Yung magkapatid naman ang tumawa. Kaibigan ko ba talaga sila? Huhu T^T
"Sige nga, ano bang kaya mong gawin ha? Hanggang dakdak ka lang naman yata e." - Shin
"Sayang talaga yung mukha mo Mr. Shin Guzman. Teka, teka. Naamoy nyo ba yon?" Inamoy ko sya bigla.."Ay, Shin, ikaw lang pala yon. Yung ugali mo kasi.. BULOK."
Tawanan silang apat. Syempre except kay Shin. Mejo mukhang irritated na sya. Bigla nyang sinuklay yung buhok nya gamit yung kamay nya. Naimagine nyo ba? Pero sh*t. Ang gwapo! Yung panga ko, kailangan ng mas matibay na support! Ang swabe. Hooo!
Tapos bigla nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Magkatapat lang kasi kami sa circle. Napaatras ako. Bigla na lang syang nagsmirk.
"Eh bakit ka namumula ha?" nakakaloko yung ngiti nya. Pero gusto ko pa ding hagisan ng paso yung perpekto nyang mukha.
"Namumula ka jan!! Mainit kasi! Shunga!!"
"Mainit? Todo po ang aircon dito sa loob, Miss Eunice Marie Elle Marquez."
"Stalker ba kita? Bakit alam mo buong pangalan ko? But sorry Shin, hindi kita papatulan."
"I'd rather date a dog than date you. Retard. And for your information, ikaw nga 'tong kaninang sinabi lang na sayang yung mukha ko. So that means nagagwapuhan ka sakin no? I know Elle, you're just like them. Don't deny it anymore. My handsomeness is too obvious, any girls would drool."
Oh Em!!!!! Ang yabang! Bakit ba kasi Lord sya pa ang biniyayaan nyo ng ganyang mukha eh? Narcissist masyado!! Ewww.
"Woaw, woaw. Kailangan na yata natin umalis dito guys. The space is not enought for his ego. Try mo ipa-spa yang mukha mo, baka sakaling numipis!! And I'm not like other girls na nagkakandarapa sayo. Tanga na lang ang iibig sayo. Walang papatol sayo no!!!"
Bigla syang nagstiffened. Tapos tumingin sa ibang direction. Below the belt na yata yung nasabi ko.. Oooops. >.< Naalala ko tuloy yung kwinento sakin ni Jelo tungkol sa childhood nya. Siguro hurt pa din sya tungkol don.
"Uhh... A-ano... Shin..."
*kriiiiiiiiiiing*
Kasabay ng pagbell ang pagalis ni Shin. OA naman nya. Parang yun lang, galit agad? Magsosorry ba ko o hindi? Ugh. Napakaarte naman kasi ng lalaking yon eh!
"I think you should follow him Elle." - Lanz.
"Pero may next subject pa. Mamaya na lang siguro." Pwede naman siguro ipagpaliban ang pagsosorry no? Hello!! Di ko isasacrifice ang Trigonometry para sknya no!! Hell to the no!!
"No Elle. Sensitive si Shin pagdating sa mga ganyang topic. Minsan lang yan magskip ng klase cause he's the first honor." - Jelo.
"Yup. And I think below the belt na yung nasabi mo." So alam din ni Allison? Ay. Duh! Ano pa nga bang aasahan ko. Alam yata ng magkapatid na 'to ang lahat ng balita sa school e. Tsk.
"Oo na. Heto na po o."
Hinanap hanap ko sya sa school. Kaya heto, nagkandaligaw ligaw ako. Nung nakarating ako sa may garden ng school, may nakita akong lalaki sa likod ng isang puno. Nakahiga tapos parang natutulog.
"Ano... Shin? Ikaw ba yan?" Sumilip ako sa may puno. Si Shin nga! So tambayan nya 'to? Pero in fairness, ang ganda ng view dito. Walang tao dahil nga may klase. Kami lang naman tong nagsiskip e. May pond dito sa garden. Astig no?
Minulat nya yung mata nya, tapos napatingin sakin. "Ha?"
Wag mong sabihing nagkaamnesia sya? Para naman 'tong tanga!
"Anong 'ha? A-aanno.... Gu-gus...to... ko lang sabihin... na... ano..."
"Ano bang sinasabi mo Miss?" Tumayo na sya tapos pinagpagan yung pants nya.
Iuntog ko 'to eh! Nagalit lang, hindi na makakilala! Super na sa kaOA-an to ha. Anong drama nya?
"Ano... Sorry!! Sorry sa nasabi ko!! Feeling ko nasaktan ka sa nasabi ko. Pero... hindi ko naman sinasadya yon e!! Ikaw naman kaya nauna!! Pero sige na nga. Sorry na!! Bati na tayo!!"
Whew. Nasabi ko din. Hindi yata madaling magsorry sa ungas na to no! Pero nung tinignan ko yung mukha nya, mukha syang confused pero natatawa sya. Tapos unti unting lumapit sya sakin. Nakatingin lang sa mukha ko habang nakangit. Yung mapangakit na ngiti. Teka, lasing ba to?!!!?
"Haha. Ang cute mo naman. Tamang tama.. gutom na ko. Pwede ba kitang tikman?"
WHAAAAAAAAAAAAAT?!!!??!!! Kuyaaaaaaa, help!!!! Dapat talaga hindi na ko nagsorry eh!!!!!! Ano bang nangyayari kay Shin!!!!!!!!! Sya ba talaga 'to?!!!?!!? Sabi na nga ba may pagnanasa to sakin eh!!!!! Pero teka, hindi dapat yon ang iniisp ko!!!!!! Mawawala ang V ko, oh noezzzzz!!!!! Bata pa ko!!!!
"A-a-anong sinasabi mo?" Napalunok ako habang paatras.
"Sabi ko.. pwede ba kitang tikman? Ayaw mo ba non. Wala naman tao wo." Palapit pa din sya ng palapit. Ako, paatras ng paatras.
Nakita ko sa gilid ng mata ko, may nakita kong papadating.
"Lawrence! Anong ginagawa mo sknya?" Sigaw nung lalaki.
Pagtingin ko, si Shin. Ha? O____O Eh diba si Shin tong kausap ko? Wait! Bakit nakakakita ako ng dalawang Shin?! Naghahallucinate na ba ko o masyado ko lang talaga syang pinagiiisip? Panaginip lang siguro to!! Pero hindi eh! Ramdam na ramdam ko yung hangin na umiihip.
Tinawag nyang Lawrence tong lalaking kaharap ko. So hindi talaga to si Shin?!
Papalapit na samin ang tunay na Shin.
"Haha. Bored na kasi ako. Sarap pagtripan nitong cute na babaeng 'to. Hindi naman siguro masama kung...."
Hanggang...
Unti unti....
Di ko na mapigilan.....
Ang pagkahulog ko sa pond!!!!!!!!!!!!!!
"Waaaaaaaaaaaaaaaa! Hin......" kumakampay ako para hindi tuluyang lumubog sa tubig. "di ako.... marunong... *gasp* ...... lumangoy!!!!!!!!!!!"
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #7.1 (Double Trouble!)
Start from the beginning
