"Oh, anong balak mo ngayon? Lalaki ang tiyan mo, Eunice. Lalaki rin ang bata. Anong sasabihin mo sa parents mo?" tanong ni Bree.

Kanina pa may pumapasok na ideya sa utak ko pero hindi ko alam kung tama ba iyon o kung kaya ko ba iyon. Sa ngayon, iyon na lang muna ang sasabihin ko sa kanila.

"Balak kong umalis at tumira sa ibang bansa. Siguro sasabihin ko na roon na ako magtatrabaho. Tapos doon ko palalakihin ang anak ko. Tapos siguro kapag nakita kong masaya na si Niel at wala na siyang gusto sa akin, saka ko sasabihin sa kanya at sa parents ko."

"Alam mo naman sigurong magagalit ang parents mo sa oras na malaman nila ang tungkol sa anak mo, 'di ba?"

Tumango ako.

"Alam ko. Pero umaasa ako na maiintindihan nila." Sana nga maintindihan nila ang gagawin ko. Tumingin ako sa kanila. "Kaya girls, pwede bang itago na lang muna natin ang tungkol dito?"

Tumango si Bree. Bumaling naman ako kay Saff. She rolled her eyes.

"Alam mong ayoko sa ideya mo, Eunice. Mas gusto ko pa rin kung sasabihin mo kay Niel na anak niya iyan dahil may karapatan siya. Pero sige, susubukan kong huwag sabihin. Pero kilala mo ako, Eunice. Sa oras na makita kong nahihirapan ka, sasabihin ko talaga sa kanya. Siya dapat ang nag-aalaga sa'yo," pagbabanta niya. "Naku talaga! Kapag nakita ko ang Niel na iyan, sasapakin ko talaga siya!"

Kinabahan ako sa sinabi ni Saff. Alam kong tototohanin niya ang sinabi niya. Tahimik lang si Saff kapag siya ang nasasaktan pero kapag nakita niyang nasasaktan na ang mga mahal niya sa buhay, hindi siya mananahimik lang sa isang tabi. Palaban si Saff. Kaya alam kong kaya niyang sabihin kay Niel ang tungkol sa kalagayan ko kapag nakita niyang nahihirapan na ako.

But I'll trust her words. Siguro kailangan ko na lang munang maging maingat para hindi na siya magkaroon ng rason para sabihin kay Niel ang nalalaman niya.

Pag-uwi namin sa bahay ay nagbilin sila na ingatan ko ang sarili ko. Sa araw ng day-off ko ay sasamahan nila ako sa OB para magpa-check-up at para na rin malaman kung ilang araw na ba akong buntis. Ayaw nga sana nilang magtrabaho pa ako pero ang sabi ko ay kailangan ko iyon para sa anak ko. Kailangan kong mapaghandaan ang binabalak kong pag-alis.

Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kina Mommy at Daddy ang tungkol sa balak ko. Itutuloy ko ang balak kong manirahan sa ibang bansa at doon ko palalakihin ang anak ko. Sa ngayon, kailangan ko munang maging handa para roon.

Sa mga lumipas na araw ay mas lalo kong naramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis. Medyo lumala ang morning sickness ko at madalas din akong antukin lalo na sa trabaho. Mabuti na lang at hindi ko naman napapabayaan ang trabaho ko. Iyon nga lang, madalas naman akong pagod pagdating sa bahay at halata na ang stress sa mukha ko.

Medyo lumakas na rin ako sa pagkain na napansin naman nina Mommy. Napansin din nila ang madalas na pagkain ko ng melon pero hindi naman sila nagreklamo. Marahil ay nagtataka lang sila kung bakit madalas ay melon ang gusto kong kainin.

Nalaman kong one week na pala akong buntis nang bumisita ako sa OB. Nang sinamahan ako nina Saff at Bree sa OB ay napansin din ng doctor ang pagiging stressed ko. Nagbilin siya na huwag kong hahayaan ang sarili kong mapagod nang husto at kung maaari ay sa bahay na lang. Sinabihan din niya ako ng mga dapat kong kainin at mga hindi dapat kainin pati na rin ang mga dapat na gamot para sa akin.

Nang sumunod na araw ay maaga akong pumasok sa trabaho. Birthday ng General Manager namin kaya naman busy ang lahat sa Accounting Department para sa surprise party para sa kanya. Balak naming sa umaga ice-celebrate ng taga-Accounting Department at F & B Department ang birthday nito at sa hapon kami magre-resume sa pagtatrabaho. Sa hapon naman ay celebration naman ng General Manager kasama ang mga nasa Housekeeping Department at Front Office Department. Of course, sila na ang nag-isip ng gagawin nilang celebration sa hapon.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें