Feeling ko okay naman yung mukha ko so hinawakan ko ang door knob. Pagbukas ko ng door ay nakatingin padin ako sa salamin.

"Giselle?"

Napalingon ako agad sa entrance ng door. There stands a girl who I've never seen or talked for a week already. Nag promise ako kay Finn lalayo na ako sa kung sino man ang ex ko or nakasama ko dati. I want to give our relationship a shot. And by all means, lalayuan ko nalang ang mga taong nagpapagulo ng isip ko. I have already learned to love Finn.

Pero nagulat ako while nakatayo siya sa harap ko.

"Winona, andito ka pala. Mg cCR kaba?" Tanong ko habang naka tayo padin sa loob at hawak ang door knob.

"Oo." Yun lang sinabi niya habang nakatingin padin sa mga mata ko.

Ako na unang umiwas ng tingin at lumabas ng CR.

"Sige. Tapos nako. See you around."

Tumalikod nako pero narinig ko parin pagbanggit niya ng pangalan ko. Lumingon ako at tiningnan siya, tinaas ko dalawang kilay ko para ipaalam na naghihintay ako sa sasabihin niya.

"Nagtext ako nung isang araw. Nangumusta lang. Pero sige okay lang, mukhang busy ka." Sabi niya habang hawak ang dalawang kamay niya sa harap.

"Kasi Winona kasama ko si Finn. Minsan siya yung may hawak ng phone."

Nakikita kong halos namumula na mga mata niya. Umatras siya ng konti at lumapit sa may pintuan ng CR.

"Si-sige. Okay lang." Tumingin siya sa baba at nag smile. Yung smile na parang nasasaktan. Gusto ko sana mag sorry or yakapin siya one last time pero pumasok na siya ng CR.

Actually di naman totoo hawak ni Finn phone ko, nag sinungaling lang ako kasi ang totoo ayoko siyang replayan dahil ayoko maguilty ulit. Minsan nag text siya 2AM na, nagtatanong kung gising pa ako. Alam kong mahal padin ako ni Winona dahil naramdaman ko rin yun, pero ayoko na yun pa ang maging dahilan para iwanan ako ni Finn. Gusto ko mag work ang relationship namin. Kaya sinimulan ko nalang umiwas.

Bumalik na ako sa table namin at ganun padin sila, kwentuhan. Lumapit ako may Finn at bumulong.

"Babe, okay lang ba uwi na tayo? Kakagaling ko lang kasi ng CR medyo nagiba pakiramdam ng tiyan ko." Hawak hawak ko pa ang tyan ko niyan.

"Masakit talaga babe? Nag kwentuhan pa kasi kami ni Jane."

"Oo babe. Hindi din kasi ako comfortable sa ibang CR. Namamahay."

Buti nalang at pumayag si Finn. Gusto ko na talaga umuwi dahil ayoko ma awkward na andiyan si Winona at girlfriend ko. Tumayo na kami at nagmadali akong ngpaalam pero si Finn kinakausap pa si Jane.

Kaya ayan tuloy naabutan kami..

Naglalakad sa harap namin si Winona. Hindi ako nakatingin sa kanya pero pansin ko naman siya sa gilid ng mata ko. Si Finn busy padin. Agad na hinila ni Gabrielle si Winona at pinakilala sa iba pa niyang kaibigan sa ibang table. Gustong gusto ko na umalis habang wala pang nakakapansin.

Pagkatapos magbeso ni Finn kay Jane at Denise ay hinawakan ko na ang bewang niya at inalalayan siya papuntang labas. Pero nakakainis dahil gusto talaga ng tadhana magkita sila.

"Wait babe, paalam muna ako kay Gab." Lumingon siya bigla at hinanap ng mga mata niya si Gabrielle na kasama si Winona na nakatalikod.

Hinawakan ko kamay niya at lumingon siya saglit. "Ay babe, busy ata si Gabrielle. Okay na yan. Alis na tayo?" Sabi ko.

Pero nakita na niya pala si Gabrielle. "Ayun lang oh?" Turo niya at lumapit dito.

Nakatayo lang ako na tiningnan si Finn. Pagkalapit kay Gab ay agad niya etong bineso. Akala ko okay na pero nung humarap si Winona ay nagtama agad ang mga mata nila. Nagulat naman si Gab at nagmadali na akong lumapit sa kanila.

"By the way Finn, this is Winona." Pakilala ni Gab kay Finn. "And Winona si Finn."

Pagkalapit ko sa kanila ay agad akong nagsalita. "My girlfriend.." Dugtong ko sa sinabi ni Gabrielle..

"Finn's my girlfriend."

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now