Kumunot ang noo ko nung makita si Japan. Kanina lang nasa kwarto sya ah?

"Nagjo-jogging din naman pala si Japan, bakit hindi kayo magkasabay?" tanong ni Aj. Sumimangot ako.

"Hindi kami nyan close." kahit naman yayain ko sya ay hindi nya ako papansinin. Snobber eh.

Kaya rin pala ako nag-jogging ngayon dahil gusto kong matalo si Japan. Alam kong wala pa ako sa level para talunin sya kaya nagsisikap akong makarating doon para matalo ko na sya. Makikita nya, sya ang tutumba saming dalawa.

"Sige girls sa kanya na ako sasabay." sabi ko sa kanilang lahat.

"Akala ko ba hindi mo sya close?" sabi ni Nikki. Kinindatan ko sya. Namula ang mukha nya at umiwas ng tingin. Natawa ako ng mahina bago sya sagutin.

"Makikipag-close ako. Teammates ko sya, dapat close ko sya 'di ba?"

"Sabagay." sabi nilang lahat. Nginitian ko sila at tumakbo papunta kay Japan.

Nakahinto sya ngayon at umiinom ng tubig. Nakangiting nilapitan ko sya.

"Good morning Japan." bati ko sa kanya pero hindi man lang nya ako nilingon o pinansin man lang. Hindi naman sya nakasuot ng earphone kaya paniguradong narinig nya ako.

Napa-pout ako. Snobber talaga nito. Mabuti pa yung isa, kahit pikon namamansin eh. Tinignan ko sya habang nagpupunas sya ng pawis nya. Napa-smirk ako nung napansin kong napatingin sya sakin kahit saglit lang. At least, alam nyang nandito ako.

Kinuha ko ang mineral water nya at uminom. Napa-poker face naman sya pero nginitian ko lang sya.

"Salamat." sabi ko at binalik sa kanya ang mineral water. Pero hindi nya kinuha at tinalikuran lang ko tsaka nag-jogging ulit.

Napakamot ako ng ulo. Snobber talaga, mukhang mahihirapan ako rito ah. Pero hindi ako magpapatalo. Matutunaw at matutunaw ko rin ang yelo nyang pagkatao.

"Anong meron?" tanong ko sa mga seniors dahil pinapunta kaming lahat na mga rookies sa gym.

Please lang wag nilang sabihin na maglalaro kami. Rest day namin tapos paglalaruin nila kami. Hustisya sa pagod.

"Sasabi ko once na dumating na sila Ella at Abby." sabi ni Ate Juls. Tumango na lang kaming lahat.

"Louise, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko sa kanya dahil nakabasungot sya.

"Paano, may manyak na naninilip." sabi nya sabay tingin kay Jayden na nakikipagtawanan kay Ivy at Kiara. Natawa ako.

"Bakit may matino bang maninilip?" bigla nya ako hinampas sa braso. "Putek ang sakit ah!" sabi ko. Hindi talaga to basketball player, volleyball player, ang sakit makahampas eh.

"Ha ha tsk!" natawa ako. Ang pikon talaga.

Napatingin ako sa gawi ni Japan. Pinapaikot nya ang bola sa daliri nya. Naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya kaya nagawi ang tingin nya sakin. Nginitian ko sya at kinindatan. Inirapan nya ako. Sungit talaga.

"Anong mukha 'yan Hon?" napatingin ako sa harapan. Dumating na pala sila Ate Ella at Ate Abby pero bakit ang lungkot ng mukha nila?

"Baka may bad news ah. Hindi na ba matutuloy?" tanong ni Ate Anya. Nagtaka ako kung ano ang hindi matutuloy.

"May bad news pero matutuloy." sabi ni Ate Ella.

"Ano po ba 'yon?" pasingit ko kasi sila-sila na yung nag-uusap eh.

"May good news at bad news. Ano ang gusto nyong unang malaman?" tanong ni Ate Abby.

"Bad news para sa huli good news pa rin." sabi ni Alexa at sinang-ayunan ng lahat ng rookies miski ang seniors.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon