Epilogue??

6.4K 157 50
                                    

Epilogue ??

Chan Hanzel POV.

        Tinutok ko kay ericho ang baril ko para sabihing sumuko na sya pero laking gulat ko ng ngumisi lang sya at bigla nalang tumalon kaya napalingon ako sa kabilang building ng sumigaw ang ate nya, ang totoong eugine. Lahat kami ay nabigla sa biglaang pangyayari kaya nawala saglit ang atensyon namin kay ericho. Sumilip ako sa baba kung patay naba sya pero pag tingin ko walang ericho ang nakahandusay. Nagkatinginan kami nila leslie, at nagmadali kaming bumaba para mahabol namin si ericho.

Shit! natakasan kami. .

Tinignan ko lang sila steve habang kaharap nya si clariz pero saglit lang yun at nagmadali na kaming bumaba.

Inikot ko na lahat ng rooms na pwedeng pagtaguan nya pero wala akong nakita. Napagdesisyon ko nalang na lumabas ng building. Nandito parin yung mga media at mga ignoranteng gusto malaman ang nangyari. Sa di kalayuan nakita ko rin sa wakas si ericho na nakabihis na agad ng plain black shirt at nakawhite cap.

Tsk! siguradong alam na nyang ganito ang mangyayari kaya nakapaghanda sya ng plano.

Nalaman ko kasi agad nung ibinaba nya yung cap nya para di sya makilala nakita ko yung tatto sa gilid ng wrist nya ang scorpion tatto.

Hahabulin ko na sana sya pero hinarangan ako ng mga reporters!! Arghhh!!

Pilit akong kumakawala pero para silang alon na pilit akong ibinabalik sa pwesto ko. Nawala tuloy sa paningin ko si ericho!

Sion's POV.

"Pakibantayan nyo ng mabuti si Eugine, baka nasa tabi tabi lang si Ericho" bilin ko sa mga tauhan ni kristian.

Sinenyasan ko si leslie kaya tumango lang sya at sabay na kaming tumakbo palabas ng building. Gusto kong matawa sa reaction ni chan ngayon dahil mukhang gusto na nyang pumatay sa itsura nya. Lumapit kami doon kaya humawi ang daan at hinila ko na si Chan na bwisit ang itsura.

"Nakita ko na sana si ericho! Arghhh!! Nakatakas na tuloy sya" inis nyang sabi habang padabog na umupo sa backseat.

"Ako na ang magdadrive" napangiwi ako sa sinabi ni leslie kaya inunahan ko na sya sa driver's seat.

"Wag kang magmagaling leslie baka maaksidente pa tayo at kakagaling mo palang sa hospital" yun nalang sinabi ko para hindi na sya magpumilit magdrive. Nagkibit balikat sya at umupo na sa tabi ko.

"Mahahanap din natin si Ericho pero sa ngayon nag aagaw buhay pa yung mga kaibigan natin" sabi ko habang nagdadrive pero si chan biglang tumingin sa rear view mirror at tinignan ako ng masama.

"What the fuck?! Asan yung kapatid nya?"

"Nasa hotel parin . . Why,?"

Parang wala lang na sabi ni leslie.

"What?! What the heck?!" inis na sabi ni chan sabay sabunot sa buhok.

"Ano bang kinaiinis mo? Ano tayo baranggay tanod at lilibutin natin itong lugar para mahanap si ericho? Come on chan relax ok?"

Sabi ko gusto ko na talagang tumawa dahil halatang gusto nyang mahuli na namin si ericho. Kahit naman ako gusto ko nang durugin ang pagmumukha nya.

"Hindi nyo ba naisip na pwede nyang balikan yung kapatid nya? At babalik nanaman tayo sa gulo?"

Napailing nalang ako at itinuon na ang pagdadrive.

"Stop the car" malamig nyang sabi at talagang punong puno na sya.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon