Chapter 56. Jeopardy

4.7K 185 26
                                    

Chan Hanzel POV.

     Nagmadali agad akong pumasok ng hospital pagkapark ko. Tumakbo ako kung saan ang kwarto ni steve pero pagkabukas ko ng pinto walang katao tao. Kinuha ko nalang agad ang phone ko at tinawagan si leslie.

"Where the heck are you?!"

Inis kong sabi pagkasagot sa kabilang linya pero natulala ako ng iba ang sumagot.

[Sino po sila? Kilala nyo po ba yung naaksidente?]

Naaksidente?

Kinabahan naman ako sa sinabi nung babae kaya tinanong ko kung saan nangyare ang aksidente. Nagmadali ulit akong tumakbo palabas para masigurado kong totoo nga na may nangyari sa kanila.

Habang nagmamaneho ako nag ring ang phone ko kaya sinuot ko nalang ang bluetooth headset at pinindot sa side.

[Yo bro . . Nakuha ko na ang info]

"Tell me about it right now"

[Yung sasakyan na may plate number na 7899 ay pagmamay ari ni Kristian Han]

Nanlaki naman mata ko sa gulat ng banggitin nya si kristian. Ang tagal na simula ng na ban sya sa school at hindi ko na rin sya nakikita.

"And then?"

[Bro . . Medyo delikado yung pinapagawa mo saken dahil may kapit pala sa gobyerno itong babae]

Napakunot naman ako ng noo saglit pero naalala ko nga pala yung babae.

"Tell me all about it"

[Nung sinabi mong hanapan ko ng info sinundan ko yung plate number na sinasabi mo tapos huminto sila sa isang elite condominium, may mga sumunod sa kanilang mga body guard, sayang nga lang at hindi ako makakapasok dahil kailangan ng card kasi nga pang elite lang yun]

"Do you know the name of that girl?"

[Ah.. ou kinuhanan ko sya ng litrato at nag search ako kung may nakakakilala ba sa kanya at kinalkal ko lahat ng info doon sa mga nakacheck in tapos nakita ko ulit yung name ni Kristian Han together with Eugine Park]

Muntikan ko ng mabangga yung kotse ko sa huling sinabi nya.

"What?! Are you really sure? The name of that girl is Eugine Park?"

[Yeah I'm really sure]

"Ok . . Thank you"

Pinatay ko na agad ang tawag dahil mas lalo akong nalito sa nangyayari.

So tama nga ako ng hinala na buhay pa ang totoong Eugine Park. Tinignan ko ulit ang enveloped sa tabi ko at napailing.

Kung ganun sino si Eugine? Sino ba talaga sya at anong pakay nya sa pagpapanggap na lalaki?

Naalala ko simula noong dumating sya sa buhay namin nag simula na din ang kaguluhan sa buhay namin.

Namatay si Brizon . .Si Charlie . .at si Kaizer . .

Hindi kaya sya ang may kagagawan nitong lahat?

Aisshhh!! Nababaliw na ako.

Nagulat ako ng mag ring ulit ang phone ko kaya sinagot ko nalang agad.

[Bro may nakalimutan nga pala akong sabihin]

". . "

[May pinapasabi nga pala si Mr. Don tungkol sa kaso na hinawakan mo. . Ang tagal mo daw maghanap e]

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon