Chapter 50. Onerous

5K 145 14
                                    

Dave's POV.

"Tell me ikaw din ang may gawa nung lason right?"

"Bakit mo ba ako pinapakialaman ha!?"

"Bakit mo nagawa ang bagay nato devien? Ano pabang gusto mo? Namatayan din ako ng kaibigan kaya nakaganti kana sa akin pero sobra na devien!"

Sigaw ko kaya umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto.

Pilit nyang inaalis yung tali sa kamay nya pero hindi nya magagawa yun dahil alam kong mautak sya kaya bakal na ang ginamit kong pantali.

"Ano ito ha? Bakit mo inembento ang bagay nato?!" nanginginig na ako sa sobrang galit.

Umiwas lang sya ng tingin kaya pilit ko syang pinaharap sa akin.

"Wag mo akong iniiwasan ng tingin pag tinatanong kita!!"

"Tama na kuya!! Sawang sawa na ako sayo! Lagi nalang ako ang mali! Akala mo ikaw lang ang laging tama! Nagkakamali ka!"

Nagulat ako sa pagsigaw nya kaya nasampal ko sya bigla.

"Mali ang ginagawa mo devien! Maling mali!"

"E bakit ang patayin ang sariling kaibigan? Para sayo tama ba yun?"

Napatulala ako sa sinabi nya dahil may part na tama sya.

"Hindi kita pinapakialaman sa kung ano man ang ginagawa mo kaya wag mo rin pakialam ang gusto kong gawin"

Napabuntong hininga nalang ako at napakuyom ng kamao. Sa sobrang inis ay napasuntok ako sa pader kaya kita ko ang naiwang dugo.

"Yung prostetic mask palang yan ay inembento ko para lituhin kayo" napalingon ako sa kanya.

"Nakita kasi kitang sinunog ang bangkay ni brizon kaya nalaman kong malapit mong kaibigan yun, gumawa ako ng paraan para magaya ko ang mukha nya at yung time na nagkagulo kayo doon ko na ginamit yan at nag panggap na brizon"

"Why did you do all this?"

"Sinusunod ko lang ang utos ni kuya ericho, pag hindi ko daw sya sinunod papatayin nya ako at ikaw" bigla akong nanlambot sa sinabi nya at natuwa dahil inamin nya din sa wakas.

"May aaminin din ako sayo. . Hindi talaga nagpakamay yung kaibigan mo kundi pinatay sya ni ericho" kita kong nanlaki ang mata nya sa gulat.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"I just wan't to protect you"

"Fuck kuya! Hindi mo alam na mas dapat protektahan si eugine"

"Eugine? Bakit?"

"Mas delikado sya ngayon . . kababata ko sya at inutos ni dad na bantayan si eugine"

Hindi ko yata alam yun ah?

Napakunot lang ako ng noo . .

"Malalaman mo din"

Leslie POV.

"French may sumusunod sa atin" taranta kong sabi habang nakatingin ako sa rear mirror. Kanina ko pa kasi napapansin na may sumusunod na pulang kotse sa likod. Napatingin din sya sa likod kaya agad nyang nilabas yung baril nya.

"Tawagan mo si chan sabihin mo matatagalan tayo ng konti" utos nya kaya kinuha ko yung wireless headset na nakaconnect sa phone ko.

Napapakagat na ako sa ibabang labi dahil ang tagal nyang sagutin.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon